Chapter 14

1 0 0
                                    

"HUWAG ka nang pumasok,"

"Papasok ako! Sayang yung mga lessons ngayon, kaya tumabi ka na diyan," sabi ko at akmang hahawakan ang doorknob nang humarang uli siya.

Nakasuot na ako ng uniform at handa na akong pumasok though may lagnat pa rin ako. Pero kung ikukumpara, mas mataas ang lagnat ko kahapon kaysa ngayon kaya masasabi kong medyo okay na ako ngayon. Kakayanin pa.

"May sakit ka pa rin," sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa'kin. "Ang sakit ay sakit pa rin kaya 'wag ng matigas ang ulo," sabi niya habang nakaharang pa rin siya sa pinto. Napakunot ang noo ko, parang narinig ko na 'yon? Hindi ko lang matandaan kung kanino.

Bumuntong hininga na lamang ako at kinuha ko ang kamay niya habang nakatingala sa kaniya. Nagulat siya sa ginawa kong 'yon. Nilagay ko ang kamay niya sa leeg ko. "O diba, mababa na ang lagnat ko," sabi ko habang hawak pa rin ang kamay niya. Pero mas mainit yata ang kamay niya kaya binitawan ko na lang 'yon.

Akmang aabutin ko na ang doorknob nang hulihin niya ang kamay ko. Gulat akong napatingin sa kaniya.

"A-anong-"

Katulad ng ginawa ko sa kaniya, nilagay din niya ang kamay ko sa leeg ko habang hawak-hawak ito. "O diba, may lagnat pa," panggagaya niya sinabi ko sa kaniya at huminga ng malalim.

"Jay, isa!" pagbabanta ko.

"Ano?" sabi niya habang nangiti.

"Sabi ko papa-"

"Paki-ulit nga ang tawag mo sa'kin,"

Kumunot ang noo ko. Ha? Bakit naman?

"J-jay," tugon ko. Bakit? May mali ba?

Ngumiti ito nang malawak at umiling-iling,

"Pia," mahinang sambit nito.

Halos malaglag ang puso ko nang sambitin niya ang palayaw ko. Hindi ko alam na sobrang ganda pala pakinggan ng palayaw ko kapag siya ang nagsasabi. Tanging mga malalapit lamang sa'kin ang mga tumatawag nun kaya gulat ako nang sambitin niya 'yon kahit wala naman akong sinasabi sa kaniya tungkol doon.

"Pia," ulit niya.

Please tama na, ang puso ko.

Umiwas akong tingin at tumikhim. "A-alis na a-ako," utal utal na sabi ko.

"Ang tigas talaga ng ulo mo," sabi niya.

Ano ba 'yan! Tatay ko ba siya?

Ngayon alam ko na ang nararamdaman ni Marife kapag hindi siya pinapayagan ng personal driver niya.

Pero gulat ako nang binuksan niya ang pinto.

Bakit niya binuksan ang pinto? Kung ganoon, hahayaan niya akong pumasok sa school?

"Kita mo, ang lakas ng ulan at hangin, ewan ko na lang sa'yo kung lumala pa lalo 'yang lagnat mo," sabi niya habang nakatingin sa labas.

Nakatingin lang ako sa kaniya.

Bakit mo ba 'to ginagawa?

"Sige ka, hindi ka makakapasok sa mga susunod na araw," sabi niya at tumabi sa pinto para makalabas ako.

Nanatiling nakatingin lamang ako sa kaniya. Tama nga siya, kailangan ko na lang magpahinga muna.

Ang lakas kasi mang-blackmail 'e, kainis.

Nang maramdaman ang pagpasok ng malamig na hangin mula sa labas ay tumalikod ako at dumiretso sa kwarto. Narinig ko pa ang pagsara niya ng pinto.

Hindi ko alam na maiisip mo pa 'yon. Ang galing, ang galing mang-blackmail.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now