Prologue

37 4 0
                                    

Kagat-kagat ang ballpen na hawak ko ay naghahanap ako ng mga ideas or information sa dyaryong hawak ko. Nakakalat ang mga ito sa harap ko habang nakaupo ako sa sahig. Gulo-gulo na rin ang buhok ko habang napapakamot na lang sa ulo sa sobrang stress. Hinagis ko sa tabi ang isang dyaryo matapos ko itong basahin lahat ng pahina nito.

Kinuha ko ang dyaryong nasa harapan ko at tinignan ang headline nito, pagkatapos ay binasa ko ang kasunod na pahina nito, nang hindi ko makita ang hinahanap ko ay inilipat ko uli ito sa kasunod na pahina at sa kasunod at sa kasunod hanggang sa matapos.

Napabuntong hininga na lamang ako at hinagis sa tabi ang dyaryo. Napapikit na lamang ako at napahiga sa sahig dahil sa kapaguran.

Wala talaga akong katime-time management, argh. Ayan tuloy, nagkukumahog pa akong gawin 'tong article na pinapagawa sa'min.

Napatulala na lamang ako habang nakatingin sa kisame ng kwarto ko.

Ang hirap ng buhay kolehiyo! Bakit ganoon?!

Napahilamos na lamang ako sa mukha at tinagilid ang ulo ko dahilan para mapatingin ako sa dyaryong nasa ilalim ng kama ko. Napakunot na lamang ako ng noo habang kinukuha iyon. 'Di ko pa siya nabubuklat.

Sinimulan ko siyang basahin katulad ng ginawa ko sa ibang dyaryo kanina ngunit napatigil ako sa pagbasa nang makita ko ang nasa ibabang bahagi nito.

'Magiting na isang bumbero, matapang na pumasok sa isang bahay na halos tupukin na ng malaking apoy...' see pg. 9

Napaupo ako at agad kong binuklat ito at binasa ang buong impormasyong nakatalaga tungkol doon. Nalaman ko na nakagawang makalabas ng bumberong iyon habang dala-dala ang isang matandang babae, dahil doon napangaralan siya ngunit itinanggi raw niya iyon dahil ayon sa kaniya, tungkulin daw nila iyon bilang isang bumbero.

Wala man lang picture doon kung sino ang magiting na bumbero na iyon, hmp. Edi sana kilala ko para masama ko rin siya sa article na gagawin ko.

Napatigil lamang ako nang makita ko ang sarili ko na nakatulala at nakatingin sa bintana. Mataas ang sikat ng araw pero hindi ganoon kainit. Nakabukas ang bintana dahilan para pumasok ang hangin sa loob ng kwarto at liparin ang mga dyaryong nakakalat sa harap ko.

Malinaw ang pangyayari na 'yon noon, ngunit malabo ang imahe ng taong iyon.

"Hindi man lang kita nakilala," wala sa sariling sambit ko.

Note: This is a work of fiction. Names, characters, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now