L'amore uno

222 119 76
                                    

Anitha's POV

Ang boring talaga kapag first week ng pasukan, wala man lang ginagawa kaya nakakatamad pumasok minsan eh haysss.

"We have a quiz next week" sabi ni prof bago umalis, quiz agad??hanubayan, wala naman kaming magagawa.

Pumunta kami ni insan sa tambayan dito sa Olympus International School o mas kilala bilang OIS at inintay ang iba.

"hows your class girl??" tanong ni Elena, isa sa mga kaibigan namin, may pagkasossy yan mayaman eh pero isa siya sa mga istudyante na iba ang turing sa'min, "Boring" i said before i lay in grass under the tree.


Sagpag pikit ko bumabalik ang nakaraan sa'kin kahit na nadidinig ko ang kuwentuhan nila, napabuntong hininga na lang ako bago magmulat ng mata at tignan ang kalangitan, napakapayapa naman ng langit sana ganito na lang din kapayapa ang buhay ko muli akong napabuntong sa iniisip ko.



"Naalala mo pa din ba??" dinig kong sabi ni insan, alam kong siya yun kahit na di ko siya tignan, ipinikit ko na lang ang mga mata ko at dinama ang hangin, "Forget about it Any, it's been two years ya know" dinig kong sabi naman ni Olivia dahilan para imulat ko ulit ang mata ko't tignan sila.


"it's been two years yes, pero di mo ako masisisi na basta ko na lang makalimutan yun" sabi ko bago ako tumayo at kunin ang mga gamit ko, "San ka naman pupunta ngayon??" tanong ni insan, tinalikuran ko sila at naglakad na lang palayo.



Two years??parang kailan lang nangyari para sa'kin, masisisi ba nila ako na hirap kong limutan lahat ng yun??, naipailing na lang ako at tuluyan ng pumunta sa klase ko.



Yazumi's Residence.....


Pagkapasok namin ni insan sa bahay ay agad na hinanap namin si mommy, sigurado akong malungkot na naman si mommy, hanggang sa nakita ko siya sa likod ng bahay habang hawak-hawak ang picture nila ng mga kaibigan niya, nilapitan ko si mommy pero mukhang di niya naramdaman ang presensya ko.


Tahimik lang ang paligid at hikbi lang ni mommy ang madidinig, bigla akong nakaramdam ng matinding lungkot dahil kay mommy, it's been 14 years pero hanggang ngayon parang di pa rin matanggap ni mommy ang nangyari kay daddy, my daddy was gone when i'm six years age, di ko alam kung bakit bigla na lang nawala si daddy, ang sabi lang ni mommy sa'kin may pupuntahan lang si daddy na malayong lugar at di agad makakabalik but that time naisip ko na baka may ibang pamilya si daddy at iniwan na kami ni mommy, di ko napigilan ikuyom ang mga kamay ko dahil dun.


"Tita, kumain na po ba kayo??" napalingon ako sa nagsalita, si insan lang pala, bat di ko man lang siya naramdaman??haysss ewan, pilit na ngumiti ako ng lumingon si mommy, i can pretend in front of her although it's hard for me.




"Mommy, kain na po tayo nagugutom na ako eh" masigla kong sabi kay mommy atsaka ko siya hinila sa loob ng bahay.



Pagtapos naming kumain ay agad na natulog si mommy dahil daw inaantok na siya dahil siguro sa kakaiyak niya haysss, maaga pa kung tutuosin kaya tamang nuod lang kami ni insan ng may biglang kumatok, nagkatinginan kami ni insan bago siya tumayo't pagbuksan.



"Hello girl" dinig kong bati kay insan, nilapitan ko sila at di nga ako nagkamali, sila Elena at Olivia.





"Hello Any-girl" masiglang bati ni Elena, tinignan ko ang mga suot nila, may lakad ang mga bruha??.



"Kailangan niyo??" walang gana kong tanong sa kanila,





"Girl magbihis na kayo, may pupuntahan tayo" nakangiting sabi ni Elena na ipinagtakha namin ni insan.


L'amore Celeste(on going)Where stories live. Discover now