Kabanata 4

1.6K 87 34
                                    



Kabanata 4



"Kanojo wa kare no?" Ulit na tanong niya at punong-puno iyon ng otoridad.

"H-Haruki!" Nagpumiglas akong sa sundalong Hapones at agad naman akong binitawan nito. Tumakbo ako papunta kay Haruki. Niyakap ko siya ng mahigpit pagkalapit ko sa kanya. "Haruki." Gumanti siya ng yakap sa akin. "Sobra akong natatakot sa kanila. G-Gusto nila ako gawan ng masama."

"Luna." Sinuri ang ibang parte ng katawan ko. Pinagmasdan niya ang aking mukha at napansin niya ang sugat sa gilid ng labi ko. "Dare ga kanojo ni kore o shimashita ka? (Who did this to her?)" Dumagundong sa bulwagan ang boses ni Haruki.

Hinawakan ko ang kamay niya at unti-unting nawala ang galit sa mukha niya. "H-Haruki..." Hindi ko napigilan ang aking sarili na umiyak ulit. "Haruki, natatakot ako."

"Ssh... Ligtas ka na."

"Haruki, a-ayoko na rito. Ilayo mo ako dito parang awa mo na. Ayoko na dito."

"Aalis na tayo dito." May sinabi pa si Haruki at hindi ko alam kung ano iyon. Tila may hinahabilin sa kasama niyang dumating. Iginiya ako ni Haruki palabas ng mansyon.

Habang naglalakad kami, nakita ko kung sino ang ibinababa ng ibang sundalo. "Andres!" Lumingon sa akin si Andres. Bakit hindi niya kasama sina Tatay, Kuya Lorenzo at Kuya Manolo. Bumitaw ako kay Haruki at lumapit ako sa kanya. "Andres!" Hinawakan ko ang mukha niya. "A-Anong nangyari—"

"L-Luna, tumakas ka na hangga't may pagkakataon pa. Huwag mong hayaan ang sarili mo na sumama sa kanila."

"Walang—" Bigla akong hinila ni Haruki papalayo kay Andres. Kitang-kita ko sa mukha ni Haruki ang labis na galit. Mahigpit na rin ang pagkakahawak niya sa braso ko. "N-Nasasaktan ako, Haruki." Tila bingi si Haruki. Mabilis kaming naglalakad pabalik sa mansyon. "Haruki, ayokong bumalik d'yan."

May sinabi si Haruki sa kasabay naming sundalo at ang naintindihan ko lang ay ang pangalan ni Andres.

"A-Anong gagawin nila kay Andres? Sandali lang, Haruki! Nasasaktan ako." Muntik na akong mapatili nang bigla niya akong kinarga.

Hindi ko alam kung anong sinasabi niya sa mga kasamahan niya basta sumenyas lang sa pataas ang isa sa kanila at agad na umakyat si Haruki.

"S-Saan mo ako dadalhin, Haruki?" Tila hindi niya narinig ang tinatanong ko. "Umalis na tayo dito, Haruki." Tangka kong hahaplusin ang kanyang mukha ngunit agad din siyang umiwas. "Haruki."

May pinasok kaming isang silid. Tila iyon ang silid na ginagamit niya sa bahay na ito.

"Haruki—" Bigla niya akong ihiniga sa kama. "Teka sandali—" Pinutol niya ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan sa labi. Umiwas ako ng halik sa kanya. "H-Haruki, huwag." Napasigaw ako nang sinira niya ang suot kong pantulog na damit. Nagsimula muling tumulo ang luha sa pisngi ko. "Tama na!"

Halos nagbingi-bingihan si Haruki sa pagmamakaawa ko hanggang sa nagawa na niya ang nais niyang gawin sa akin. Ang taong inaasahan kong magliligtas sa akin, siya pa pala ang sisira sa akin.


-----


Sumikat ang araw na walang tigil ang pag-iyak ko. Ilang beses akong ginalaw kagabi ni Haruki? Dalawa? Tatlo? O apat? Hindi ko na nabilang pa. Hindi ko inaakalang gagawin niya ito sa akin.

Bakit?

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi lang pisikal, pati na rin emosyonal. Hindi ko napigilang mapahagulhol. Hindi nga ako nagalaw ng ibang sundalong Hapones ngunit siya mismo ang gumawa nito sa akin. Matapos akong pagsawaang galawin, basta na lang ako iniwan dito ni Haruki.

Unmei no Akai ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon