Chapter 15

5 0 0
                                    

KAKATAPOS lang namin kumain at nandito ako ngayon sa sala nag-aadvance reading habang nakikinig ng radyo.

Si Jay naman ay nasa kusina naghuhugas ng mga pinagkainan namin kanina, sabi kong ako na pero nagpumilit siya na siya na lang daw at magpahinga na lamang daw ako, wala na 'kong nagawa at sumunod na lamang, tiklop ako dun 'e hmp.

"Kanselado na ang mga klase sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paraalan sa lungsod ng Quezon ngayong Lunes. Inaasahan ang pagbaha sa mga iilang lugar-"

Napahiyaw ako sa tuwa ng marinig ko ang anunsyo na 'yon sa radyo, sakto naman ang paglabas ni Jay mula sa kusina habang nagpupunas ito ng kamay. Nagtataka itong tumingin sa'kin.

"Bakit anong nangyari? May masakit ba sa'yo?" Nagtataka itong lumapit sa'kin.

Mas lumawak pa ang ngiti ko mula kanina,"Suspended na kasi ang klase, buti nalang," sabi ko at bahagyang tumalon-talon sa saya, "Sayang ang perfect attendace ko kung nagkataong absent ako."

Nakangiti lamang siya habang tinitignan ako pagkatapos ay umiling.

"O d' ba kung hindi kita pinigilan edi basang basa ka nang umuwi ngayon edi mas lumalala pa 'yang lagnat mo," pangangaral nito sabay upo sa lapag.

Napatigil ako sa pagtalon. Napahalukipkip at napanguso na lang ako, tama naman kase siya 'e hmp.

Wala nang nagsalita pa sa'min at tanging ingay lang na nangga-galing sa ulan at radyong nakabukas ang marinig sa bawat sulok ng sala.

Sinilip ko kung ano ang ginagawa ni Jay at nakita kong naglalaro eto sa telepono niya.

Hindi ko alam kung bakit nandito pa siya,

Napangiti na lamang ako at pinagpatuloy na lang uli ang pagbabasa ko.

NASA kalagitnaan ako ng pagbabasa nang tumunog ang telepono ni Jay, napatingin siya sa'kin habang nginunguso sa di kalayuan ang isang cellphone.

Sa'kin yata yung tumunog.

Tumayo ako at kunot-noong kinuha ang cellphone at nakitang video call ito mula sa tiyahin ko.

Nakabukas pala ang mobile data nito. Tsk, sayang yung load ko ah.

Madali ko itong sinagot.

"Hi po tita!" Pambungad na bati ko ng lumabas siya sa screen.Lumayo ako ng konti para hindi mahagip si Jay, mahirap na, baka kung ano isipin ng tita kong 'to.

"Hello Pia kamusta kana d'yan? Nakakain ka naman ba? May pera kapa ba d'yan?" Sunod sunod na tanong ni tita. Nakita ko naman si Jay na mukhang nakikinig lang din.

"Maayos lang naman po ako, katatapos ko lang po kumain at may pera pa naman po ako."sagot ko sa lahat ng mga tanong niya.

"Mabuti naman, pero huwag kang mahihiyang manghingi sa'kin ng panggastos mo," sabi pa niya at lumingon sa likod niya dahil napadaan yung anak niyang lalaki.

"Opo tita maasahan niyo po."

"Naku aasahan ko talaga yan ah, kung hindi ka pa nakita ng kumare ko na nagta-trabaho ka riyan ay hindi ko pa malalaman. Hindi mo naman kailangan magtrabaho, kaya naman kitang padalhan." sabi niya pa.

Napatigil ako. Sinong kumare?

Napakamot na lamang ako sa ulo, hindi alam ng tita ko na nagtatrabaho ako, as much as possible ayokong ipaalam sa kaniya kasi alam kong di rin naman siya papayag.

"Nakakahiya na po tita, kayo na po ang nag-alaga sa'kin mula ng mawala si nanay at tatay," sabi ko at bumuntong hininga "Atsaka may pamilya na po kayo ngayon." Naramdaman ko ang pagtingin sa'kin ni Jay nang mabanggit ko ang nanay at tatay ko.Lumingon lang ako sa kaniya at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now