Nagpunta muna kami sa ospital malapit lang sa subdivision kung saan nakatira sila insan bago kami bumalik sa bahay nila dahil ipinagamot namin ang mga sugat na natamo nila nung nagsapakan sila.
"Anung nangyari sayo Shinori?" tanong ni insan kay hapon na ngayon ay may pasa dahil sa suntukan nila ni doc.
"Kala niya siguro magaling siya sa boxing kaya nakipagsapakan siya." sabi ko dahilan para tignan nila ako.
"Napaaway ka na naman dude?" tanong ni Edward di naman siya sinagot ni Shinori sa halip ay yumakap sa'kin mula sa likuran ko.
"Hahaha ayiiieee!"
"Hahaha dude iba na yang lambing mo kay Anitha, baka naman dude."
Napataas ang isang kilay ko dahil parang iba ang naging dating sa'kin nung sinabi ni Edward, may something talaga dun sa sinabi niya, di ko lang alam kung anu yun.
"Hmm let me think about that, i just wanna know what my future wife wants." sabi niya bago ako halikan sa pisngi.
Natameme ako dahil sa mga sinabi niya, a-anu?, nirecall ko ang lahat ng sinabi niya, nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ko ang lahat ng sinabi niya.
"Hahaha oh insan bat namumula ka?"
"A-Anu?, ako?, namumula? rossie cheeks lang ako noh." sabi ko bago ako tumingin sa ibang direksyon.
D-Di naman ako namumula ha?, rossie cheeks lang talaga ako, dinig ko ang tawanan nilang tatlo hmp! sige tawanan niyo lang ako who you kayo!.
Maya-maya lang ay umuwi na kami ni Shinori sa bahay, pagkadating namin dun ay wala sila Mommy at Daddy pero nag-iwan sila ngang notes.
'Baby Asy, wala kami ng Daddy mo dahil inaya kami ng magulang ni Shinori sa outing siguro mga dalawang araw kami at pag-uusapan namin ang magiging kasal niyo, lovelots enjoy your night with him gusto ko kambal ha'
Napakunot noo ako dahil sa nabasa kong note na iniwan ni Mommy sa ref, anung pinagsasabi ni Mommy?, anung kambal?, anung kasal?, matagal na kaming magfiancee kaya lang nakipaghiwalay nga pala ako haysss pero anu bang pumapasok sa isip ni Mommy? bakit ganito ang----
"Love" pagtatawag niya sa pangalan ko habang nakayakap mula sa likuran ko, ako lang ba o yung boses niya talagang nang aakit?.
"Hmm?"
"Gusto na nila Mom ng apo." bulong niya dahilan para mapatameme ako.
"A-Anu?!" dahil sa gulat ko ay lumayo ako sa kanya, a-anu bang pinagsasabi niya?.
"Hahaha pero kung ayaw mo pa okay lang, sasabihin ko kayla Mom." sabi niya bago ako yakapin ulit.
Niyakap ko na lang siya, at syempre natulog na kami sa kanya-kanyang kuwarto namin pero di ako makatulog dahil sa mga pinagsasabi ng hapon na yun ang ending mukha akong Zombie o mas magandang tawagin na panda.
Gusto nila Mommy na bigyan ko sila ng apo?, like arghhh seriously?, set-up ba lahat ito?, nakakaloka.
Kaya nakipagkita ako sa mga kaibigan ko, gabi na nung nagkita-kita kami dahil abala sila sa mga trabaho nila, lahat ng mga babaeng kaibigan ko maliban kay Elena dahil bawal siya sabi ni Olivia lalo na't maselan ang pagbubuntis niya ngayon.
"Can you tell us now what this meeting for b*tch?" maarteng sabi ni Samantha bago ito ipagcross ang braso niya.
Kaya ikinuwento ko sa kanila yung kakaibang ginagawa nila Mommy at ni hapon.
YOU ARE READING
L'amore Celeste(on going)
RandomMga pagsasakripisyo di lamang sa kanila kundi para sa lahat, pagsasakripisyong nasasayang lang dahil di maiwasan ang bugso ng damdamin, pagsasakripisyo na puro sakit na lang ang dala. Sakit na tinitiis para sa iba, Sakit na dulot ng bawal na pag-ii...