Maaga akong nagising kinabukasan dahil excited ako.. oo na excited talaga ako paki mo? Sobrang aga ko nagising 6am pa lang. So habang maaga pa naman nagtulala muna ako bago bumangon. Nag iisip kung anong gagawin namin ngayon.
San kaya kami pupunta? Sa mall lang? Manonood ng movie? Tapos kakain? Sa isang resto? O may hinanda syang private place for us? Yung parang magpi-picnic kami? Mas romantic yun hihi. May mangyayari kaya samin? Hoy gaga bat may mangyayari sainyo? Wala, wala, wala... maka ligo na nga lang kung ano-ano pumapasok sa isip ko.
Pagka tapos kong mag ayos bumaba na ako at busangot na mukha ni kuya ang sumalubong sakin----ang panget nya-,-
"Wag mokong sabihang panget kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto mo" -agad nyang sabi. Eh? (Alam nya nasa isip ko, alam nya kasing panget sya)
"Ang aga-aga naka busangot ka? Wag mokong damayin dyan sa bad aura mo ha!" -agap ko sa kanya. Duh? Dapat good vibes lang ang ganda kaya ng gising ko.
"Wag damayin? Pwes tawagan mo ngayon si daddy. Namnamin mo lahat ng sermon nya dahil sinabi ko na sa kanilang tumakas ka kahapun. Tumawag ka naman kay mama kagabi ah? Bat di mo pa sinabi?" -galit nyang sabi, di ako agad naka sagot. tigok ako nito.
"Eh kasi nagmamadali si mama kagabi kaya diko na nasabi" -I reasoned out.
"Anong nagmamadali? Lakompaki basta tawagan mo si papa ngayon din kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto mo, di talaga matutuloy yung lakad nyo ni drew!" -pananakot nya kaya nagmadali akong tumakbo pabalik sa kwarto. I dialled dad's phone and isang ring lang sinagot agad. Hinihintay talaga ang tawag ko.
"Daaaddd please forgive meeee. I'm so sorry please. Promise di na mauulit yun. And di naman ako lumayo eh nasa campus lang ako diko lang talaga sila pinapasok kasi nakaka distract sila sa ibang students, baka di makapag focus sa exam alam nyo namang finals na diba? Dad please i'm really sorry" -bungad ko sa kanya pagka sagot.
"What do you think you're doing phoeb? Alam mo naman ang sitwasyon ngayon diba? Pano kung may nangyaring masama sayo? Kahit nasa campus ka lang di tayo nakaka sigurong safe ka! Kung di pa sinabi ng kuya mo di namin malalaman. Sobrang nag alala kami ng mommy mo!" -galit na sabi nya.
"I know dad and i'm really really sorry. Di na talaga mauulit yon I swear."
"What about your date with drew? I dont think dapat kang umalis ngayon!" -he said with full of authority. Lord help me.
"Dad please i'm sorry na I know you're mad but please let me go out. Isasama ko lahat ng body guards ko kahit sa loob ng cinema. Just please dad." -pagmamakaawa ko, kulang nalang lumuhod ako with teary eye para effective.
"Okay that's it." -he sighed. "Let your kuya decide for it, pupunta naman si drew dyan diba? Sila nalang mag usap."
"WHAAT? What if di pumayag si kuya? No scratch that! HINDI talaga sya papayag and i'm sure of that, dinarag ako agad pag gising ko eh. Si kuya pa? I'll just cancel our lakad nalang po nakakahiya kay drew kung pupunta pa sya dito di rin naman papayag si kuya." -nawawalang gana kong sabi.
YOU ARE READING
Taking Chances
Teen FictionWound heals but pain of the heart and shattered soul are not easy to fix. Life is all about taking chances, trying new things and pursue your passion without fear of failing. We all want to do many things in our lives, but we are often afraid to tak...