SPECIAL CHAPTER

38.1K 1.9K 590
                                    

Law

"Mukha kang tanga riyan." Rinig kong sambit ni Lemon sa akin.

Kanina pa 'ko pabalik-balik sa paglalakad dito sa loob ng guild. Tanging ako, si Lemon, Elroy, at Zeldrick lamang ang nandito.


"Why don't you just ask her out?" Casual na sambit ni Elroy.

"Oo nga. Bobo kase." Dagdag ni Zeldrick.

Napaismid ako sa sinabi nila. "Oi, oi. That's not that easy!" Giit ko.

Napabintong-hininga na lamang sila sa sinabi ko. Muling sumubo ng cake si Lemon, si Elroy ay nagpatuloy sa paglalaro, at si Zeldrick ay nagpapaikot ng yoyo.

"Ang hina mo naman. You already freaking kissed her, hugged her, and tell her corny stuffs. Tapos ayaw mo pang lagyan ng label?" Iritadong sambit ni Zeldrick.

"Shut up Zel! Eh bakit ikaw? Hanggang kailan ka magmamaang-maangan na wala kang gusto kay August?" Inis na sagot ko rito.


Natahimik si kupal sa sinabi ko at hindi nakasagot. Jeez, bakit ba 'ko humihingi ng advice sa mga 'to. Mas tabingi ang utak nila kaysa sa akin.

"Jeez. Your choice. Pagtatawanan ka namin ni Chelsea kapag naunahan ka." Nakangising sambit ni Lemon.

Natigilan ako sa sinabi niya at natauhan. Fuck. Merong asungot palang umaaligid sa babaeng 'yon. Bwisit!

Napasabunot ako sa ulo ko sa inis. Ano pa ba ang hinihintay ko? Nandito na si Helena! Okay na ang lahat!

Why can't I just ask her to be mine?

"Law. Hinahanap ka ni Helena." Sambit ng lalaking bagong dating.

Pare-pareho kaming napatingin kay Gin na walang ganang pumasok sa guild. Humihikab pa ito at magulo ang buhok.

Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa sinabi niya. Tsaka ko na iisipin si hood.

Pumunta ako sa academy at pumunta sa principal's office. Nang makarating ako roon ay bumungad sa akin ang batang babae na umiinom ng tsaa.

"Yoh." Bati sa akin ni Helena.

Napabuntong-hininga ako rito bago casual na umupo sa sofa sa silid. "Oi, oi. What do you need from me?" Walang ganang tanong ko.

Ipinatong ni Helena ang mga paa niya sa lamesa at tinapunan ako ng tingin. Pagtapos ay hinagisan ako nito ng isang folder na kaagad ko ring sinalo.

"What's this?" Marahang tanong ko.

"Open it." Sagot ni Helena.

Sinunod ko ang sinabi niya at binuksan ang folder. Natigilan ako sa mga papeles na bumungad sa akin.

"Wanted, alias Joker. No name. Gift, unknown." Basa ko sa nakasulat.

"I want you to handle that mission." Casual na sambit ni Helena.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Bakit mo pa ko pinapunta rito? Dapat kay Gin mo na lang pinasabi." Giit ko.

Hindi kaagad nakasagot si Helena sa sinabi ko at napansin kong nagbago ang ekspresyon nito.

"Because you're a heir of Cronus. Just like me." Deretsong sagot ni Helena.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tila bumigat ang tensyon sa silid.

"While I was away for a year. Marami akong naglagpasan na mga kaganapan." Pangunguna ni Helena.

"Someone told me. A queen will soon rise. A gifted that is even stronger than us, heir and heiress of Cronus." Dagdag nito.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon