L'amore Treinta-Dose

6 2 0
                                    

I'm so thankful na nakita ko na rin finally si insan pati na ang iba, kasama ko silang lahat maliban sa isa at talagang miss na miss ko sila kahit na itong malditang maarte na asawa na ngayon ni Shinjou.

"Oh bat nakabusangot ang baby ko?" tanong ni Leo sa anak niya na si Oliveus, siya pala yung nakilala ko sa San Vicente.

"Dad!, i'm not baby anymore." masungit na sabi nito bago magwalk out.

Nalaman ko din sa kanila na 14 years pala ako in coma, di nga ako makapaniwala na sa loob ng 14 years nakaratay ako sa kama pero nagtatakha ako dahil di man lang sinabi sa'kin nila Mommy, buong akala ko ilang buwan lang akong nakaratay.

*PHONE RINGING*

"Oh dude napatawag ka...ahhh oo....a-anu, kasi nasa---bahay kami tama...h-ha?! hahaha kaaalis lang namin."

Takhang nagkatinginan kaming lahat bago tignan si Leo na balisa, anung meroon sa malandeng Leon na'to?, inilayo niya ang phone atsaka tinakpan ito gamit ang kamay niya.

"May problema ba?" tanong ni Olivia sa asawa niya, kita ko na napalunok muna siya bago tumango.

"S-Si Shinori kasi hinahanap tayo."

Shinori.

"Sabihin mo kay kuya----"

"Dito siya dumeretsyo." singit ko dahilan para tignan nila ako maski mga bata napatingin sa'kin.

"Ahm tita Anitha, are you sure po ba?" may pag-aalalang sabi ni Levia, anak na bunso nila Olivia.

Napabuntong hininga muna ako bago ako tumango bilang sagot ko, nagkatinginan sila sa isa't isa bago ako tignan.

"Anitha-girl, mas better if wag muna kayo magkita ni Shinori." sabi ni Elena.

"Tama si Elena insan, at isa pa walang alam dito si Shinori."

So si Shinori lang pala ang walang alam na buhay pa ako, kung magpapakita ako ngayon sa kanya baka masaktan ko na naman siya, ayaw ko nang saktan ulit siya dahil mahihirapan na naman kaming dalawa.

"Sabihin mo kay brother-in-law pumunta na lang sa bahay namin." sabi ni Jaren bago akbayan ang asawa niya.

Makalipas lang ang ilang sandali ay umuwi na sila sa mga bahay nila, ngayon ay nasa loob ako ng kuwarto, nagmumuni-muni at nag-iisip tungkol sa kung magpapakita ba ako sa kanya o hindi haysss naguguluhan na ako.

"Meow."

"Garfield, what i need suppose to do?, dapat ba akong magpakita sa taong mahal ko o dapat bang iwasan ko na lang siya para di ko na ulit siya masaktan?" tanong ko sa pusa na katabi ko ngayon.

Natatandaan ko na kung bakit ko nasaktan si Shinori, di ko man maalala lahat pero puso ko ang nagsasabi ng ilang bagay na dapat di ko makalimutan, tama nga yung kasabihan na nakakalimot man ang isip pero di ang puso.

"Meow, meow."

"Haysss what do i expect to you Garfield?, magsalita ka na nga lang kasi para naman di ako magmukhang tanga dito tsk." sabi ko bago ako mahiga sa kama atsaka ipinikit ang mga mata ko.

Sa pagpikit ko naramdaman ko na parang may hangin na dumaan kaya iminulat ko ang aking mata, nasa kuwarto pa rin naman ako.

"Zepar."

Napatayo ako atsaka tinignan yung nagsalita at laking gulat ko nang makita ko ang arkanghel, anung ginagawa niya dito?, bakit siya bumaba?.

"Nais kitang makausap Zepar, di na ako magpapaligoy-ligoy pa...nagbigay na nang hatol sayo ang nakakataas Zepar."

L'amore Celeste(on going)Where stories live. Discover now