Chapter 8

4 0 0
                                    

KITA kong napapakagat siya sa labi niya, nakatingin lang siya ng diretso sa harapan niya habang naglalakad kami. Salubong ang kilay ko siyang tinignan. Tuwang-tuwa?

Tuwang-tuwa siguro 'tong pinagtitinginan siya ng mga tao, napaismid na lang ako habang walang ganang naglalakad.

Hindi ko alam kung bakit ganito ako, pero nakakainis kaya! Hindi lang sa mga taong nagnanakaw ng tingin sa kaniya pati na rin sa kaniya na akala mo sobrang gwapo, kainis.

"Sobrang gwapo mo 'no," sarkastikong sabi ko at ngumiti ng pilit sa kaniya.

Tinignan ko siya at kitang nagpipigil ng tawa, akmang bibitawan ko na ang pagkakahawak ko sa kamay niya nang higpitan pa niya ito lalo.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at umiwas ng tingin sa kaniya. Ang laki at ang init ng kamay niya kumpara sa akin na sakop niya. Inis kong pinigilan ang pagngiti kaya sinamaan ko na lang siya uli ng tingin.

Nakakainis ka Sofia, argh. Bakit mo pala ginawa 'yon? Hindi ko talaga pinag-iisipan kung anong gagawin ko, bira lang bira, kainis!

"Selos ka lang 'e," sabi niya at tumingin sa'kin. Ang mga mata niya ay tila nangiti habang nakatingin sa'kin.

"S-selos?" tanong ko sa kaniya. Nang mapagtanto ang sinabi niya ay sinamaan ko uli siya ng tingin.

"Bakit naman ako magseselos?! Ang kapal ng mukha nito!"

Na dapat sa isip ko lang sana sasabihin pero hindi ko alam na nasambit ko na pala 'yon sa kaniya ng malakas dahilan para magulat siya at tumawa. Umiwas ako ng tingin sa kahihiyan dahil may ibang mga taong nagtatakang napatingin sa'min.

Akala siguro nila magjowa kami. Takte, gusto kong umiyak na ewan.

Gusto kong bawiin 'yon pero natatawa pa rin siya, pero wala na nasabi ko na rin naman 'yon, bahala na.

Wala na, wala na bang mas nakakahiya pa dito? May next pa ba?

GABI na at malakas ang simoy ng hangin, nililipad ang buhok ko na halos tangayin na ng hangin, sobrang sarap sa pakiramdam ang ganitong kondisyon ng panahon lalo na't habang naglalakad ako rito sa Quezon Memorial Circle,

Kasama ang lalaking 'to.

Nagyaya kasi siyang pumunta kami rito nang mapagpasyahan ko ng umuwi. Masyado pa raw maaga para umuwi ako. Maglilinis pa kaya ako ng bahay.

Pero sa huli, ay pumayag na lamang ako.

Tumingin ako sa kalangitan. Masasabi kong kapag stress na stress ka na talaga sa buhay at sa problema mo, tumingin ka lang sa langit. Hindi man masosolusyunan, pero gagaan naman pakiramdaman mo. Kahit ilang segundo o minuto lang mula sa pagkakatitig dito, makakalimutan mo panandalian ang dinadala mong bigat sa buhay.

'Yun lagi ang pinapaniwalaan ko mula nang mawala sila.

Kumusta na kaya sila nanay at tatay riyan?

"Siguro iniisip mo 'yung kasama mo kanina,"

Napakunot ang noo ko at tumingin sa kaniya. Seryoso lamang ang mukha niyang nakatingin rin sa kalangitan.

"Selos ka lang 'e," sambit ko habang ngumiti ng nakakaloko.

Naalala ko yung pang-aasar niya kanina sa mall, hindi makatarungan 'yon at ito ang oras para maghiganti.

Lumingon siya sa'kin at tinignan ako ng diretso sa mata.

"Paano kung oo,"

Nawala ang ngiti ko sa labi nang sabihin niya 'yon at binalik na lang uli ang tingin sa langit.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now