Simula nung mag-usap kami ni Shinori lagi na siyang nasa bahay, minsan dun na siya natutulog pero syempre sa ibang kuwarto pa rin siya, balak niya atang magpaampon kayla Mommy, medyo natutuwa lang ako dahil siya yung tipo nang lalake na irerespeto ka kahit na may pagkasiraulo kung minsan-___-.
"Baby Asy?"
"Mommy?, bat gising pa po kayo?" sabi ko bago ako naghila nang upuan para kay Mommy, pagkaupo ni Mommy ay agad niya akong tinignan.
Nasa kusina nga pala ako, di ako makatulog dahil hanggang ngayon naalala ko pa rin ang sinabi nang matanda sa'kin, totoo kaya yun?, magkakatotoo kaya ang mga sinambit niya?.
FLASHBACK....
Inaabangan ko ang susunod niyang sasabihin dahil may kung anung kaba ang umusbong sa'kin, at di maganda ang nararamdaman kong kaba.
"Mamatay ang minamahal mo."
Di ako nakapagreact ng maayos dahil sa sinabi niya, pilit na tinatanggap ng isip ko ang sinabi niya pero hindi, ayaw ng isip kong tanggapin lalo na ang puso ko, pakiramdam ko sinaksak ng makailang beses ang puso ko dahil sa sakit, hanggang sa di ko na malayan na lumuluha na pala ako.
"B-Bakit?, bakit mamatay si Shinori?"
"Ikaw ay hinatulan na, tama ba ako hija?"
Tumango ako nang dalawang beses bilang sagot ko sa matanda, naalala ko ang pag-uusap namin ng arkanghel.
"I-Ibig sabihin po ba yung pagsubok na sinasabi nang arkanghel ay..."
"Di ka nagkakamali hija." sabi nang matanda.
D-Di ko maintindihan, akala ko ba tapos na ang misyon ko?, anu bang nangyayari dito?, b-bakit mamatay si Shinori?, b-bakit nila babawiin sa'kin si Azael?.
"H-Hindi ko maintindihan, bakit ganun?" umiiyak na tanong ko sa sarili bago ko tignan ang matanda.
Pagkaawa ang nakikita ko sa kanya, pero di ko naramdaman ang inis sa kanya dahil mas nangibabaw sa'kin ang sakit.
"Hija, malalagpasan mo rin iyan...lahat ng bagay may dahilan, lahat ng bagay may katapusan at lahat ng bagay ay gagaan rin." wika nung matanda.
"Pero hanggang kailan ko---namin dadanasin ito?, di pa ba sapat ang ilang siglong pagpapahirap sa'min?...anu bang ginawa naming mali?, mali na ba ang magmahal?, kamalian ba talaga na mahalin ko siya?."
Tumayo ang matanda atsaka ako niyakap dahilan para lalo akong maiyak.
END OF FLASHBACK.....
Kaya hanggang ngayon di ko maalis sa isipan ko yun, anu ba dapat ang gagawin ko?, gusto kong ilaban ang pagmamahalan namin ni Shinori/Azael pero kung gagawin ko yun mamatay siya, mawawala siya sa'kin.
"B-Baby Asy." natauhan lang ako nang magsalita si Mommy, dahan-dahan ko siyang tinignan sa mga mata niya, puno ito nang pag-aalala.
"May nangyari bang di maganda?"
Di ako nagsalita sa halip ay niyakap ko siya at umiyak ng tahimik, di ko na alam ang gagawin ko, dapat pa ba ako magsakripisyo ulit para lang di mawala ang taong mahal ko?, kung ganun handa ako, kahit ako na lang ulit wag lang siya, pero ayaw ko na siyang iwan, a-ang hirap hirap hirap ng sitwasyon ko.
YOU ARE READING
L'amore Celeste(on going)
RandomMga pagsasakripisyo di lamang sa kanila kundi para sa lahat, pagsasakripisyong nasasayang lang dahil di maiwasan ang bugso ng damdamin, pagsasakripisyo na puro sakit na lang ang dala. Sakit na tinitiis para sa iba, Sakit na dulot ng bawal na pag-ii...