Chapter 9

1 0 0
                                    

"MAGANDANG umaga,"

Agad nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang bumisita ng ganitong kaaga. Agad kong sinara ng malakas ang pinto at sumigaw,

"Wait lang!"

Takbo akong pumunta ng banyo para maghilamos at magsipilyo. Jusme, ang akala ko si Tintin lang kaya wala na akong pake kung anong ayos ko ngayon. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko gamit ang kamay ko.

Ano ba naman 'yan! Anong ginagawa niya rito?

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit, naka-oversized shirt at pajama naman ako e, baka matagalan pa ako bago ko siyang pagbuksan.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at nakitang nakayuko lang siya habang nilalaro ang sapatos niya na may pagkaluma na. Nakasuot lang siya ng plain tshirt at as usual maluwag na jeans. May hawak din siyang paperbag.

Nang maramdaman niyang may nakatingin sa kaniya ay tumingin siya sa'kin at ngumiti. Ngumiti na lamang ako ng pabalik sa kaniya at binuksan ng malaki ang pinto para makapasok siya.

Nang makapasok ay tumigil siya sa gilid ko at may kung anong ginawa sa buhok ko. Napatingala ako sa kaniya at tinignan siya, amoy na amoy ko ang ginamit niyang sabon na kumakapit sa damit niya. Ang bango.

"Ang cute mo pag bagong gising," sabi niya at kinurot ang pisngi ko.

Nanlaki ang mata ko, ano daw?

Napahawak ako sa pisngi ko, edi pag bagong gising lang ako cute? Ganon?

Sinara ko na lamang ang pinto bago ko pa siya mapalayas.

Inirapan ko siya at hinablot ang hawak niya. Mainit ito nang mahawakan ko. Binuksan ko ito at nakitang pandesal ang laman. Tinignan ko siya at nakitang napapakamot sa ulo.

"Pasensya ka na-"

"Mukhang masarap," sambit ko at inaya siya sa mesa. "Matagal na akong hindi nakakakain nito," nahihiyang sabi ko habang nilalapag sa mesa ang paperbag.

"Talaga? Bakit naman?" tanong niya at umupo doon. Sinabi ko bang umupo na siya?

Tumango lamang ako at kumuha ng dalawang mug. Nilapag ko 'yon sa sink habang kinukuha ang 3-in-1 coffee, yun lang meron ako dito, at ang termos. Nakatalikod ako sa kaniya habang ginagawa 'yon.

"Malayo kasi ang bilihan dito, malalate pa ako sa klase kapag nag-abala pa akong bumili niyan, kaya nagkakape na lang ako tuwing umaga." sabi ko habang nagtitimpla, nang matapos ay kinuha ko na ito at humarap sa kaniya.

Napatigil ako nang makitang nakapalumbaba ito habang nakangiting nakatingin sa'kin.

Napataas ang dalawa kong kilay, "Bakit?" tanong ko sa kaniya habang nilalapag ang kape sa harap niya. May dumi ba sa likod ko? Pero kakatapos ko lang last week, kaya imposible dahil regular naman ako.

Umiling lang siya,"Wala," sabi niya at binuksan ang paperbag. "Bakit kape ang iniinom mo? Dapat gatas, bata ka pa." sabi niya.

Bata? Ako bata?

"Matanda ka na kasi kaya mo nasasabi 'yan," sabi ko at tinaas ang paa ko. Tumawa siya nang sabihin ko 'yon, anong nakakatawa? Totoo naman 'e.

Kumuha ako ng pandesal sa paperbag niya, at kinagatan 'yon.

Wow, ang sarap ah?

"Cheese flavor 'yan, masarap kahit walang palaman," proud na sabi niya habang tinataas-baba niya ang kilay niya.

Napangiti na lamang ako sa ginawa niyang 'yon. Parang timang. Akala mo naman, siya talaga mismo gumawa nito.

"Oh, dahan-dahan, tirahan mo 'ko." sabi niya.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now