The past*
Flashlight [ay flashback pala korni]
Senior HighSchool nung makilala ko yung ex kong si Fredrick Lopez, naging kaklase ko sya at first day of school palang gagu na, kalalaking tao napaka ingay nang bunganga nya madali syang naka hanap nang kaibigan sa room namin dahil sobrang flirt nya-este friendly pala.
So ayun, dahil marami syang friends eh mas naging gagu tuloy sa klase dahil sinusupportahan sya nang mga kaklase namin, actually sa loob nang room namin ako lang yung hindi pumapansin sa kanya, lagi rin syang nagpapatawa or gumagawa nang kababalaghan sa harap nang classroom kaya palaging maingay ang room namin.
Pero kahit anong pagpapatawa yung ginagawa nya, mga jokes nyang ang corny naman, yung mga salita nyang bastos dahil topic palagi sa mga tropa nya ay about s*x lang (buset na lalaki maputulan sana ng tt).
kahit mamatay na sa kakatawa yung mga classmates ko, wala akong pakialam, hindi ako nakikisabay sa kanila, hindi ako tumatawa, palagi akong nakasimangot na parang may kaaway palagi, kahit ayain nila akong sumali sa pag uusap nila palagi akong tumatanggi, mas okay kasi sakin yung mag isa ako walang istorbo sakin, kahit sabihan na nilang ang KJ ko raw, wala akong paki.
Hindi ko sila trip, wala akong pakialam kahit wala akong kaibigan sa loob nang room, dahil pag aaral ang pinunta ko dito at hindi pakikipag kaibigan (oh diba sabi sayo masipag ako eh) kaya ayon yung ibang kaklase ko palaging sinasabi na maldita daw ako at sobrang snob pero wala akong pakialam.
Si fredrick naman (erick na nga lang para madali) si erick naman mukhang hindi na nakapag tiis dahil ako lang yung walang paki sa kanya eh sinusubukan nyang kausapin ako pero wa epek sakin dahil lagi ko lang syang binabara. Pero makulit talaga sya eh hindi tumitigil.
Kaya hinayaan ko lang total hindi naman ako yung mapapagod sa pag bubunganga nya. Sa first sem nang pasukan wala talaga akong naging ka close sa mga kaklase ko, kaya nung nag end ang first sem ay nag kayayaan silang mag outing sa isang resort malapit sa amin.
Ayoko sanang sumama pero pinilit ako nong adviser namin, tsaka wala akong choice kundi sumama nalang dahil wala rin namang tao sa bahay namin, kaya sumama nalang ako kesa ma bored sa bahay.
Sa isang coffee shop ang meeting place namin dahil may ibang hindi alam kung nasan yung resort, as usual maaga akong dumating dahil maganda ako (wala kang paki connected yon) nandon na rin yung ibang kaklase namin at inapproach naman nila ako kaya nakipag usap na rin ako, snob ako pero may konting pakikisama naman ako.
While waiting for our other classmates nagsimula na silang mag tanong sakin.
"Bakit hindi mo trip sumama samin pag inaaya ka namin kumain sa labas?" -sabi ni dayna
"Alam mo gusto ka namin maging kaibigan kasi kahit snob ka alam naming mabait ka" -sabi naman ni mary
"Kaya lang nihihiya kami nong tumanggi ka Sa pag iinvite namin sayo kaya hindi narin kami nangulit" -sabi ni ruby
"Ah ganun ba, sorry sa inyo kaso ganito talaga ako eh, hindi ako friendly, mahirap akong intindihin tsaka ma-attitude din ako kaya hindi ako nakikipag close kahit sino. Ayoko kasi sa makulit, ayoko sa maingay, ayoko sa maloko, ayoko sa feeling friendly na flirt naman pala, ayoko sa bastos, ayoko sa hambog" -sagot ko sa kanila.
YOU ARE READING
Taking Chances
Genç KurguWound heals but pain of the heart and shattered soul are not easy to fix. Life is all about taking chances, trying new things and pursue your passion without fear of failing. We all want to do many things in our lives, but we are often afraid to tak...