L'amore Disisyete

49 25 2
                                    

"You sure?"

"Ang kulit mo Dale, sabi ng oo diba?! tsk diyan ka na nga" inis na sabi ko sa kanya bago ako maglakad papasok sa classroom.

Ilang araw na ang nakalipas simula ng may mangyaring di maganda kay Elena at si Elena naman ayon under coma pa rin haysss anung gagawin ko?, di puwedeng mamatay si Elena dahil misyon ko siya-----sila.

"You look sad"

Tsk isa pa itong hapon na'to e-___-, nakikita na nga akong malungkot sinabi pa tsk.

"Kailangan mo?"

"Hmm thinking about her?"

Napabuntong hininga na lang ako bago maupo, ka-block ko pala siya sa isang subject namin kaya ito kasama ko siya ang nakakainis lang sunod siya ng sunod sa'kin kanina tsk.

"Anu ba talagang kailangan mo ha hapon at sunod ng sunod ka?" inis na tanong ko sa kanya.

"I'll straight you, Elena is already awake now" sabi niya dahilan para magulat ako kaya agad-agad kong tinawagan si tita Ofelia at tama nga ang sinabi nitong hapon, kaya pagtapos ng klase agad-agad akong nag-aya papunta sa ospital.

Kakatok na sana ako ng may madinig akong nag-uusap sa loob kaya nakinig na lang muna ako.

"Di mo puwedeng gawin ito sa anak na'tin Eleazar" kung di ako nagkakamali si tita Ems ang nagsasalita at satingin ko ay umiiyak siya.

"Just for her sake Emerald, di ko naman gagawin ito kung ligtas siya dito"

"Para lang ba talaga sa kaligtasan ni Elena, ha Eleazar?...Di mo isasama si Elena sa Canada"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig ko, k-kailangan kong mapigilan si tito sa binabalak niya kaya walang anu-anu ay pumasok na ako sa loob ng kuwarto dahilan para tignan ako nila tito.

"Hija" sabi ni tita Ems habang pinupunasan ang mga luha niya, tinignan ko si Tito Eleazar ng diretsyo sa mga mata niya bago ako magsalita.

"Tito alam ko po na wala akong karapatan na manghimasok sa buhay niyo pero...bat kailangan niyong ilayo sa'min si Elena?, atsaka po nahuli na rin naman po ang may sala kay Elena diba?"

"Hija, please wag ka------"

"Why not tito?, i'm one of her friends and sure po akong ayaw rin nila na ilayo niyo sa'min si Elena"

"You're only a friend of my daughter, i'm her father and i know what the best to do" seryosong sabi niya dahilan para matawa ako ng mapakla.

"I know my limitation is Mr.Sanchez...and i admit i'm over in my limitation, kaya sige ho mangingialam na po ako sa buhay niyo"

"Anitha please, don't answer your tito Eleazar like that" pakiusap ni tita Ems sa'kin pero di ko siya pinakinggan.

"Shut up young Yazumi, you don't know what is the best for my daughter" seryosong sabi niya.

"Pano kung sabihin ko sa inyo na ginagawa ko lahat ng ito just for the sake of us" seryosong sabi ko.

Ramdam sa kuwarto ang tensyon, walang tumatangkang magsalita maliban sa'min ni tito Eleazar, ilang beses rin akong hinawakan ni hapon sa braso ko para pigilan ako pero di ako nagpatinag sa kanya.

"What do you mean?" naguguluhang tanong ni tita Ems.

"Kapag ho ba sinabi ko may magagawa ba kayo?" sabi ko bago ko lapitan si Elena na nagtutulog-tulugan.

Alam kong ayaw ni Elena ang gustong gawin ng ama niya at handa akong gawin ang lahat para pigilan ang balak ni tito.

"I know" napabuntong hininga ako bago ko tignan si tito at tita na nakatingin lang sa'kin, "It's so rude behavior for you Mr&Mrs.Sanchez...but i do anything for us, not only for the sake of Elena but us"

L'amore Celeste(on going)Where stories live. Discover now