Chapter 3

5 0 0
                                    

"HELLO sis, pwede ba ako magtanong sa'yo?"

Napatingin ako sa matangkad na babae, nakasumbrero siya, hindi naman tirik na tirik ang araw, umaga pa lang 'e. Nakangiti siya sa'kin at may hawak na tripod at nakalagay doon ang mamahalin niyang cellphone.

Tumango lamang ako at umiwas ng tingin. Baka bago lang siya dito sa UP at mukhang di alam ang direksyon papunta sa kung saan, pero mukhang bisita lang siya dito dahil hindi naman siya naka-uniform katulad ng nakikita kong ibang uniform sa iba't-ibang course.

"Can I interview you for a second? I just want to know your opinion lang about life purposes, as you can see I am having my vlog about this, I just need your-"

"I'm sorry, hindi ko masasagot 'yan." pinutol ko na ang sasabihin niya bago pa siya magtanong. Agad akong umalis at pumunta sa next subject ko.

'Life purposes' maski ako hindi ko rin alam kung anong purpose ng pagkakabuhay ko. I only have my friend and education, that's all.

Sorry, miss. Pa-search na lang sa google.

Pagkatapos ng klase ay uwian na naman, ang bilis ng oras parang kailan lang takot pa ako magcollege, but then I realized na kailangan kong gawin 'to for my parents. Pangarap nilang makapagtapos ako ng pag-aaral at tutuparin ko 'yon.

Napadaan ako sa may nagtitinda ng fishball, napatingin ako sa chicken ball at kikiam na toasted na ang pagkakaluto. Ang sarap.

Bumili ako at kumuha ng baso. Hinipan hipan ko muna ito bago kainin pero napangiwi na lamang ako na mainit pa rin pala ang loob nito.

"Nasaan ang kaibigan mo?"

Napalingon ako kay kuyang nagtitinda ng fishball. Napakunot ang noo ko. Ako ba ang kausap nito?

Hinahanap ba niya si Tintin? Bakit? May utang ba 'yon sa kaniya? Sabagay, always nabili ng mga streetfoods 'yon. Walang arte sa katawan 'yon kahit dugong bughaw. Tapos laging buo ang pera ng babaeng 'yon. Madalang lang magkabarya. Atsaka hindi kami sabay ngayon, iba ang oras ng uwian niya sa oras ng uwian ko ngayon.

"Ako na lang magbabayad ng utang niya, magkano ba?" tanong ko sa kaniya at kinuha ang wallet sa bag ko. May mga barya naman ako dito e.

Tumawa ng mahina si kuya at hinalo ang nilulutong fishballs. Naningkit ang mata ko, chinito ito, medyo moreno, matangkad. Kung tititigan, may itsura ito. Bakit naman 'to natawa?

"Wala," sabi niya at nilagyan ng fishballs ang plastic cup at binigay sa katabi kong estudyante na nabili.

Umalis na lamang ako, weird naman nun. Sabihan ko nga si Tintin na huwag ng bumili doon. Delikado pagnagkataon, oo, may itsura pero hindi natin alam na may masama na palang balak 'yon. Umiiling-iling ako.

Dumiretso na ako sa apartment ko para magpahinga saglit bago pumasok sa part-time job ko. Ganito na ang naging routine ng buhay ko simula nang tumuntong ako ng kolehiyo. Mag-aaral sa umaga, at magta-trabaho naman sa hapon hanggang mag-gabi.

Humiga ako sa kama at tumingin sa kisame. Nilagay ko ang dalawang kamay sa dibdib ko at pinakiramdaman ang tibok nito.

Sanay na ko sa ganitong buhay. Simula ng mawala ang mga magulang ko, tiyahin ko na ang tumayong pangalawang magulang ko. Ngunit nang tumuntong ako ng high school kinailangan niyang mangibang bansa sapagkat kulang ang kinikita niya para sa pangaraw-araw namin kaya lang, nagkaroon na siya ng sariling pamilya doon, kaya't ako nalang ang naninirahan mag-isa.

Mag-isa sa malungkot na tahanan na ito.

HINDI ko namalayan na nakaidlip pala ako kaya't nagmadali akong magbihis at pumasok sa trabaho ko. Halos takbo akong bumaba ng jeep papunta sa shopping center.

"Oh nandyan ka na pala Sofia! Kanina ka pa hinihintay ni Kirsten." Paunang bati sakin ni manong guard. Napangiwi ako, sabi na eh.

"Oo nga po kuya nakaidlip po kasi ako." Kamot batok kong sabi."Sige na po kuya pasok na po ako baka pagalitan pa ako nung isang yun." Tumango na lamang siya.

"Sa wakas dumating ka na din Pia!" Pambungad sakin ni Kirsten na halatang kanina pa ako iniintay.

"Hehe sorry na nakaidlip eh napagod ako sa klase." Hinging depensa ko, habang nilalagay ang gamit ko sa upuan.

"Oo na oo na! Aalis na ako, nandyan na yung benta kanina pakisabi nalang kay Ma'am." Nagmamadaling sabi niya at nauna na.

Pumwesto na ako sa kaninang pwinestuhan ni Kirsten at taimting nag-antay ng customer.

Habang naghihintay ng bibiling costumer, nilabas ko na lamang ang mga notes kanina at nagreview na lamang.

"Miss, magkano dito?"

"May mga price po riyan sa harap, alin po ba ang gusto niyo?" sabi ko habang nililigpit ng maayos ang notes at nilagay ito sa loob ng bag.

Noon kasi nilagay ko lang ito sa tabi kaso habang nagawa ako ng isang milktea, nabasa ito tsk.

Sinasara ko na ang bag ko pero hindi pa rin ito kumikibo, napakunot na lamang ang noo ko, "Ano pong-"

Napatigil ako nang tumingin ako sa customer na 'yon.

At muli, sa hindi malamang dahilan, bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. Bakit? Bakit ko 'to nararamdaman?

"Ikaw," ani niya.

Napakurap ako ng dalawang beses nang magsink-in sa akin ang sinabi niya. Halos mapanganga ako sa tinuran niya habang nakatingin sa kaniya at mas lalong dumoble ang tibok ng puso ko.

"A-ako po?" utal-utal na sabi ko habang nakaturo sa sarili. Tama naman siguro ang sinabi niya, o mali lang ang pagkakarinig ko?

Ngumiti ito at umiwas ng tingin. "Ikaw, ano ba pinakamabenta rito?" sabi niya ng may ngiti sa labi habang nakatingin sa mga prices.

Umiwas ako ng tingin at napahawak sa batok. Grabe, nakakahiya naman 'yon. Bakit sa lahat ng tao na nandito, bakit 'yon pang lalaking nakatitigan ko noong gabing 'yon?

Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya at nahuling nakatitig sa'kin.

Napahawak ako sa damit ko at hindi ko mapigilan na mapatitig sa kaniya pabalik.

Sa unang pagkakataon, sa gitna ng mga taong dumadaan, mga ibat-ibang ingay na naririnig, tanging malakas na pagtibok ng puso ko lamang ang naririnig ko.

Sa unang pagkakataon ng buhay ko, hindi ko malaman kung bakit tila pumasok sa isipan ko ang katanungang 'yon...

Parehas din ba ang ritmo ng ating puso?

•••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now