Sa San Vicente.....
Ika-limang araw na nila sa San Vicente kaya napagpasyahan nilang mamasyal sa bayan ng San Vicente gamit ang karwahe, sa paglilibot nila ay bumaba sila sa karwahe para lakarin na lang ang kalsada, mga taong abala sa kanilang mga kabuhayan ang sumalubong sa kanila, sa paglalakad ng pamilya Reyes kasama ang mga kaibigan nila ay napahinto sila sa bilihan ng mga damit.
"Good morning ma'am and sir, welcome in-----"
"Apo, anu ba yang pinagsasabi mo diyan?" sigaw ng isang matanda, nagkatinginan ang mag-asawa bago tignan ang matanda na kararating lang galing sa loob ng tindahan.
Nung tinignan sila ng matanda ay nagulat ito dahil nakita niya muli ang mga batang ito, taon man ang lumipas ay di nakalimutan ni Aleng Mercedez ang mga batang ito na minsan niya ng nakasama, agad na sinalubong niya ang mga ito at ginaya papasok sa loob ng shop ng matanda.
"Kay tagal nung huli ko kayong makita, kamusta na kayo?" tanong ng matanda sa kanila, nagkatinginan sila bago muling tignan ang matanda.
"Sino ho po kayo?" tanong ni Irene, napatawa ng mahina ang matanda bago napailing atsaka tignan sila.
"Marahil ay di niyo na ako naalala, sa tagal ng panahon di ulit tayo nagkita...ako ito si Mercedez" pakilala ng matanda na ikinagulat nila maliban sa pamilyang Sushiku at mga bata na nakatingin lang sa matanda.
"Aleng Mercedez?, kamusta na po?, pasensya na po kung di nmin kayo nakilala" sabi ni Irene na may paggalang sa matanda.
"Ayos naman kami, nabalitaan ko ang nangyari kay Añez------Anitha pala...nakikiramay ako" sambit ng matanda bago maupo sa upuan di kalayuan sa kanya atsaka tinignan ang mga bata hanggang sa natuon ang pansin niya kay Athina, nakikita niya si Añez sa bata pati na si Anitha.
"Anitha??" takhang tanong niya sa bata habang nakatingin ito sa kanya, napatingin silang lahat kay Athina na ngayon ay nagtatago na sa likuran ng kanyang ama na si Edward.
"Naku itong si lola talaga...Lola matagal na pong wala si Señorita Anitha" sambit nung babaeng sumalubong sa kanila sa tapat ng shop, siya ang apo ni Aleng Mercedez na si Mia.
"Pagpasensyahan niyo na ang lola Mercedez ko, dala na ng katandaan kaya lahat ng makikita niyang babae e tinatawag niyang Anitha" paumanhin ng dalaga bago igaya ang lola niya papasok sa isang kuwarto.
Binalot sila ng katahimikan habang pabalik na sa hacienda Lavelle at naalala ang mga nakaraan, nung mga panahong tinatawag si Anitha na Añez ng mga matatanda.
Sa Manila......
"We're here now Baby Asy" masayang sambit ng ina nito habang nakatingin sa dating bahay nila kung nasan ngayon nakatira ang mga magulang ni Irene.
"Maligayang pagbabalik pamangs" masayang bati ni Lucille sa pamangkin niya, akmang yayakapin niya ito ng umatras siya dahilan ng pagtatakha nila maliban sa magulang niya.
"Mommy, who are they?" tanong ng dalaga habang nakatingin sa mag-asawang Del Villa.
Takhang tinignan ni Lucille si Almira at parang sinasabi na WHAT-HAPPEN-TO-HER?, pero imbis na sabihin ni Almira kay Lucille ang kalagayan ni Anitha ay ipinakilala na lamang ni Almira sa anak niya ang mag-asawa.
"Oh i see, you're must be my auntie...sorry for that auntie Lucille" sabi ng dalaga sa tiyahin niya.
Paninibago ang naramdaman ng mag-asawa though alam na ito ni Iñigo, ama ni Irene, napabuntong hininga na lang sila bago asikasuhin ang kararating lang na kaanak.
YOU ARE READING
L'amore Celeste(on going)
RandomMga pagsasakripisyo di lamang sa kanila kundi para sa lahat, pagsasakripisyong nasasayang lang dahil di maiwasan ang bugso ng damdamin, pagsasakripisyo na puro sakit na lang ang dala. Sakit na tinitiis para sa iba, Sakit na dulot ng bawal na pag-ii...