L'amore Treinta-Uno

15 5 0
                                    

Di ako puwedeng magkamali, si Anitha talaga yung babaeng nakita ko sa mall, ilang araw na ang lumipas pero di ko pa rin makalimutan.

"Mahal, kumain ka na." sabi ng asawa ko, napabuntong hininga na lang ako at pilit na kumain, sa totoo lang nawalan ako ng ganang kumain simula ng makita ko si Anitha sa harapan ko, buhay siya.

"Ma, sorry na po kung di ako sumunod sa bilin mo." sabi ni Aldrich habang nakayuko, ibinaba ko ang hawak kong kutsara atsaka siya tinignan ng diretsyo.

"Sabihin mo, nung sa mall...sinong kasama mo?" seryosong tanong ko sa kanya.

"A-Anu Ma...si anu po..."

Nakalampag ko ang mesa habang nakatingin ako sa kanya, gusto kong kumpermahin kung si Anitha ba ang nakita ko, kung siya ba talaga yun o kahawig lang talaga niya si Anitha?, pero may kung anu sa sarili ko na nagsasabi na siya talaga yun, sa pananalita, kilos, kahit facial expression gayang-gaya niya.

"Mahal, kumalma ka lang...anak, sabihin muna sa Mama mo kung sino yung tinutukoy ng Mama mo." pakiusap ni Edward sa anak namin.

"S-Si Ate Asy po."

"Asy?"

"Opo Mama, yun po ang pangalan niya."

Asy?, bigla kong naalala si tita Mira, Asy rin ang tawag niya kay Anitha short para sa buong pangalan niya----teka lang, tama sila tita Mira siguradong may alam sila Mama dahil magkapatid sila, kailangan ko siyang makausap para matigil na itong kakaisip ko sa babaeng yun.

"Teka saan ka pupunta?"

"Kayla Mama at Papa." di ko na inintay ang sasabihin ni Edward at agad na umalis ako.

Habang papalapit ako sa compound kung saan kami dati nakatira, nakakaramdam ako ng matinding kaba, kinakabahan ako at di ko alam kung saan nang galing ito, agad na bumaba ako sa sasakyan ng ihinto ko ito sa harapan ng bahay, papasok pa lang ako ng makasalubong ko si Mama na gulat na gulat na nakatingin sa'kin.

"A-Anak, anung kailangan mo at naparit-----"

"Lucille!!!, by next week babali-----pamangs?" biglang sulpot ni tita Mira.

Nandito na sila sa pinas?, kailan pa?, bat wala man lang sinasabi si Mama sa'kin?.

"Tita Mira, tutal nandito ka na rin po gusto ko pong malaman ang isang bagay...buhay po ba talaga si Anitha?" seryosong tanong ko kay tita Mira.

Kita ko ang pagkaseryoso ng mga mata niya at the same time nakikita ko rin ang takot.

"Oo, buhay si Baby Asy." sabi niya.

Nanginginig ang buong katawan ko dahil sa mga sinabi ni tita Mira, k-kung ganun yung babaeng n-nakita ko sa mall ay si Anitha?, di ko na napigilan ang mga luha ko, nag-uunahan silang tumulo, nararamdaman ko ay di ko na kayang ipaliwanag, mix emotion na.

"B-Bakit di niyo sinabi sa'kin Tita?"

"Dahil...napagkasunduan namin na wag munang sabihin sa inyo ang totoo." biglang sulpot naman ni Tito Subaru mula sa likuran ko, bakit?, di ko makuha ang point nila, di ko sila maintindihan.

"Teka lang po, di ko po kayo maintindihan...i have a rights to know what her condition because i'm her cousin."

"Hindi mo maiintindihan ngayon Irene, dahil komplekado ang sitwasyon niya." seryosong sabi ni tita Mira.

Anu?, komplekado?.

                    Samantha's POV

Oh gosh, i'm so pretty talaga kahit may mga kids na ako.

L'amore Celeste(on going)Where stories live. Discover now