Chapter 5

5 0 0
                                    

"YOU will be having an actual project, News Broadcast" sabi ng Prof namin sa klase, "Mag-iinterview kayo ng isang actual person about their experience, what they did, what they witnessed and etc., depending to the subject or what kind of incident that I'll assign you to." sabi niya pa.

"Prof, katulad po ng reporter?" tanong ng isang kablockmate ko.

"Exactly," sabi niya at nagsimulang magsulat sa whiteboard ng kung ano ang due date ng project, content daw na kailangan niyang makita at kung anu-ano pa.

Katulad naman pala ng reporter, paligoy-ligoy pang sinabi hmp. Kaso nga lang, siya mag-aassign kung anong subject at klaseng report ang gagawin namin.

At sa kamalas-malasan nga naman,

"Rodriguez, fire incident,"

Gusto kong tumayo at sabihing 'I object!' pero argh, bakit pa sa'kin napunta 'yon? Kaartehan kasi ng professor na 'to.

Inayos ko ang suot kong salamin at tumingin sa kaniya't tumango. Wala naman akong choice 'no. Baka ibagsak pa ako nito pag tumutol ako. Napabuntong-hininga na lamang ako sa inis.

KASALUKUYAN akong naglalakad kasabay ang kaibigan ko habang nakain ng kwek-kwek.

"Kahit 'wag mo ng ibalik," sabi niya matapos kong magpaalam sa kaniya na manghihiram ako ng video camera at tripod.

Pero ayan na naman siya sa 'kahit 'wag mo ng ibalik' line niya. Ang kulit nito e, paulit-ulit na lang.

"Malayo pa naman 'yon kaya di ko pa kailangan ngayon," sabi ko at isinubo ang kwek-kwek. Ang sarap.

"Una na ako, may next subject pa akong aattendan." sabi niya at tinapon sa malapit na basurahan ang plastic cup.

Kumaway lamang ako sa kaniya at dahil nginunguya ko pa ang kwek-kwek. Kumaway rin siya pabalik bago pumasok sa CBA bldg.
Wala gaanong estudyante, siguro nasa kani-kanila pang mga klase. Nagkataon na parehas na breaktime namin ni Tintin kaya sabay kaming kumain, 'yun nga lang napagdesisyunan namin na streetfoods na lang muna kainin dahil saglit lang breaktime niya habang sa'kin naman ay mahaba-haba pa.

"Nabubusog ka ba riyan?"

Halos mabilaukan ako sa gulat mabuti nalang agaran niya kong inabutan ng bottled water na dala niya. Nanlalaki pa rin ang mata kong tinignan siya, hindi makapaniwalang nandito siya sa harap ko.

Anong ginagawa niya rito? Allowed bang makapasok ngayon ang mga outsiders?

"A-anong ginagawa m-mo rito?" utal-utal na sambit ko. Halos tampalin ko ang bibig ko dahil sa pagkakautal ko, kainis.

"Doon muna tayo, mainit dito 'e," sabi niya at tinuro ang upuan na may silungan. Nag-aalangan pa ako kung papayag ba ako pero tumango na lamang ako at sinundan siya.

Umupo na kami, dulo sa dulo. Halos 2 meters ang layo namin sa isa't-isa. Okay na 'yon 'no. Nang makahinga naman ako ng maluwag, literal talaga na nagulat ako sa pagsulpot niya. Hindi ko expected na magpapakita siya ngayon. As in ngayon kung kailan medyo nakalimutan ko na ang pangyayari na 'yon dahil sa kabusyhan sa schoolworks.

"A-ano nga palang ginagawa mo rito?" tanong ko sa kaniya nang hindi tumitingin. Nakatingin lang ako sa hawak hawak kong plastic cup na may isang pirasong kwek-kwek. Hindi ko na kayang ubusin, nakakailang pag sinubo ko 'yon lalo na ngayon na nararamdaman ko ang titig niya.

"May ginawa lang ako," saad niya.

Gusto ko pa sana tanungin kung 'ano' pero 'wag na lang baka sabihin niya interesado ako sa kaniya. Baka hindi lang 'to mayabang, assuming pa?

Ilang minuto kaming nasa ganoong pwesto. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at niyaya niya ako rito tapos wala rin palang sasabihin.

Atsaka may next subject pa ako, kailangan ko nang magsimulang maglakad ngayon dahil medyo malayo-layo pa ang building na 'yon.

"Uhm, una na ako," sabi ko at tumayo na. Tinignan ko siya at nakitang tipid na nakangiti sa'kin. Tumama ang araw sa mukha niya nang humangin. Napatulala ako sa kulay tsokolateng mata niya, familiar talaga.

Napakurap ako ng dalawang beses at umiwas ng tumingin nang mapagtanto ko ang kahihiyan na ginawa ko. Nakipag eye-to-eye contact na naman ako sa kaniya, walang hiya!

"U-una na ako," sambit ko at tumalikod. Nagsimula na akong maglakad habang hawak hawak ang strap ng bag ko, nakakahiya 'yon Sofia!

"Maghihintay ako dito," rinig kong sabi niya kaya napatigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa araw.

Napalingon ako sa kinauupuan niya, alam kong maya-maya ay mainit na doon sa pwesto niya kaya di ko namamalayan na nakalapit uli ako sa kaniya habang nakalahad sa harap niya ang payong ko.

Nakatingin lang siya sa payong ko at tumingin uli sa akin. Ngumiti siya at kinuha 'yon. Tumango lamang ako at nagsimula nang maglakad. Hindi ko namamalayan na nakangiti na pala ako.

Hindi ko alam kung anong trip niya, pero masaya akong nakita ko uli siya.

WALA ako sa sarili ko habang nagsusulat ng kung anu-ano sa papel. Halos di ko na mapakinggan kung anong sinasabi ng professor sa harap, buti na lang nasa may bandang dulo ako kaya di niya ako halos mapapansin.

"Class dismissed," rinig kong sabi niya.

Agad kong niligpit ang gamit ko at lumabas ng classroom.

Hindi naman ako masyadong nagmamadali.

"S-sorry," sabi ko sa nabangga ko.

"Are you okay, Andrea?" tanong sa kaniya ng lalaking kasama niya.

"Nah, I'm okay babe," sagot niya sa lalaki at inirapan ako pagkatapos ay umalis na.

Agad na rin akong umalis, tumakbo ako sa hallway at nang malapit na ako sa labas ng building ay tumigil muna ako para mamahinga saglit saka lumabas na parang normal lang.

Ayos ka talaga, Sofia.

Nag-aalinlangan pa ako kung pupunta pa ba ako doon sa puwestong 'yon or 'wag na lang kasi baka pinagti-tripan lang ako 'nun. Pero sa huli ay nagsimula na lamang ako maglakad papunta sa direksyong 'yon.

Agad kong natanaw ang bulto niya. Nakaupo pa rin siya sa pwesto na 'yon habang hawak-hawak ang payong na binigay ko sa kaniya. Halatang binuksan niya ito at ginamit dahil hindi ito nakatali.

Naghintay siya...

Nang makalapit ay malaya ko siyang napagmasdan dahil natutulog pala ito.

Ang cute...

Napangiti ako nang makita kong nakabukas ng konti ang kaniyang labi. Lumakad pa ako ng konti sa kaniya at tinitigan.

Hindi ko alam kung bakit ka naghintay, isa ka lamang estranghero para sa'kin at alam kong ganoon ka rin sa'kin.

Kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko ay ang paglakas ng hangin para magising siya at mapatingin sa'kin.

Ang mga mata mo, pamilyar ang mga mata mo...

Sino ka ba talaga?

••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now