Chapter 1

17 4 0
                                    

"HAKDOG,"

Kasalukuyan akong naglalakad sa gitna ng hallway habang hawak-hawak ang article na kailangan kong dalhin sa faculty. Kailangan na maipasa ko ito ngayong araw, hanggang ngayon na lang kasi ang due date nito. Halos magkumahog pa akong gawin ito noong isang araw at kahapon. Kainis.

Pero mas nakakainis yung isasagot sa iyo ay 'hakdog' ngayong stress at puyat ka pa dahil sa article na ito, tapos dadagdag pa 'tong pilosopo na 'to.

Nilingon ko si Tin at inirapan, nakita kong hawak niya ang cellphone niya habang sinasabayan akong maglakad. "E kasi naman, tulala ka! Para kang tanga na nakatanga sa hangin, " sambit niya. "Ha? Ha?" gaya niya sa sinabi ko kanina bago siya mamilosopo, umiling-iling na lamang siya.

I shrugged, okay sorry.

"Kain tayo mamaya ha," rinig kong sabi niya. Tinignan ko siya at kasalukuyang siyang nakatingin sa cellphone niya. Pero agad din siyang tumingin nang tumanggi ako sa kaniya.

May dalawang dahilan ang pagtanggi ko.

Una, kailangan kong magpahinga at matulog. Puyat kaya ako kagabi.

Pangalawa-

"Libre ko naman, samahan mo na 'ko." sabi niya habang tinatago ang cellphone sa bag niya.

Pangalawa, kapag tatanggi ako, asahan mo sa kaniya, may kasunod na libre 'yan. Napatawa na lang ako ng mahina sign na sasama ako sa kaniya mamaya. Hindi dapat ako natanggi sa libre, para na rin di na ako magluto mamaya pag-uwi ko at makaka-tipid pa 'ko. Diretso tulog na agad, sabado naman bukas e.

Inirapan na lang niya ako at umiba ng direksyon. Magkasalungat na direksyon ang tatahakin namin kaya't kumaliwa ako at kumanan naman siya habang nakaway sa akin.

"Bye, Pia!"

Kumaway ako sa kaniya pabalik at ngumiti bago tumalikod.

And again, di ko namamalayan na napatulala na naman ako sa kawalan.

Iniisip ko kung paano ako nakarating sa kinatatayuan kong ito. Iniisip ko kung ilang taon na ba ang lumipas. Iniisip ko kung bakit nandito pa rin ako. Wala na sa'kin ang lahat, bakit pa ako nandito?

Napabuntong hininga na lamang ako at pumasok sa faculty. Hinanap ko ang professor na 'yon at hindi ako nabigong makita siya dahil nakikipagchikahan lang siya sa katabi niyang guro.

Ang lakas nito! Patawa-tawa lang habang kaming mga estudyante naghihirap!

Oh well, responsibilidad naman ng estudyante 'yon na gawing ang tungkulin niya sa paaralan. Non-sense kung makipag-argue pa ako about doon.

Binabati ko ang bawat guro na nadadaanan ko habang papunta sa kaniya.

"Prof, eto na po yung article," sabi ko.

Pero mukhang hindi ako narinig. Bungol?

"Prof," sambit ko uli.

Pero di pa rin ako naririnig. Tiisin mo lang, self. Puyat ka lang, kaya mo 'yan.

Tumikhim ako ng malakas, "Prof Alex," sabi ko na medyo malakas na.

Tumingin siya sa'kin at tumigil sa kakadaldal. Etong professor na 'to, ang lakas ng boses pero ang hina ng pandinig hmp.

Ngumiti ako sa kaniya at nilahad sa kaniya ang article. Ang pisting article.

Kinuha niya sa kamay ko ito at binasa. Mabilis niya itong binasa. Tatlong page lang naman 'yon. Ang mahirap lang talaga sa part na 'yon ay yung topic. Mahirap mag-isip ng topic, kailangan may sense at hindi masyadong common.

"Impressive," sambit niya.

Minsan hindi na ako nagugulat doon kapag kinocompliment ako ng ibang guro. Aba! Scholar yata 'to! Pero worth it ang pagod at puyat. I kinda felt relieved.

Ngumiti siya sa'kin at nilapag na sa table niya ang ginawa ko. "You may go," sabi niya at yumuko ako ng konti at mahinang sinambit ang 'thank you po' bago lumabas ng faculty room.

KASALUKUYAN akong nakatayo sa labas ng Plaridel Hall habang hinihintay ko siya. Bawat taong lumalabas ay sinusundan ko ng tingin pagkatapos ng ilang segundo ay sa ibang tao naman pagkatapos ay sa iba naman uli.

Napabuga na lamang ako sa hangin at inayos ang pagkakasuot ko sa bag. Alas kwatro na ng hapon, maagang nagsisiuwian ang iba dahil biyernes pero may iilan na gabi na talaga nauwi kapag ganitong araw. Masasabi kong ang araw na ito ang pinakamaikling oras sa paaralan.

"Tara na,"

"Ha, nasan ka?" biro ko, hanggang balikat ko lang kase si Tin.

Pinalo niya ako sa braso at inirapan, "Akala mo naman ang tangkad mo rin," sabi niya.

Tumawa lang ako, "Joke lang, baka mawala pa yung libre ko."

Inirapan niya lang ako at nagsimula na maglakad. Paglingon ko sa loob nakita kong hindi siya nakasunod.

"Bakit di ka pa sumusunod?" Taas kilay kong tanong sa kanya.

"Eh kase medyo nagsasawa na 'ko sa pagkain dito sa UP," sabi niya habang kumakamot sa ulo.

"Labas muna tayo." sabay hagikgik niya. Luh, monggi.

"Ano ba 'yan, papalayuin mo pa 'ko sa apartment ko." asik ko. Nagtitipid nga ako sa pamasahe ko e, hmp.

"Hahatid ka naman namin ng sundo ko, edi wag sayang libre." sabi niya at kunwaring mag-wawalk-out.

"Charot, sige na nga."

NAKASAKAY ako ngayon sa kotse niya. Nasa backseat kami habang siya ay nagkukwento about sa nangyari sa kaniya ngayon. Habang ako naman ay tulala at nakatingin sa labas ng bintana.

Hindi ganoon katraffic kaya habang paparating kami sa kung saan ako niyaya nito ay napaupo ako ng tuwid nang matanaw ko ang malaking usok na di ko alam kung saan nanggaling.

"Tin, baba mo muna ako," wala sa sariling sabi ko habang nakatingin pa rin ako usok na 'yon.

"Ha?"

Habang papalapit ay mas lalong kumakapal ang usok nito. Tulalang nakatingin ako sa makapal na usok habang unti-unti kong nararamdaman ang kakaibang lungkot na namamayani sa katawan ko.

"Ma'am hindi na po tayo makakadaan dito, mukhang may sunog po banda roon," sabi ng driver at itinigil ang kotse.

"S-sunog?"

Naramdaman kong napatingin sa'kin si Tintin. Akmang bubuksan ko sana ang bintana nang pigilan niya ako. Ramdam niya ang panginginig sa kamay ko habang di ko pa inaalis ang tingin doon.

Samu't saring scenario ang pumasok sa isipan ko kaya't di ko maiwasang pumikit dahilan para tumulo ang luha ko. Bumigat ang paghinga ko habang iba't-ibang senaryo ang nakikita ko ngunit napakalabo. Napatigil ako nang makita ko ang isang lalaking buhat-buhat ako, unti-unting lumilinaw ang itsura nito ngunit napadilat ako nang may kumatok sa bintana.

"O-okay ka lang?" tanong ni Tintin at tumango ako. Napatingin ako sa bintana nang may kumatok uli sa katabi kong bintana kaya't kailangan ko itong ibaba.

Tumambad sa'kin ang isang lalaki, katawan lamang niya ang nakikita ko, nakasuot ito ng uniform ng bumbero.

Ang araw na ito ang masasabi kong pinakamaikling oras sa paaralan, sing-ikli ng araw na lumipas matapos ko makita 'yon. Sing-ikli dahil hindi ako makapaniwalang nakita ko na lamang ang sarili ko na nakatayo ngayon sa UP Shopping Center.

Hinawakan ko ang dibdib ko at pinakiramdaman ang puso ko. Pumikit ako para alalahanin ang nangyari kanina.

Binaba ko ang bintana kasabay ang paglakas ng hangin na pumasok sa loob ng kotse. Tumambad sa'kin ang katawan ng isang bumbero, habang nakaharap sa bintanang katabi ko.

Sa oras na 'yon, hindi ko alam kung ano ang naramdaman ko nang binaba niya ang tingin sa'min.

O sa'kin?

Hanggang ngayon, hindi ko maiwasang isipin ang lalaking 'yon, lalo na ang matang 'yon.

Sino ka?

••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now