Beginning

667 12 1
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Name, Characters, Businesses, Places, Locales, and Incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

This is an unedited story. Please excuse any typographical or grammatical errors in this story. I sincerely apologize.

***

"Che! Gising na!" Paggising sa akin ni Manang Ruby. Hindi pa rin ako bumabangon. Sobrang sakit ng ulo ko. "Wala na mga kapatid mo, kanina pa sila umalis. Ikaw, late ka na!"

Napabalikwas ako ng bangon nang maalala ko na may exam kami ngayon. "Wait po! Eto na kikilos na!" Sigaw ko. Inayos ko na kaagad ang sarili ko.

Sinuot ko naman na 'yong uniform ko na cream polo long sleeve, brown checkered skirt, brown necktie and skin tone stockings. Iyan ang uniform sa Javier High-Institute.

Nang matapos ako mag-ayos ay mabilis akong umalis. Nagpahatid na lang din ako dahil sobrang late ko na. Pumasok na ako sa campus at nakita kong wala na ang mga students. Tumingin ako sa orasan ko at nakita kong 8:20 am na. Kanina pa tapos ang flag ceremony and for sure nag-e-exam na sila. Sumilip ako ako sa classroom at kita ko silang nagsasagot na!

Kumatok naman ako sa pintuan ng classroom namin at si Mrs. Alarcon ang nagbukas. "Ms. Leonar? You're late. Makakahabol ka pa ba?"

"No po, next subject na lang po." Sagot ko naman, kukulangin kasi ako sa pag-take ng exam.

"Exactly 9 o'clock pumasok ka rito sa classroom, para makapagsagot ka na sa next subject." Tumango naman ako sa kaniya. Gumala-gala muna ako saglit, nakita naman ako ni Sir Cadiz. Discipline coordinator ng JHS.

Sinenyasan naman niya akong lumapit sa kanya. Close kami ni Sir dahil sa tito kong kaibigan niya. Kilala niya rin si Daddy kasi kapatid siya ng tito ko kaya kapag napapapunta akong Discipline Office lagi niya 'yong binabanggit sa akin.

"Po?" Lumapit ako sa kaniya.

"Bakit nasa labas ka?"

"Late ako, Sir."

"Sumunod ka sa akin," sabi niya kaya nagtaka ako.

"Luh ka, Sir!" Reklamo ko pero hindi niya pinansin. Sumunod na lang ako. Nang makarating kami ay mabilis akong umupo. Pinakialaman ko naman 'yong mga gamit-gamit pero biglang hinampas ni Sir ang kamay ko.

"Tingin nga ng kamay mo," utos niya. Hindi naman ako kumibo. "Patingin," striktong sabi ni Sir kaya pinakita ko na. "Ilang beses na kitang pinapaalalahanan. 'Yang kuko mo, hindi mo pa rin pinuputol." Umirap naman ako nang patago. "Kapag nakita ko ulit 'yan, ipapatawag ko tito mo."

"Okay," sagot ko. Magtatago na lang ako sa kaniya. Ayoko putulin kuko ko. Tagal kong pinahaba tapos ipapaputol niya lang. Desisyon.

Bigla namang may kumatok. Ako na ang nagbukas. Bumungad naman sa akin 'yong lalaki. He looks so familiar! "New student ka?" Feeling close kong tanong. Nakatingala naman ako sa kaniya dahil ang tangkad niya. Matangkad naman ako, sadyang mas matangkad lang talaga siya.

"No," masungit na sabi niya. No raw pero parang ngayon ko lang siya nakita! Nakatingin naman siya sa akin na parang sinasabi na umalis ako sa may pintuan para makadaan siya. Tumabi naman na ako at naupo sa kinauupuan ko kanina.

Love Is A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon