Chapter 10

2 0 0
                                    

BUONG maghapon kami nanood ng Netflix mula sa dalang laptop ni Tintin. Wala akong telebisyon dito hindi naman ako ganoon kahilig at saka wala na din akong oras para manood pa.

“Tama na, sumasakit na mata ko kakanood.” Reklamo ko habang kinukusot ang matang nababad sa kakanood, sumang ayon din naman sila.

“So what are we going to do na?” Bored na tanong ni marife. "Alam ko na!" sabi niya na nakataas pa ang hintuturo.

Bakit niya ginawa 'yon? Parang timang.

Ngumisi muna siya bago nagsalita,"Kumusta na mga lovelife nyo? Eto si Pia, mukhang may boylet na 'e" sabi niya at humagikgik "Ikaw naman Tintin?” tanong niya habang nangisi.

Napangiwi na lamang ako sa sinabi niya. Ang kulit nitong dalawa na 'to! Jusme. Inirapan ko na lang siya at kinuha ang juice sa harap ko.

“Anong lovelife lovelife? Ang bata bata mo pa ganyan na iniisip mo?” sagot ni Tintin.

Tinignan ko si Tintin na nakakunot ang noo habang nakatingin kay Marife. Wew, palusot.

Nilapag ko ang juice at tinignan si Marife, "Kung ako sa'yo, focus muna ako sa pag-aaral kaysa sa ganiyang iniisip mo," sambit ko.

“Oh easy lang! Ako lang 'to?!" sabi niya at tumawa."OA niyo ah! Naku Pia, doon din papunta 'yon, don’t me nga!" sabi niya. Umismid na lamang ako. Bakit ganito 'to mag-isip?

"At ikaw naman Tintin, maka-bata kala mo naman ang tangkad mo.” sabi niya at ngumuso. Tumikhim ako para pigilan ang tawa. Tinignan naman ako ng masama ni Tintin.

“Maliit lang ako pero mas matanda ako sayo 'no! 16 ka pa lang pero lovelife na iniisip mo, bakit hindi mo 'ko gayahin, puro aral lang.” sabi niya at tinaas ang kilay.

“Weh," sambit ko. “If I know, may kinikita ka ngayon.” nakangising sabi ko. Hindi siya marunong magtago. Hindi katulad ko, madali lang sa'kin magtago ng lihim.

“Hoy! wala 'no, baka ikaw!” namumulang sabi niya. Defensive hmp. Halata naman sa itsura niya. Napailing na lang ako.

Sabay-sabay kaming napatingin sa telepono ni Tintin nang tumunog ito.

“Oops, speaking of,” taas baba ang kilay ni Marife habang sinasabi 'yon. Lakas mang-asar. At ayun mas lalong siyang namula ibig sabihin totoo nga!

"Bakit ka namumula?" kunwaring nagtataka kong tanong habang nakangiti.

“E-ewan ko sa inyo mga baliw!” Nauutal na sagot ni Tintin at lumayo para sagutin ang tawag.

Napangisi nalang kaming dalawa ni Marife at sabay nag-apir. Sabay kaming napalingon ni Marife nang may kumatok. Tumayo ako at tiningnan ang kung sino mang kumatok.

“Kuya Yuno, kayo po pala," bati ko sa kaniya, ang personal driver ni Marife.

“Nandiyan ba si Marife?” seryosong tanong nito.

“Ah opo.”sabi ko at linuwagan ang pintuan para papasukin siya. Napakamot na lamang ako sa ulo. Gulo pa yata ang dadalhin dito ni Marife. Napasapo na lamang ako sa ulo habang pinapanood sila.

“Umuwi na tayo," malalim na boses na sabi ni Kuya Yuno.

Nagulat na napalingon si Marife, hindi niya siguro inaasahan na pupunta rito ang driver niya. Maski ako nagulat dahil sa boses niyang sobrang lalim.

"A-anong ginagawa mo rito?" utal na sabi ni Marife habang nakaturo sa kaniya. Napatingin sa'kin si Marife kaya kumibit-balikat na lang ako.

“Uuwi na tayo” may diin na sabi nito at kinuha ang bag ni Marife.

Whispering Flame (MP SERIES #1)Where stories live. Discover now