Pag dating namin sa mall parang bata si jane sa sobrang tuwa nya. Halatang excited sya samantalang ako parang natatae na ewan. Bat ba ako sumama dito? Gusto ko nalang umuwi pero wala akong idadahilan. Si drew naman tahimik lang. Ano bang ginagawa nya talaga? Napipikon na ako't gusto ko na syang sapakin.
"Doon muna tayo sa game zone bakla daliii." -sabi ni jane sabay hila kay drew papuntang GZ. Madapa sana kayo-,-
"Bruha laro nalang muna kayo dyan ha. Pupunta lang ako ng saglit sa second floor may titingnan ako, may inutos si mommy eh." -sabi ko ng makarating kami sa gamezone. Diko na kayang makasama sila, nakaka pikon. Alam ko walang kasalanan si jane pero nakaka pikon talaga eh, nagiging pabebe sya na ewan😐
"Ha? Samahan ka nalang namin. Ano ba titingnan mo?"
"Hindi wag na dyan nalang kayo babalik naman ako eh. May pinapa tingnan lang talaga si mom. Sige na babalik ako okay? Hoy drew ingatan mo yang bestfriend ko ha!" -baling ko kay drew na nagulat sa biglaan kong pag pansin sa kanya. Si jane din, duh mas sanay ako sa drew eh. Sa kanya na yung andy nya.
"A-ahh okay. Sige ingat" -sagot ni drew na naka titig sa mata ko. Mabulag ka sanang piste ka.
Umalis na ako't dina pinansin si jane. Baka mag tanong yun bat drew tawag ko kay drew. Duh dahil yun pangalan nya ano ba dapat itawag ko dun? Alangan namang baby? Nag ikot ikot lang ako sa mall kasi wala naman talagang inutos si mommy. Mamaya nalang ako babalik dun. Napunta ako sa rooftop ng mall sa kakalakad ko, ang presko ng hangin kaya umupo ako sa may maliit na semento at nagtulala. Ang daming gumugulo sa isip ko, yun bang nakaka pagod mag isip pero gusto mo namang maka hanap ng sagot sa mga tanong mo. Napa buntog hininga ako't tumayo muli. Pumunta ako sa dulo ng rooftop at bumwelta ng napa kalakas na sigaw.
"TANGINAAAAA MOOOO ORRTTEEEGGGAAAA!! PAASA KANG PISTE KA, DIKA PA NGA NAKAKA SIMULA SA PANLILIGAW MO SAKIN MAY IBA KANANG DINE-DATE? BESPREN KO PA HA!!! MAWALAN KA SANA NG ITLOG TARANTADO KA MAMATAY KANAAA GGRRRRR!!" -buong lakas akong sumigaw. Wala namang tao dito kaya bahala na! Nakaka gaan din sa loob yung pag sigaw ko eh kaya isa pa.
"SANA DI NALANG KITA NAGUSTOHAN! HINDI KA NAMAN KAGWAPOHAN AH BAT ANKAPAL NG MUKHA MONG MAG PAASA! TWO TIMER KANG BUSET KAAAAA! BINABAWI KO NA YUNG SAGOT KO KAHAPUN! WALA KA NANG KARAPATANG MANLIGAW SAKIN KAHIT KAILAN KASI MANLOLOKO KA! BUTI NALANG DI NAGING TAYO BAGO KO NALAMANG GAGU KA!" -ansayaaaa sumigaaww! Parang tanga eh. Hinihingal ako pagka tapos, haayyst. Umupo ako ulit. Napagod ako eh bat ba?
"Sabihin mo sakin kung tapos kana. Mag uusap tayo." -nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni drew sa may gilid.
"Anong ginagawa mo dito? Di mo ba nakita yung signage don? NO Pets allowed daw diba!"
"Let's talk phoeb." seryosong aniya.
"Ay naku! Tigilan moko sa let's talk mo na yan. Wag mokong kausapin. Scam yan! Nabasa ko yan sa wattpad. Yang klaseng banat? Sa ibang bagay napupunta yan. Hindi na bibig yung mag uusap. Katawan na! Kaya lumayo ka saking scammer ka! Hinding hindi ko ibibigay sarili ko sayo. Ano ka siniswerte?"
"What the hell are you talking about? Gusto ko lang mag usap tayo. Please"
YOU ARE READING
Taking Chances
Teen FictionWound heals but pain of the heart and shattered soul are not easy to fix. Life is all about taking chances, trying new things and pursue your passion without fear of failing. We all want to do many things in our lives, but we are often afraid to tak...