Chapter 4

4 0 0
                                    

HINDI ko mapagilan ang panginginig ng kamay ko habang gumagawa ng milktea, bukod kasi sa presensya niya, ang mga matang nakatitig sa'kin ang nagpapanginig ng kamay ko. Gusto kong hilamusin ang mukha ko gamit ang palad ko sa inis dahil pati ang tuhod ko ay ramdam ko ang panglalambot.

Jusme!

Ano ba 'tong nangyayari sa'kin? Normal pa ba 'to?

Habang nilalagay ko sa sealing machine ang milktea na ginawa ko ay kitang-kita ko ang panginginig ng kamay ko. Napakagat ako sa labi at huminga ng malalim. Grabe nakakahiya

Buti na lang hindi natapon, kung wala lang tao ngayon sa harapan, baka nasampal ko na ang sarili ko, dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin!

Umayos ka nga Sofia!

Rinig ko ang mahinang pagtawa ng lalaki, "Kalma ka lang, Miss. Ako lang 'to." sambit niya habang nakatingin sa'kin.

Napakurap ako sa sinabi niya. Halos mapanganga ako sa sinabi niya. Ano daw? Parang nabingi ako doon ah?

Anong sabi niya? Hindi ko alam pero ramdam ko ang pagkahangin niya sa sinabi niyang 'yon. Pinaningkitan ko siya ng mata. Unti-unting namuo ang inis at asar sa kalooban ko.

Medyo makapal siya sa part na 'yon ah. Feeling ko sobrang proud na proud siya sa sarili niyang may naiilang sa presensya niya. Ha! Ang lakas naman ng loob niya, ang taas ng tingin sa sarili ha. Hindi porket may itsura, ang lakas na magmayabang. Kainis.

Nang matapos ay agad kong kinuha ang milktea at dabog na nilapag sa harap niya. "Thank. You." may diin na sabi ko.

Alam kong mali sa customer's rights ang ginawa kong 'yon pero nakakainis yung sinabi niya. Ang feeling naman niya 'no. Sino ba siya sa inaakala niya? E hindi ko naman siya kilala 'no.

Oo nga, hindi ko siya kilala pero bakit ganoon ang reaction ng katawan ko sa kaniya? Gusto kong iumpog ang ulo ko sa pader dahil sa dami ng tanong na pumapasok sa isip ko, jusko mas mahirap pa yata 'to sa exam.

Hindi katulad ng paraan ang pagtingin ko sa kaniya kanina, walang gana ko siyang tinitignan ngayon habang nakalahad ang palad ko sa kaniya.

At ito naman si mayabang, nakatingin lang sa'kin na parang tanga. Hindi ba niya ilalabas ang wallet niya or dudukot sa bulsa para magbayad?

"Bayad mo?" walang gana kong sabi at tinaas pa lalo ang kamay kong nakalahad sa kaniya.

Agad siyang dumukot sa bulsa niya at binigay sa'kin ang 50 pesos.

50 pesos?! Ano kaya 'yon?!

"Kulang." diin kong sabi sa kaniya habang nakalahad pa rin ang palad ko. Napakamot na lang siya sa ulo. Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pera.

Jusko, ang lakas magmayabang at mag-order, wala naman palang dalang pera.

Naiilang siyang ngumiti sa'kin, "Pasensiya na, ayan na lang kasi ang natitira sa'kin e." sabi niya habang kumakamot sa ulo.

Huminga ako ng malalim at umirap. E bakit pa siya bumili?! Kita naman niya ang mga prices tapos ang pinili pa niya yung large size. Baliw ba 'to? Gusto kong hawakan ang noo ko sa stress. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at dinamay pa niya ako.

Pero nang makita ang mukha niya na may bakas ng pagod, ang inis na kanina kong naramdaman ay unti-unting naglaho, bigla itong napalitan ng awa. Wala sa itsura niya ang pagiging mayaman, nakasuot lamang ito ng isang maluwag na jeans at isang plain tshirt.

Nilapag ko ang 50 pesos sa harap niya, "Umuwi ka na lang," mahinang sabi ko. Ang sabi niya 'yan na lang daw ang natitira niyang pera, mahirap kung lalakarin niya palabas itong UP. Ang lawak nito 'no, kaya hangga't maaari ay sumakay na lang siya ng tricycle or jeep.

At kailan pa ako naging concern sa estranghero, aber?

Tumalikod ako at huminga ng malalim habang kinukuha ko ang wallet sa bag. Kumuha ako ng 130 pesos at nilagay ito sa lagyanan ng kita. Akmang uupo na ako nang makitang nakatayo pa rin siya sa harapan, hindi ginagalaw ang 50 pesos at ang milktea.

Napakunot ang noo ko, "Ang sabi ko-"

"Babawi ako," sabi niya.

Isang linggo na ang lumipas matapos mangyari 'yon. Nakatingin ako sa labas ng bintana habang nakaupo sa kwarto ko. Malalim na ang gabi, walang buwan na maaaninag sa langit ngunit may mga bituin. Malakas ang simoy ng hangin dahilan para mapapikit ako at damhin ang mahinang haplos nito sa aking balat.

Hindi ko alam kung bakit ako nakakaramdam ng lungkot, kakaibang lungkot. Tuwing uwian, wala akong ibang naramdaman kundi excitement. Sa tuwing papasok pa lamang ako sa shopping center ay halos kabahan na ako na ewan. Minsan nagtataka sa'kin si Kirsten kung bakit lagi ako maaga pumapasok, e dati naman nahuhuli pa nga ako sa oras dahil sa pagod sa school. Hindi ko talaga maintindihan.

Napangiti na lamang ako at umiling-iling. Binuksan ko ang mata ko dahilan para maalala muli ang katagang sinabi niya. Ang katagang nagpapaasa sa'kin.

"B-babawi?" ani ko.

Ngumiti siya sa akin at tinignan ako sa mata. "Magkikita pa rin tayo." sabi niya at kinuha ang pera at milktea.

Sinundan ko siya ng tingin habang papaalis. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko uli ang malakas na pagtibok nito. Sa hindi malamang dahilan, nakaramdam ako ng pag-asa at saya.
Humiga na ako sa kama at niyakap ang unan. Tumingin ako sa kisame ng kwarto habang inaalala muli ang pangyayari 'yon. I sighed.

Hindi ko alam kung totoohanin mo ang sinabi mo, pero umaasa pa rin ako na magkikita muli tayo.

Umaasa ako...

•••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now