Lutang akong gumising kinabukasan, di ako maka move.on sa nangyari kagabi. Did he really confessed last night? Gusto nya ako? Kelan pa? Saka bat ba kasi ang galing nya mag english? Hindi bagay sa kanya maging janitor eh. Mas bagay sa kanya maging asawa ko.
"Echusera ka, wala pa ngang kayo asawa agad iniisip mo. Assume pa more, pag ikaw nasaktan ulit mag bigti kana ha." bulong ko sa sarili ko habang naliligo. Hindi ko nalang inisip yun at nag ayos ng gamit. Maaga na naman akong papasok sa companya.
"Bat ba ang aga ko? Okay lang naman ma-late kasi anak ako ng may ari ng kompanya, eh sa gusto ko paki mo?"
Napailing ako at sinampal sampal yung mukha ko para magising. Nababaliw na ako kinakausap ko sarili ko.Wala pa si jessa sa table nya pag dating ko kaya napa irap ako. Sabi na eh sa first day lang maaga ang bruhang yun!
"Good morning madame." Nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko, pag tingin ko si kuya J pala. Ngiting ngiti sya. Nagpapa cute ba to? Umagang umaga!
Di ko sya binati at Tinaasan ko lang sya ng kilay "san mo nakuha yung number ko? I forgot to ask you kagabi."
"Sa kuya mo." Natawa nyang sagot.
"Ginagago mo bako? Kagabi mo pa ako pinagtatawanan ha!" Singhal ko. Napa tigil sya sa pag tawa.
"Ang cute mo." Tanging sagot nya. I rolled my eyes and pumasok sa office. Naka sunod sya sakin.
"At sinong nag sabing pumasok ka? Wag mokong sundan nag iinit ulo ko sayo"
Natawa na naman sya "mag lilinis po ako. MADAME! Hindi kita sinusundan" diniinan talaga nya yung MADAME eh.
"Edi mag linis ka. Andami mong satsat. Umalis ka na pagkatapos"
Binuksan ko yung laptop at nag simulang mag trabaho. Tumunog ang intercom at nag salita si jessa."Goodmorning madame engineer. You want coffee?" Paniguradong laki ng ngiti na naman nito.
"You're late, na una pa ako kesa sayo oh!" Pagtataray ko. Namatay yung intercom at bumukas ang pintuan.
"Hoy madame engineer hindi ah. Wala pang 7am oh. Grabi naman. Kasalanan ko po bang gusto nyo maaga pumunta dito? Malay ko bang may gusto lang kayo makita kaya inspired kayong pumasok ng maaga." depensa nya pag pasok. Napa tingin sya kay ashton na nag lilinis. Napa ngisi syang tumingin sakin.
"Wag mokong umpisahan Malaque ha!
Ikuha moko ng caramel coffee. Bilis!!" Pinanlakihan ko sya ng mata."Ay si madame engineer talaga. Jusko ansarap ng lablayp. Mag kakape ka pa eh ang hot nang Janitor mo? Sabagay masarap magkape lalo na pag nakakakita ka ng pandesal hahaha" pang aasar nya. Nilukot ko yung papel at Binato ko sa kanya.
"You're fired! Get out!" Singhal ko.
"Coffee caramel is coming madame engineer" takbo nya palabas.
Narinig ko ang tawa ni ashtony kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Umagang umaga high blood ka madame. Gusto mo kumain ng pandesal?" Namula ako sa tanong nya.
"Mag sama kayo ni jessa. Pareho kayong siraulo." Umiwas ako ng tingin.
"Ayoko. Kahit mataray ka Mas gusto ko sumama sayo" ang lambing ng sagot nya. Potanginamo hindi yun nakaka kilig!
"Umalis ka na kung ayaw mong hampasin kita nyang mop mo." Banta ko sa kanya. Sumeryoso sya.
"Ngumiti ka nga." Sabi nya.
"Wag mokong utusan. Nasa office tayo at oras ng trabaho kaya boss moko ngayon."
"Edi lumabas tayo dito at mag leave para maging baby na kita." He smirk.
YOU ARE READING
Taking Chances
Teen FictionWound heals but pain of the heart and shattered soul are not easy to fix. Life is all about taking chances, trying new things and pursue your passion without fear of failing. We all want to do many things in our lives, but we are often afraid to tak...