I was shocked.
As in Shock na mapapa nga-nga ka.
Bat andun sya? Stupid ka self? Malamang para mag trabaho. Hayst nakakahiya kanina, ako pa yung na uutal eh saming dalawa dapat sya yung mahiya kasi ako yung magiging boss nya. Urrggh nevermind. Papunta na ako sa condo ni kuya, pagkatapos kasi ng paglinis ni kuya J umalis na rin agad ako. Pag dating ko sa condo ni kuya naka abang na sya sa lobby. He raised his hand para makita ko eh nakita ko naman na sya, engot talaga ng panget nato. Sinalubong nya ako ng mahigpit na yakap. How I miss him.
"Ikaw bata ka! Bat dika nag sabing dumating ka last week ha? Kung di ako tinawagan ng companya about sa turn over mo diko malalaman. Siraulo ka, kinakalimutan mo ba'ko?" -sermon nya habang sinasakal yung leeg ko gamit braso nya.
"Ano ba panget ansakit ng leeg ko bitiwan moko. Ayaw mo non na surprise ka sa pagdating ko?"
"Surprise mo mukha mo, eh kung nag sabi ka edi sana napag handaan ko?" -pag susungit nya.
"Mapag handaan mo? In what way ha? MagPaparty ka ganun? Kaya nga diko sinabi sayo kasi ambaduy ng party mo." -pang aasar ko sa kanya.
"Anong baduy? Hoy sweetness ang tawag don, palibhasa na sobrahan ka sa pagiging bitter kaya di mo alam yun. Kumain ka ng sampung kilong asukal baka sakaling maging matamis ka kahit konti." -ganti naman nya. Bastos to.
"Ampanget mo magsalita ah, isang taon akong nawala't lahat ganyan ka pa rin? Walang pinagbago? Tumatanda ka lang masyado eh."
"Isang taon ka nga nawala, naka pag move.on kaba ha? Parang hindi eh. Ampait mo parin." -di talaga papatalo tong matandang to eh.
"Tangina mo kuya with respect. Tumahimik ka nga!" -naiinis kong sabi. Natawa lang sya
"Dalagang dalaga na baby girl ko, hindi ka naba iyakin ha?" -napalakas pagkasabi nya non, napa tingin yung ibang tao at doon namin na realize na nasa lobby parin pala kami.
"Buset ka kuya tara na kasi ang ingay ng bibig mo." -hinila ko sya papuntang elevator at pinagtatawanan nya lang ako. Pagka rating namin sa unit nya humiga ako sa mahabang sofa nya. Gusto ko matulog please.
"Hoy hoy hoy. Bumangon ka't may gagawin tayo, hindi kita pinapunta dito para matulog lang!" -sigaw nya agad sakin.
"Alam mo bang pagod na pagod ako ha? Wala akong pahinga simula nong pumasok ako sa kompanya. Andaming trabaho dun nakakainis. Bat ba kasi andami mong iniwan na trabaho ha tapos ako yung gagawa? Kasalanan mo to kaya hayaan mong matulog ako saglit."
"Nangonsensya ka pa ano? Iniwan ko yung mga trabaho don dahil Alam ko namang kaya mo ring taposin yun. Sige na magpahinga ka muna. Magluluto ako dito na tayo mag lunch." Sabi nya at pumunta ng kusina. Matutulog ako saglit.
"Phems gising na. Kain na tayo. 1pm na oh" -na alimpungatan ako sa pag gising ni kuya.
"Hmmm, five more minutes kuya." -ungot lang sagot ko.
"Matulog ka nalang ulit mamaya. Kelangan mong kumain, past 12 na oh. Dali na bangon na matulog ka nalang ulit. Daliii." -pangungulit nya hinihila ako. Napabangon tuloy ako.
YOU ARE READING
Taking Chances
JugendliteraturWound heals but pain of the heart and shattered soul are not easy to fix. Life is all about taking chances, trying new things and pursue your passion without fear of failing. We all want to do many things in our lives, but we are often afraid to tak...