Chapter 13

1 0 0
                                    

TAHIMIK kaming kumakain sa harap ng mesa. Tanging tunog lamang ng kutsarang naghahalo sa mug, at tunog ng paperbag kapag kumukuha ng pandesal ang maririnig.

Tuloy pa rin ang pag-ulan sa labas dahilan para manlamig ako. Kinuhanan ako ni Jay ng kumot mula sa kwarto kanina at tinalukbong niya ito sa'kin mula sa likod. Halos pigil hininga naman ako habang ginagawa niya 'yon, tahimik lang akong nagpasalamat bago siya umupo sa kabilang upuan sa harap ko. Hinawakan ko na lamang ang kumot na nakabalot sa'kin at huminga ng malalim.

Nanatili lamang akong nakayuko habang nanguya ng pandesal, pagkatapos ay pakonti-konting inom ng gatas.

Ang totoo niyan, nahihiya akong tumingin sa kaniya. Iniiwasan kong dumako ang tingin ko sa kaniya dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi.

Bukod doon, hindi ko rin alam kung paano ako nakauwi rito kagabi. Tumingin ako sa tshirt at pajamang suot ko. Wala akong naalalang nagpalit ako ng damit.

Napakagat ako sa labi nang maisip 'yon, at ang init na nararamdaman ko sa katawan mula sa pagkakalagnat ay feeling ko pumunta lahat sa mukha ko.

Feeling ko ang pula na ng mukha ko, shit. Umubo ako ng konti para matakpan ng kumot na hawak ko ang kalahati ng mukha ko. Palusot ko 'yon para hindi niya makita ang mukha kong nangangamatis.

Bakit ko ba kasi naiisip 'yon? Malay mo, hindi ko lang talaga maalala na nagpalit ako kagabi dahil sa lagnat ko? Tapos, tapos nakalimutan kong i-ilock yung pinto kaya nakapasok kagabi si Jay. Sa sobra sigurong pagod ng katawan ko, hindi ko man lang naramdaman na may nakapasok na dito sa apartment. Wala ako sariling napatango habang iniisip 'yon. Baka yun nga? Baka hindi? Pero baka, oo?

"Ayos ka lang?"

Napatuwid ako ng pagkaka-upo nang marinig ang boses niya. Nandito nga pala siya! Ano ba naman 'yan Sofia!

Napatingin ako sa kaniya at nakita ang mukha niyang nag-aalala. Umiwas ako ng tingin at uminom uli ng gatas.

Tumingin na lamang ako sa gatas na nasa harap ko. Siya ang nagdala nito kanina. Ayon sa kaniya, mas maganda raw kung ito iinumin ko. Hindi na lang ako sumagot kanina.

Pero baka siya yung nagpalit?

Hindi, hindi, no. Hindi pwede. Hindi pwede 'yon.

Huminga ako muna ng malalim para sumilip sa kaniya. Nanlaki ang mata ko at agad umiwas ng tingin nang mahuling nakatingin pala siya sa'kin. Kanina pa ba niya ako pinapanood?

Shit ka talaga Sofia, nakakahiya kang babae ka! Gusto kong maiyak na ewan. Ibig sabihin ba nun,

Hinigpitan ko ang pagkakapulupot ng kumot sa katawan ko. Ibig sabihin ba nun, nakita niya ang pinaka-iingatan ko?!

Napakagat ako sa labi at binagsak ang ulo ko sa mesa dahilan para lumikha ng malakas na tunog. Pumikit ako at huminga ng malalim.

Hindi pwede 'yon. Grabe, nakakahiya na. Hindi ko kaya, hindi pwede. Sana hindi totoo, sana hindi. Paulit-ulit akong nagdasal sa kung sino-sinong santo nang marinig ko ang boses niya.

"Sofia? Ayos ka lang ba talaga?"

Napadilat ako at napanguso. Tumango ako kahit nakadukdok pa rin ang mukha ko sa mesa. Bahala siya diyan. Nakita na niya ang pinaka-iingatan ko! Nakakaiyak!

Pero wala namang masamang magtanong diba? Tanungin ko kaya siya? Pero huwag na lang kaya? Nakakahiya 'e.

Sa huli ay tumikhim ako habang nakadukdok pa rin ang mukha ko sa mesa. "Uhm,"

Inangat ko ang ulo ko at tumingin sa gatas na nasa harap ko pagkatapos ay hinigpitan ko ang pagkakapulupot sa kumot.

"A-ano," tumikhim uli ako, "P-paano ako nakauwi? Nag-nagsleepwalk ba 'ko pauwi?" sabi ko.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now