46. Training

31.8K 1.6K 197
                                    

"I'm sorry. Kinuha ko siya sa'yo. Patawarin mo 'ko."

"Patawarin mo 'ko ******."

Nagising ako nang tumama sa mukha ko ang sikat ng araw mula sa bintana. Mabilis kong inalala ang naging paniginip ko.

Hindi ito ang unang beses na mapaniginipan ko siya. Ang babaeng may itim na buhok at patuloy na humihingi ng tawad. Para kanino ba siya humihingi ng tawad?

Kahit hindi ko mapigilang mapaisip ay isiniwalang bahala ko na muna ang panaginip ko.

Bumangon ako sa higaan at agad na nag-ayos. Ngayon ang araw na tutulungan ako ni Zail na mag-undergo sa leveling.

Lumabas ako ng kwarto ko upang pumunta sa labas. Habang naglalakad sa pasilyo ay nabigla ako nang may biglang lumabas sa isa sa mga silid sa mansyon.

"S-Sir Cael," biglaang sambit ko. Akala ko ay kami lang nandito.

"Oh, Scarlet. Ikaw pala," nakangiting aniya nang makita ako.

"Ano pong ginagawa niyo rito?" marahang tanong ko.

"Ah, minsan ay rito rin kasi ako nag-iistay dahil isa ako sa mga opisyales ng paaralan. Pero aalis ako ngayon, meron kaming meeting nga mga officials," sagot ni Sir Cael.

Sabay kaming naglakad sa pasilyo papunta sa labas. Hindi pa ako gaanong kapamilyar sa mga pasikot-sikot dito dahil sa laki ng mansyon ni Helana. Dumaan kami ni Sir Cael sa isang hindi pamilyar na pasilyo.

"Shortcut 'to," nakangiting sambit ni Sir Cael sa akin.

Naglakad kami sa mahabang pasilyo at bigla na lamang napako ang tingin ko sa isang malaking painting na nakasabit sa mataas na pader ng mansyon ni Helena.

Painting ito ng tatlong tao. Si Helena, isang lalaking may pulang buhok, at isang pamilyar na babae.-

Ang babaeng nasa panaginip ko.

Napansin ni Sir Cael na nakapako ang tingin ko sa painting at tumingin din siya rito.

"That was painted 116 years ago..." nakangiting aniya habang nakatingin sa painting.

Natigilan ako sa narinig. 116 years ago?! Ilang taon na ba si Helena?

At isa pa, bakit kamukhang-kamukha ng babaeng kasama niya sa painting ang babaeng nasa panaginip ko?

"Sino ang mga kasama ni Helena?" tanong ko. Tila napuno ako ng kuryosidad ngayon.

"Ah, Senior Evan Portugal and his wife..."

"Scarlet Portugal."

My eyes widened and both of my eyebrows rose. The lady has the name as me.

"Oh, pareho pala kayo ng pangalan," natatawang sambit ni Sir Cael nang mapagtanto rin nitong magkapangalan kami.

Lumapit ito sa painting at hinawakan ito. He flashed a smile.

"Sila ang unang Portugal na nakilala ni Helena. Ang tumayo ng tatlong paaralan."

"Dahil sa sobrang lalim ng pagsasamahan nila ay hanggang ngayon ay nanatiling nasa tabi ng mga Portugal si Helena. Every portugal calls her our Guardian."

Nanatili akong nakinig sa mga sinasabi niya. Hindi ako makapaniwalang matagal ng nabubuhay si Helena.

Bakit sobra-sobra naman ang pagiging katapatan niya sa mga Portugal at kahit isang siglo na ang lumipas ay nanatili siyang nasa tabi ng mga ito?

"Anyways, tara na. Baka hinihintay ka na ng mga kasama mo," pag-iiba ni Sir Cael.

Natauhan ako sa sinabi niya at agad akong sumunod sa kaniya sa paglalakad.

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon