53. An ally

29.6K 1.9K 371
                                    

Hindi ako nakaimik sa sinabi ni Sir Cael. Hindi kaagad pinroseso ng utak ko ang mga salitang binitawan niya. Parang bumagal ang pagtakbo ng oras at may may matinis na tunog ang dumaan sa tenga ko dahilan ng pagkabingi ko ng ilang segundo.

Des...troy?

"That's why we need to dispose Helena. I already told you didn't I? Helena is the guardian of the Portugals'," nakangiting dagdag ni Sir Cael.

Wala akong reaksyon na mapakita—hindi ko alam ang mararamdaman ko. Hindi ko magawang makapaniwala sa mga salitang lumalabas sa bibig niya.

"B-But you're also a portugal, right?!" naguguluhang sambit ko.

Hindi ko lubos maisip kung bakit gustong gawin 'yon ni Sir Cael!

He smirked. "Yes... pero sa pangalan lang," sagot niya. "We don't have the same blood flowing in our veins—I'm adopted."

Natigilan ako sa sinabi niya. Dumudugo na ang palad ko sa higpit ng pagkasasara ng kamao ko.

That's... not a fucking acceptable reason!

Balak ko pa sanang magsalita nang biglang humarap sa akin si Papa, may hawak na baril at nakatatok sa akin. "Come on, Scarlet. Abala ka eh. May ginagawa pa kami," aniya.

Tumalim ang tingin ko rito. Kahit hindi ko nagagamit ang gift ko ay hindi ko magagawang matakot sa kaniya.

"Sa tingin mo ba sa kabila ng training ko ay hindi ko kayang iwasan 'yan? Mas mabilis pa 'ko sa bala," taas noong sagot ko.

Imbis na mabahala ay kumurba ang isang ngisi sa labi ni Papa. Imbis na itutok sa akin ang baril ay itinutok niya 'to sa isang monitor sa loob ng silid.

Tila nanlumo ako nang makita kung sino ang mga nandoon. Sama-sama sina Viola at ang iba na nakaupo sa isang silid na para bang walang alam na sa mga nangyayari.

"Susunod ka... hindi ba, Scarlet?"

Naestatwa ako sa kintatayuan ko. Hindi ko nagawang makasagot sa sinabi ni Papa.

Natauhan na lang ako nang makaramdam ako ng malamig na bakal sa dalawang pulso ko. Napalingon ako sa lalaking naglagay ng posas sa akin. Hindi ko magawang makapaniwala nang makilala ko siya.

Isa siya sa mga nakilala ko sa event. Isang estudyante rin ng Lunar Academy...

"R-Ronan?" hindi makapaniwalang sambit ko.

Isang ngisi ang pinakita niya sa akin bago tuluyang posasan ang dalawa kong kamay.

"Magpahinga ka muna, anak. Marami pang gagawin si Papa," nakangiting sambit sa akin ni Papa.

Hindi ko pa nagagawang makasagot dito nang hilahin na 'ko paalis ni Ronan. Ang nakakurbang ngisi ni Papa ang huli kong nakita bago ako tuluyang hilahin palabas. Inilibas ako ni Ronan sa silid at hinila sa pasilyo.

Napaismid ako at pilit na inaalis ang pagkahahawak niya sa akin. Pilit ko siyang nililingon mula sa gilid ko.

"What the fuck are you doing?! Wala kang utang na loob kay Helena!" giit ko sa lalaking kasama ko. Hindi ako makapaniwala na nagawa niyang traydurin si Helena.

Natawa si Ronan sa sinabi ko. "Si Sir Cael ang nagdala sa akin sa Academy. Lahat kaming mga myembro ng Graven Guild ay nasa kaniya lang ang katapatan."

"Anong pakielam ko sa Principal?" nakangising sagot niya.

Nandilim ang paningin ko sa sinabi niya. Balak ko na sanang maglaban nang tuluyan nang bigla niya 'kong tutukan ng baril sa noo.

"Don't push your luck, Grim Reaper. Tandaan mo, ikaw ang dehado rito," seryosong pagbabanta niya.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon