Chapter 2

12 1 0
                                    

"THANK you, Ma'am."

Ngiti kong binigay ang paperbag at pinagmasdan ang pag-alis niya. Bumuntong-hininga ako at tinignan ang relo ko. 11:30 pm na.

Nag unat-unat muna ako habang humihikab, rinig ko ang mahinang pagtunog ng likod ko, ang sarap sa pakiramdam. Pagkatapos ay inayos ko ang pagkakasuot ng salamin ko habang nagliligpit ng gamit.

"Oh, Sofia, bakit hindi ka pa nauwi?"

Napatingin ako kay Manong Guard, binalik ko ang tingin sa bag ko habang inaayos ito. "Pauwi na po ako, tinapos ko lang ang trabaho." sabi ko at sinuot na ang bag.

"Sige, mag-ingat ka ha," sabi niya at umalis. Nginitian ko lamang siya at tumango. Rumoronda na siya dahil malapit na magsara ang shopping center na 'to, may iilang stalls na nagsara na pero may iilan na pasara pa lamang. Katulad ng stall na 'to na pinagtatrabahuan ko.

Bago umalis ay chineck ko muna ang mga gamit at dinala ang pera na kita sa araw na ito. Saktong pagsara ko ay dumating ang may-ari. Binigay ko sa kaniya ang pera, pagkatapos ay binigay niya sa'kin ang bahagi ko.

500 pesos.

Yumuko ako at nagpasalamat. Hindi na masama ang 500 pesos sa araw-araw. Malaking bagay na ito, yun nga lang kahit scholar sa paaralan may mga bayarin pa rin na kailangan mong bayaran. Katulad ng projects, mga thesis, pangkain pang araw-araw, at iba pang mga gastusin.

Nakasakay na ako ng jeep, habang papauwi nilabas ko ang reviewer ko. May online quiz kami bukas sa Philippine Politics at Research in Journalism. I sighed, wala talagang takas ang ibang estudyante sa sabado, kahit sabado may quiz pa rin hmp. Hindi kasi nakaattend ang mga prof na 'yon sa klase kaya nagpa-online quiz. At kahit naantok sa kalagitnaan ng biyahe, pinipilit ko pa ring magising.

Kung hindi sana ako niyaya ni Tintin, edi sana nakatulog ako kahit saglit lang hmp. Pero ayos lang, pagkatapos ang nangyari kanina nilibre na lang niya ako sa restaurant, kahit papaano nahimasmasan ako sa sarap ng pagkain. Nakapag-review naman ako kanina habang naghihintay ng costumers. Ireread ko lang, para may assurance na may maisasagot ako bukas.

I yawned.

KINABUKASAN, maaga akong pumunta kila Tintin para manghiram ng laptop. Naabutan ko siyang nagpapaligo ng aso niya sa mansyon nila.

"Kahit huwag mo na ibalik," sabi niya at humagikgik. Inirapan ko lamang siya, kung ibang tao lang ako ay di ko na talaga ito ibabalik sa kaniya dahil sobrang yaman naman ng magulang niya. Kahit limang laptop pa bilhin niya, hindi naman yata siya maghihirap.

Nagpasalamat ako at agad na umalis. Pagkadating sa apartment na tinutuluyan ko ay binuksan ko na agad ang laptop at ang pocket wifi na pinahiram din niya. Pagkasign-in ko sa isang website ay nakita kong 5 minutes na lang pala bago magsimula ang quiz. Napasandal ako sa upuan at napabuga sa hangin.

Muntikan na ako ma-late!

Pagkatapos ko mag-online quiz ay napagdesisyunan kong maglinis ng apartment. Every saturday ko ito ginagawa, ito lang naman ang bakanteng araw ko. Walang klase, walang trabaho. Kung tutuusin, mas gusto ko matulog na lang muna, pero sayang din naman ang pinahiram na laptop at pocket wifi ni Tintin, gagamitin ko muna para magpatugtog sa Youtube habang naglilinis. Para ganahan naman ako maglinis 'no.

Habang nagwawalis ay napatingin ako sa dalawang lumang litratong nakasabit sa pader.

Kinuha ko ang mga ito at pinagmasdan. May kalumaan na ang mga ito, binigay sa'kin ito ng Tita kong nasa ibang bansa, may sarili na itong pamilya doon. Nagpapadala siya sa'kin ng pera buwan-buwan pero hindi ganoon kalaki dahil nahihiya ako sa kaniya, feeling ko pabigat lang ako sa kanila.

"Hindi ko alam," wala sa sarili kong sinambit habang nakatingin sa dalawang litrato. "Hindi ko alam kung bakit pa ako nandito." Umiling-iling.

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang takas na luha. "Hindi ko alam kung ano pa ang sibli ko para mabuhay gayong wala na kayo sa tabi ko," sambit ko at matiim kinagat ang labi para pigilin ang paghikbi.

Ramdam ko ang sunod-sunod na paglandas ng luha ko. Araw-araw kong pinagdadasal na sana lahat ng ito ay isang malaking panaginip lamang. At kung panaginip lang, gustong-gusto ko ng magising. Gustong-gusto ko na dahil sobrang sakit at ang hirap-hirap.

Pumikit ako at niyakap ang dalawang lumang litrato.

Litrato ng nanay at tatay ko.

"SABI ko huwag mo na ibalik," sabi ni Tintin habang nakacrossed arms.

I sighed, akmang ilalapag ko na 'to sa lupa nang pigilan niya ako. I smiled, akala mo ha.

Hinablot niya sa'kin ang laptop at pocket wifi. "Bakit kailangan ilapag? Kainis ka ha," sabi niya habang pinupunasan ang laptop.

"Alam mo namang may kahihiyan pa akong natitira sa katawan ko diba?" I joked.

"Ewan ko sayo," sabi niya at inirapan ako. Alam naman niya ang dahilan kung bakit ayaw kong kuhain ang laptop sa kaniya. Oo mayaman siya, pero ayokong abusuhin 'yon. Sa pagkain pa nga lang na nililibre niya, sobra sobra na e.

"Aureus!"

Napalingon kami sa tumawag sa kaniya, ang ate niya pala. Matangkad ito hindi katulad ni Tintin, though nakuha ng ate niya ang features ng mama niya at kay Tintin naman ay ang features ng papa niya. Nakapamewang ito habang nakaharap sa'min.

"Teka lang, magpapaalam lang ako," sabi ni Tin habang kumakamot sa ulo.

"Sige na, babye." sabi ko at ngumiti sa kaniya.

"Saluhan mo na lang kaya kami ngayon sa dinner?" sabi niya, agad akong tumanggi bukod sa nakakahiya, gusto ko muna bumawi sa tulog.

"Okay, sige. Ingat ka." sabi niya at kumaway. Kumaway rin ako pabalik. Nagsimula na akong maglakad papalabas ng subdivision nila.

Habang naghihintay ng jeep, ay di ko maiwasang pagmasdan ang mga tao. May mga sari-sariling gawain, may mga office workers na pauwi na, at may iilan na parang papasok pa lamang, mukhang fresh e. May mga iilan na nagtitinda sa tabi at may mga kasing-edad ko rin na bihis na bihis.

Hindi ko sinasadyang mapatingin sa isang lalaki na kausap ang isang matandang babae na nagtitinda ng mga kendi, biscuits at kung anu-ano pa.

Agad akong napahawak sa dibdib ko.

Sa gitna ng dagat ng mga tao ay nanatiling nakatingin lamang ako sa kaniya. Hindi ko alam, hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito. Nararamdaman kong nagkita na kami noon pa man, pero hindi ko alam kung saan. Alam kong imposibleng makita niya akong nakatitig sa kaniya dahil sa dami ng taong dumadaan.

Muli, sa pangalawang pagkakataon, nagulat ako nang diretso itong tumingin sa akin habang kausap pa rin ang matanda. Napahigpit ang hawak ko sa damit ko.

Umiwas ako ng tingin at pinara ang jeep na paparating. Sumakay na ako at nagbayad agad. Napakurap ang mata ko ng dalawang beses habang hawak hawak pa rin ang dibdib ko. What was that?

Umandar na ang jeep, dahilan para mapalapit ako sa direksyon kung saan siya. Napatingin ako sa labas ng jeep at muli, muling nagtama ang paningin namin.

Sino ka...

••••••••••

Please vote and comment! Lablots!

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now