42. Intentions

32.3K 1.7K 58
                                    

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Nanghina ang buo kong katawan nang magtama ang mga tingin namin ni Viola.

"V-Viola," hindi makapaniwalang sambit ko.

Prente itong nakasandal sa pader at nasa bulsa ang mga kamay. "Long time no see, S03," nakangising sambit niya.

Hindi pa rin pinoproseso ng utak ko ang nangyayari at hindi kaagad ako nakaimik sa sinabi niya.

"W-What are you doing here?" tanong ko.

She tilted her her and she gave me a threatening look. "How about you? What are you doing here?" balik niya sa akin.

Umalis ito sa pagkasasandal sa pader at naglakad papalapit sa akin.

"I-I'm doing my job," taas noong sagot ko. Pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

"What job?" Pinagtaasan ako ng kilay ni Viola. "To hang out with Helena's kids?" sarakstikong aniya. Matalim siyang tumingin sa akin.

I clicked my tongue. "Shut the fuck up, Viola. You know why I'm here. Kasama ito sa plano ko.'

Kahit sobrang bilis ng pagtibok ng puso ko ay pinakita ko ang pagiging kalmado ko sa babaeng nasa harap ko.

Tuluyan ng lumapit sa akin si Viola. Nabigla ako nang pagtaasan niya 'kong kamay. Mariin akong napakagat sa ibabang labi at napaismid. Inaasahan ko ang pagsampal niya sa akin... ngunit natigilan ako nang nakaramdam ako ng mahigpit na yakap.

"A-Addi's back, Scarlet..."

Her voice was soft and warm—enough to melt my heart.

Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Tila naestatwa ako sa kinatatayuan ko at walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Addi is... back?

"D-Did you also know? About Papa?" dagdag ni Viola.

Tuluyan na 'kong nanghina sa sinabi niya. "W-What do you mean?" tanong ko.

Inalis ni Viola ang pagkakayakap sa akin at tumingin ito nang deretso sa mga mata ko. "Papa's plans... the true personality of the man whom we believed in."

Napaawang ang bibig ko sa sinabi niya. Nangungusap ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Natagpuan ang sarili kong napahawak sa magkabilang balikat ni Viola.

"T-Tell me, walang nangyaring masama sa inyo, hindi ba?! Si Papa, wala siyang sinaktan, hindi ba?!" sunod-sunod na sambit ko. Tumaas ang tono ng pananalita ko.

Bumigat ang paghinga ko at hindi ko mapigilang kabahan. Kapag may nakaalam pa ng totoong katauhan ni Papa ay hindi namin alam kung ano ang pwedeng gawin niya.

Nagbago ang ekspresyon ni Viola sa sinabi ko at naramdaman ko na lang ang hapdi ng pisngi ko nang sampalin niya ako. Kasunod n'on ay ang unti-unting pagpatak ng mga luha niya.

"Y-You knew Scarlet! Then why didn't you tell us?! You're trying to solve this by yourself?! Gano'n ba talaga kataas ang tingin mo sa sarili mo?!"

I can see the mixed emotions in her eyes. Hatred... deceived... sadness—and guilt.

Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Hindi 'yon ang gusto kong iparating... ang gusto ko lang ay hindi sila mapahamak.

"Addi told us... we met her. All of the one digit codes. Hindi alam ni Papa na bumalik si Addi pati na rin ang mga ibang codes. Kaya 'wag mo silang alalahanin," aniya.

Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi ni Viola. Mabuti naman at wala pa ring alam ang ibang codes. Mas mabuti ng gano'n para na rin sa kaligtasan nila.

"We all believed her... except for one."

Lunar Academy: School For The HuntersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon