Kabanata 13

1.1K 77 18
                                    

Kabanata 13

Napakapit ako kay Imelda habang diretsong nakatingin sa daan. Hindi ko kaya ang tingin ng mga tao sa paligid namin. Papunta kami sa simbahan ngayon at ako'y labis na naiilang sa kanila. Tila ba'y may ginawa akong masama sa kanila. Hindi sana ako magsisimba ngayon ngunit napilit ako ni Imelda. Si Andres ay pinilit din akong magsimba. Nais ko naman talagang dumalo sa mga misa ngunit nahihirapan akong humarap sa mga tao dahil sa mga pananakit nila sa akin.

"Imelda, bumalik na lamang tayo sa bahay," bulong ko kay Imelda.

"Ate Luna, nandito na tayo. Hayaan mo na lamang sila."

Pilit akong tumango. Nag-aalala lamang ako dahil baka mapahamak ang batang nasa sinapupunan ko kung sakaling may mangyari sa akin. Umupo kami malapit sa  harapan. Inaasahan kong lalayo sa amin ang mga katabi ko ngunit hindi. Nakakagulat lamang o baka napilitan na lamang sila dahil wala na silang mauupuan. Nginitian ako ng ginang na katabi ni Imelda kaya gumanti rin ako ng tingin.

"Halata na ang umbok ng iyong tiyan. Ilang buwan na ang iyong pinagbubuntis?"

Napalingon ako sa babaeng katabi ko. Hinawakan ko ang tiyan ko. "Apat na buwan na po."

"Tiyak akong magiging mabuting bata ang iyong anak katulad mo."

Ngumiti ako. "Sana po."

"Hayaan mo't isasama ko sa panalangin ko na maging malusog ang batang iyong pinagbubuntis."

"Salamat po."

"Salamat din sa iyo, hija."

Magsasalita pa sana ako kaso nagbigay hudyat na papasok na sa simbahan ang pari kaya nanahimik na lamang ako. Inayos ko ang suot kong puting belo. Labis akong naiilang dahil ang mga nakakasalubong ko ng tingin ay nginingitian ako at hindi ko alam kung bakit. Hindi ko mawari kung ganoon lang ba sila o may binabalak sila sa akin.

"Imelda, maaaring ba tayong umuwi na?"

"Bakit Ate Luna? Hindi pa tapos ang misa."

"B-biglang sumama ang aking pakiramdam."

"Ika'y kinakabahan lamang. Tapusin na natin ang misa. Tiyak na ikakatampo ni Padre Calixto ang biglaang pag-alis natin habang siya'y nagmimisa."

Bumuntong-hininga na lamang ako at tumango. Tama siya. Sasama ang loob ni Padre Calixto kapag kami'y biglang umalis. Malapit pa man din kami sa paring ito. Buong misa ay nakahawak lamang ako kay Imelda. Pasimple kong hinanap si Andres ngunit hindi ko ito makita dahil sa dami ng tao sa loob ng simbahan. Sinabi pa man din nito na magsisimba ito.

"Kapayapaan para sa ating lahat," sabi ni Padre Calixto.

Tumatango ako sa mga taong nagsasabi sa akin ng kapayapaan na ngayon lang ulit nangyari sa akin. Hindi naman kasi nila ito sinasabi sa akin dahil wala raw akong karapatan na mamuhay ng payapa. Pilit ko na lamang binaling ang aking atensyon sa paring nagmimisa hanggang sa matapos na. Napatingin ako sa mga taong naglalabasan. Pinigilan ko si Imelda nang tangka na niyang maglakad.

"Sandali lang. Hintayin natin na kaunti na lamang ang mga tao."

"Sige po."

Sabay namin pinapanood ang mga taong lumalabas ng simbahan hanggang kaunti na lang kami rito sa loob. Nginitian ko si Imelda at sabay kaming naglakad. "Bilhan natin ng pasalubong si Isabella." Si Haruki ang nagbabantay sa bata para raw hindi na namin isama. Mabilis kasing mainip si Isabella lalo na kapag hindi niya kasama si Kuya Lorenzo.

"Sige, Ate Luna!"

Napahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong napapalibutan kami ng mga tao. Halos hindi ko na makita ang pintuan ng simbahan sa dami ng tao. Sinakop ako ng labis na takot. Pakiramdam ko'y may mangyayari sa akin na masama. Napakapit ako kay Imelda at napahawak ako sa aking tiyan. "I-Imelda."

Unmei no Akai ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon