Tulala akong nakatingin sa kawalan dahil sa mga nalaman ko tungkol kay Shinori or should i called him Azael haysss i-i can't believe, h-he's my lover for the long time?, at di man lang niya sinabi sa'kin?, mahirap bang sabihin yun?.
"Anitha-girl, di ka pa ba uuwi?, sila tita baka iniintay ka na sa bahay niyo" may pag-aalalang sabi ni Elena.
Nasa restaurant pa rin pala ako, pinauna ko na sila mommy dahil bukas may trabaho si mommy at ako naman ito nagpa-iwan dito sa venue kung saan ginanap ang simpleng handaan para sa birthday ni insan.
"Umuwi na kayo, gusto kong mapag-isa muna" sabi ko
Wala naman silang nagawa kung di ang umuwi dahil panigurado mag-aalala ang mga magulang nila, naiwan sa venue sila Leo, Dale at Shinori kasama ko dito, tahimik lang na tinitignan nila ako di ko man sila tinitignan pero alam kong nakatingin sila sa'kin dahil nararamdaman ko ang mga mata nila.
"May problema na naman ba Anitha?, naging successful naman ang plano niyo" sabi ni Leo, napabuntong hininga na lang ako bago ako tumayo at ayusin ang natitirang kalat pero pinigilan ako ni Shinori.
"Ako na ang------"
"Don't touch me Shinori, you don't have right to touch even my hair" seryosong sabi ko sa kanya bago ko hawiin ng marahas ang kamay niya atsaka nagpatuloy sa pagliligpit ng pinaggamitan namin.
Nilapitan ako nung dalawa atsaka tinulungan ako, haysss ayaw ko muna makita ni kausapin si Shinori, he disappoint me although wala naman akong karapatan na madisappoint sa kanya.
"Shinori pakipasok naman itong mga mesa" dinig kong utos ni Leo kay Shinori, tahimik lang na sinunod ni Shinori si Leo.
"May problema kayo ni Shinori?" biglang tanong ni Dale habang inililigpit ang mga plato.
"Wala naman" walang gana kong sabi.
Sa ngayon ayaw ko munang pag-usapan namin si Shinori dahil naiinis lang ako kapag naririnig ko ang pangalan niya, haysss kaya siguro ako nagkakaganito dahil honest ako sa kanya at nag-oopen ng problema ko pero pakiramdam ko siya ang walang tiwala sa'kin, Anitha nagiging praning ka na naman haysss.
"Walang dahilan para di ganun ang ikilos mo?...alam mo Anitha, di naman masama kung mag-oopen ka ng problema sa'min dahil kaibigan niyo kami" seryosong sabi ni Leo, akalain mo yun may matino palang nasasabi ang dalawang ito.
"Pag ba sinabi ko, may magagawa kayo?" sabi ko dahilan para mapatigil sila sa ginagawa nila atsaka ako tignan.
"Kung sasabihin mo tutulungan ka namin" seryosong sabi ni Dale.
"Bat niyo ako tutulungan?"
"What's friends are for?" confident na sabi ni Leo.
Umiling na lang ako at ipinagpatuloy ang ginagawa ko, kahit na sabihin ko naman sa kanila walang ibang maniniwala dahil sa mundong ito walang mahika or something weird na di normal sa paningin nila.
"Oi Shinori mauuna na kami ni pareng Dale kasi may project pa kaming tatapusin diba?" sabi ni Leo-____-tsk obvious naman na gusto lang nila na mag-usap kami ni hapon.
"A-ahhh oo nga pala muntik ko ng makalimutan hehe sige sibat na kaming dalawa, ikaw na lang magsara nito" sabi ni Dale bago sila umalis.
YOU ARE READING
L'amore Celeste(on going)
RandomMga pagsasakripisyo di lamang sa kanila kundi para sa lahat, pagsasakripisyong nasasayang lang dahil di maiwasan ang bugso ng damdamin, pagsasakripisyo na puro sakit na lang ang dala. Sakit na tinitiis para sa iba, Sakit na dulot ng bawal na pag-ii...