Chapter 6

3 0 0
                                    

AGAD akong tumuwid ng tayo at umiwas ng tingin. Umatras ako ng konti at hinawakan ang strap ng bag ko habang kagat-kagat ang ibabang labi ko.

Tumingin lamang ako sa mga estudyanteng dumadaan. As much as possible, ayokong mapadako ang mata ko sa kaniya. Nakakahiya!

Bakit ko ba kasi tinitigan?

Tumikhim siya kaya't napalingon ako sa kaniya. Agad akong nag-iwas ng tingin nang makita ko ang multo sa mga labi niya. Nagsalubong ang kilay ko sa inis, inis sa sarili ko. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon tungkol sa ginawa kong 'yon. Basta ang alam ko lang ay nakakahiya, argh.

"D-dapat hindi k-ka na lang nagh-hintay," sabi ko. Halos mapasapo ako sa mukha dahil sa pagkakautal-utal ko. Lintek.

"Pero dumating ka,"

Nilingon ko siya at nakitang nakatingin siya sa mga estudyante na dumadaan, binalik niya ang tingin niya sa'kin at tumayo mula sa mahabang oras na pagkakaupo. Inunat-unat niya ang mga braso niya at katawan niya.

Napatingala ako sa kaniya, ngayon ko lang napagtanto na ang tangkad pala niya, hanggang leeg lang niya ako.

"Ang totoo niyan," sabi niya habang nakapamewang at nakatingin sa mga estudyante na naglalakad. Nakatingin lang ako sa kaniya at hinihintay ang sasabihin niya.

"Hindi ko kasi alam kung paano ako babawi sa'yo," ngumiti siya at tinignan ako. Dahan-dahan akong napatango at tumingin na lang din sa mga dumadaan.

“Simple lang naman 'e, edi balik mo yung 130 pesos ko,” sabi ko sabay lahad ng palad ko sa kaniya, pero ang loko ngumiti lang. Nagsalubong ang kilay ko. Luh? akala niya ba nakikipag-lokohan ako sa kaniya? 130 pesos din yun 'no!
Binawi ko nalang ang kamay ko, at umismid.

Malakas ang simoy ng hangin at hindi na masyadong mainit dahil hapon na. Kaya't malayang naglalakad ang mga estudyante at hindi na alintana pang sumakay ng tricycle.

"Huwag na lang pala," sambit ko habang inaayos ko ang buhok kong nagulo.

"Wala ka bang trabaho?" tanong niya.

"Meron, maya-maya pa naman," sabi ko nang hindi nakatingin sa kaniya. Napakunot ang noo ko, siya ba? Bakit pala siya nandito? Wala rin ba siyang trabaho. Tumingin ako sa kaniya at nahuling nakatingin siya sa'kin, umiwas siya ng tingin at tumingin uli sa mga dumadaan.

"Ikaw, wala ka bang trabaho ngayon?" kunot-noong tanong ko sa kaniya.

Naalala ko ang unang pagkikita namin, nakasuot siya ng uniporme ng bumbero.

Biglang may nagpop-out sa isipan ko. Alam ko na kung paano siya makakabawi.

Ayun nga lang, hindi ko alam kung kailan uli kami magkikita.

At hindi ko rin alam kung bakit ko siya inanyayahan na maglakad-lakad dito sa loob ng UP.

Hindi naman na masyadong mainit at masarap ang simoy ng hangin kaya masarap maglakad-lakad.

Pero hindi ko alam na mas sasarap pa pala sa pakiramdam ang may kasabay kang naglalakad na katulad niyang estranghero lamang sa'kin.

ILANG oras na rin kaming naglalakad ngunit wala pang nagsasalita ni isa sa amin. At dahil nangunguna siya sakin nauntog ako sa matipunong likod nito nang huminto siya.

“Aray,” bulong ko habang hinihimas ko ang ilong ko."Pahinga muna tayo,” Sabi niya sabay upo sa lapag, sumunod na lamang ako.

Nandito pala kami sa tapat ng Carillon tower. Isa ito sa mga ninais kong makita nang tumuntong ako dito sa UP. Napakataas nito at masasabi kong sa tagal nito ay matayog pa rin ang tayo nito. Tumutunog ito every hour, at ang nakakatuwa pa ay may twitter page ito nagti-tweet lang sila every magbe-bell.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now