Chapter 7

2 0 0
                                    

"I SAW you,"

Tumingin ako kay Tintin at kumunot ang noo ko.

Ha? Nakita niya ako?

Nakataas lang ang kilay niya sa'kin habang may nakasalpak na airpods sa tainga niya at may laptop sa harap niya. Nandito kami ngayon nakatambay sa harap ng building ko.

"With that man." sabi niya at humalikipkip.

Agad akong nag-iwas ng tingin at tinuon ito sa librong nakabukas sa harap ko. Tumaas ang dalawa kong kilay habang nakanguso.

Nakita niya kami? Saan?

Ngayon ko lang napagtanto na ang pwestong pinaghintayan niya sa'kin ni ay malapit lamang sa building na pinapasukan niya.

"Sino siya?" sabi niya at nagsimulang magtipa sa laptop niya.

"Jay," nagtataka ko siyang tinignan habang inuukit ang pangalan ko sa baba ng pangalan ng magulang ko. Kahit na ganoon, kahit man lang dito sa punong ito, kasama ko sila.

"Jay, ang pangalan ko," ulit niya. Dahan-dahan akong tumango at inayos ang pagka-ukit sa pangalan ko. Nabasa at nalaman na niya siguro kung ano ang pangalan ko.

Agad akong napabalik sa wisyo nang may pumitik sa harap ko. Hindi ko pinahalatang nagulat ako kaya tinuon ko pa rin ang tingin sa binabasa ko.

"Uhm, hindi ko pwede sabihin. Confidential." sabi ko, kinuha ko ang softdrinks at ininuman ito ng marami. Kinakabahan akong sabihin sa kaniya, if ever, first time kong magbanggit sa kaniya ng isang lalaki. Kilala niya ako bilang introvert sa school, kaya malaking pala-isipan talaga sa kaniya 'yon pagnagkataon.

Hindi sa wala akong tiwala sa kaniya, nahihiya lang ako sa kung anong isipin niya.

Buti na lang ay nakapag-isip ako ng palusot.

Tumigil siya sa pagtatype at tumingin siya sa'kin ng matagal. Maya-maya pa ay ngumuso na lamang siya at nagkibit-balikat, "Journalism student ka nga pala," sabi niya at pinagpatuloy ang ginagawa sa laptop.

Lihim akong napabuga sa hangin at uminom uli ng softrdinks.

Binasa ko na lamang ang libro sa harap ko. Kumurap-kurap ako at binasa muli ang first paragraph dahil hindi ko masyadong naintindihan, muli binasa ko ito.

Sinara ko na lamang ang libro dahil paulit-ulit ko lang naman binabasa at wala akong naiintindihan hmp.

"Sabado bukas, gala tayo," sabi niya habang hindi nakatingin sa'kin.

I shrugged, "Ewan ko lang," sabi ko habang nilalagay ang libro sa bag ko pagkatapos ay niligpit ko na ang mga pinagka-inan namin. Narinig ko pang sinabi niyang 'KJ' kaya binato ko sa kaniya ang hawak kong crumpled paper na dapat sana ilalagay ko sa plastic.

"Ineng! Huwag kayong magkalat diyan!" sita sa'min ng janitress mula sa di kalayuan.

Napangiwi na lamang ako at nagsimula uli magligpit. Tinawanan lang ako ng isa kaya't sinamaan ko na lang siya ng tingin.

"Dali na kasi! Day-off mo naman bukas ah?" sabi niya habang sinasara ang laptop.

Oo nga, pero pakiramdam ko kasi ay magkikita uli kami. Hindi ko alam, ewan! Bahala na.

"MCDO or Jollibee?" tanong ni Tintin habang naglalakad kami sa gitna ng mga tao. Nandito kami ngayon sa UP Town Center. Pumayag na lang akong sumama sa kaniya dahil simula kahapon ay nangungulit siya para samahan ako.

Ano pa bang magagawa ko?

"Mang Inasal," sambit ko. Mas mabubusog pa kami roon, pero since libre naman niya, edi sulitin.

"Oo nga no!" sagot niya at humagikgik. Hala? Parang timang.

"Wala ka na bang ibang bibilhin?" tanong ko sa kaniya. Habang diretsong nakatingin sa daan, hindi ko kasi alam kung bakit ang tamlay ko ngayon, gutom lang siguro ako. Nilingon ko siya, ang bagal namin maglakad.

"Wala na...siguro?" sabi niya habang natingin sa listahan niya sa cellphone. "Wala na nga, hehe." sabi niya at tinago ang cellphone.

BUSOG kaming lumabas ng Mang Inasal, nakahawak pa siya sa tiyan niya at hinimas-himas ito.

"Busog lusog!" sabi niya at tumawa. Anong nakakatawa roon?

"Sabay ka na, hatid ka na namin." sabi niya habang may tinatawagan, driver siguro nila 'yon.

"Huwag na," tanggi ko. Nilibre na nga niya ako tapos may free ride pa. Masyadong nakakahiya.

"Nandyan ka na po? Okay po," sabi niya at pinatay ang tawag, tumingin siya sa'kin at kumunot ang noo. "Bakit? May pupuntahan ka ba?" tanong niya.

"May dadaanan lang saglit," sabi ko. "Mauna ka na, kanina pa siguro naghihintay si Manong sa parking lot." sabi ko at ngumiti.

Nagkibit-balikat lang siya at ngumiti, "Okay," sabi niya at ngumiti, ng nakakaloko. Kumunot ang noo ko.

Nang mapagtanto ko kung ano ang ibig sabihin ng ngiting 'yon ay bumuntong hininga na lamang ako. Maski ako hindi ko rin alam kung nasaan siya.

"Wala akong ibang kikitain, baka ikaw meron," sabi ko at ngumiti ng nang-aasar.

Nanlaki ang mata niya, huli ka.

"Wala 'no! Una na nga ako," sabi niya at umalis na. Kumaway na lamang siya at ganun din ako sa kaniya, sinundan ko na lamang siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Bumuntong-hininga na lamang ako at napagdesisyunang umalis na rin.

"Sino tinitignan mo?"

Napahawak ako sa dibdib sa gulat at tinignan ng masama ang kung sino mang baliw na ‘yon. Jusme, magkakasakit yata ako sa puso dahil sa kaniya.

Kung saan-saan ba naman nasulpot tapos biglang manggugulat?

Sarap sikuhin nito 'e.

"Sino yung tinitignan mo doon?" tanong niya. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa'kin habang ang kilay niya ay salubong.

Naningkit ang mata ko at tinitigan siya. Bakit ganito ang reaksyon niya?

Hindi ko alam pero may bigla-bigla na lang may pumasok sa isipan ko para ngisihan siya. Humawak pa ako sa pisngi ko at kunwaring kinikilig habang kagat-kagat ang labi. Pero ang totoo, sa kaniya ako kinikilig, hindi ko alam kung bakit.

Hindi ko rin maiwasang ngumiti habang pinapanood ko ang reaksyon sa mukha niya.

Napakunot ang noo niya sa ginawa kong 'yon, "Sino nga 'yon?" seryosong tanong uli niya. Ngumiti lamang ako sa kaniya at umiwas ng tingin dahil feeling ko ang init at namumula na ang pisngi ko.

"Bakit ba?" tanong ko pabalik sa kaniya at tinalikuran siya para magsimulang maglakad. Balak ko talagang pumunta ng ukay-ukay. May nakita kasi ako kanina habang naglilibot kami ni Tintin, sale na 'yata yon ngayon.

Naramdaman kong nakasunod siya sa likuran ko, ramdam ko rin ang mga nakaw na tingin ng mga tao sa kaniya. Tinignan ko ang mga ito at lihim na inirapan. Alam kong may itsura siya, kaya di ko na ako magtataka kung ang ibang mga tao dito ay napapatingin sa kaniya.

At hindi na rin ako magtataka kapag tinusok-tusok ko ang mata nila isa-isa. Napakaharot!

Nilingon ko siya at sinamaan ng tingin.

Sa gitna ng napakadaming tao, ang mga mata nilang nakatingin sa lalaking kasama ko,

Ang mga mata lamang niyang gulat na nakatingin sa'kin,

At sa kamay naming magkahawak-kamay,

Ang siyang nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

Now, the table has turned, eh?

••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now