Chapter 2

89 9 0
                                    

Demonyito



Kakatapos lang nang klase namin nang magpasya kami ni jane na mag mall sandali, maaga pa naman eh ang boring rin sa bahay. Pag dating namin sa mall walang masyadong tao kaya nagtataka kami, eh 5pm palang naman. Or maybe walang pera yung mga tao pang shopping? Hirap na hirap ba? napapatawa ako mag isa neto.


"Hoy anong tinatawa-tawa mo dyan? Nababaliw kana ba? Sinasapian? -ani jane.


"Eh na isip ko lang kung bakit walang tao dito sa mall eh maaga pa naman, tapos na realize ko na baka naghihirap na sila at wala nang pera pang shopping.'' maarteng sagot ko.


"Eh ano namang nakakatawa dun? Di ba pwedeng ma ubusan nang pera ha? Palibhasa lumalangoy ka sa pera nyo? Aba mag ingat ka at baka malunod ka, yan pa ikamatay mo... -nyemas na kaibigan to!


"Bat ba kontra ka nang kontra sakin ha? Kanina ka pa ah? Anong problema mo? -sigaw ko sa kanya


"Wala naman para may ma sabi lang HAHAHA" tawa nya at kinaladkad ako papasok ng mall.


Habang nag lalakad kami papuntang second floor may biglang nagtatakbuhan dun, akala namin may hostage na nagaganap or may bomba na tinanim dun or may demonyong dumating, pero narinig namin ang mga kabataan na nag uusap at kinikilig


'Grabi nakaka inggit yung girl, tsaka nakaka kilig yung proposal nung lalaking manliligaw, jusko pag sakin nangyari yun sasagutin ko talaga agad kung pwede diretso na sa kasalan yiieeeee. -

yan yung narinig naming usap-usapan, kaya yung kaibigan ko naman chismosa eh hindi naka pagpigil at agad akong hinatak papunta kung saan nagaganap yung nag lolokohan-este nagliligawan.


"Hoy tangina ka mag hinay'hinay ka nga sa pag hatak sakin maawa ka ayokong madapa dito nakaka hiya, tsaka wag kang atat makita yung proposal dahil maiinggit ka lang dahil walang gagawa sayu non!! -sigaw ko kay jane dahil ang sakit na talaga nang puso ko charot! Sakit na nang paa ko buset naka school shoes pa ako na may heels.


"Bilisan mo naman kasing mag lakad baka hindi natin ma abutan yun, gusto kung makita yung naglolokohan dun!" HAHAHAHA gagu rin eh!


Pag dating namin dun nakipag siksikan pa talaga kami sa mga tao, kaya pala walang tao dun sa first floor dahil nandito lahat.


 mga uto-uto, kinikilig sila habang nanunuod. Dahil sa sobrang dami nang tao nahirapan pa kami sa pagpunta doon talaga sa unahan dahil gustong makita ni jane yun, si jane lang ha! Di ako kasali dahil hindi ako interesado tungkol dyan letche kung di lang talaga nya ako hinatak hinding hindi ako sasama.


 Patuloy kami sa pagsiksikan para makita yung dalawang na ulol sa harapan, dahil sa likot nitong si jane e nakakatapak na kami nang paa HAHAHAHA kaya naman nag tulakan na yung mga tao, at sa sobrang lakas maka tulak nung mga pesteng tao, na punta rin kami sa harapan BWAHAHAHAHA SUCCESS T---demonyo!! 


Isang malaking DEMONYO AMPUTAAA! Yung nasa harapan namin! Yung-- yung ano! Tama nga ako na may demonyong dumating dito at yun ang pinagkakaguluhan dito.


"Bes okay ka lang? Shiitt -tanong ni jane sabay mura nang makitang natulala ako sa nakita ko, hindi ko alam pero parang nangatog yung binti ko. Napahawak tuloy ako kay jane dahil baka di ko kayanin at matumba ako bigla sa harapan nang pesteng lalaking to na may iba na namang biktima.



"PHOEBE MARRIE DELCOLLINS!! NAKIKINIG KA BA?" -biglang sigaw ni jane dahil kanina pa pala sha nagsasalita na umalis na kami pero di ako naka galaw, shittttttttt tong babae'ng to! Sa lakas nang sigaw nya napa tingin samin yung mga tao, pati na rin yung nag po-propose na biglang lumaki yung mata pagkatapos akong makita (ay normal pala na malaki talaga mata nya) Fuckk!!


Hindi ko akalain na makikita ko sya dito, tapos nangbibiktima na naman nang iba! Ano ba to!! Pagnakikita ko talaga tong lalaking to gusto kong magwala, gusto kong maging demonyo, gusto kong umiyak! Umiyak hindi dahil mahal ko pa sya kundi dahil sa GALIT!!


"Phoeb'' gulat nyang tawag sakin.


 kapal talaga nang mukha neto! Nakuha pang pansinin ako eh nandyan yung nililigawan nya. Well di ko naman sya masisisi kung na pansin nya tong kagandahan kong taglay, kaya lang ako yung nahihiya para sa nililigawan nya, dahil yung atensyon na sa kanilang dalawa dapat ay ngayon nasa amin na.


Okay kalma lang phoebe ha, masamang pumatay nang hayop kaya dapat kalma ka lang okay? Wag mo ipa kitang naaapektohan ka sa presensya nya. -bulong ko sa sarili ko. Kahit naramdaman kong hinihila ako ni jane, hindi ako nagpa tinag dahil haharapin ko tong pesteng to nang malaman nang lahat kung anong klaseng animal sya!

Taking ChancesWhere stories live. Discover now