Kabanata 6

1.6K 86 6
                                    



Kabanata 6



Pinanonood ko ang pag-alis ng mga bisita sa kasal namin ni Haruki. Isang Japanese traditional wedding ang kasal namin. Kakaibang kasal dahil kung gusto kong ikasal ngayon, nanaisin kong makasal sa simbahan. Nakasuot ako ng gusto kong disenyo ng traje de boda at hindi ang isang kimono. Labis akong naiilang sa suotin iyon. Mabuti na lang at nagpalit ako ng suot bago pumunta sa reception. Baka kanina pa ako nawalan ng malay dahil hindi ako makahinga ng habang suot ko iyon.

Nakadama ako ng sobrang pagkalungkot nang makalabas na ang kahuli-hulihang bisita. Ibig sabihin ay tuluyan na akong sasama kay Haruki. Napahawak ako kay Tatay. Ayokong mahiwalay sa pamilya ko.

Nilingon ako ni Haruki. "Kailangan na nating umalis, Luna."

Humarap ako sa aking ama. "'Tay..."

Nginitian ako ni Tatay at masuyong hinaplos ang mukha ko. "Ipangako no na mag-iingat ka palagi, anak. Sabihan mo ako kapag may nangyari sa iyo na hindi maganda."

Naluha ako sa sinabi ni Tatay. "P-Pangako, Tatay."

Binaling nito ang tingin kay Haruki. "Mahalin at ingatan mo ang anak ko, hijo."

Ngumiti si Haruki bago yumuko. "Opo, Tatay."

Niyakap ako ni Tatay at ganoon din ang dalawa kong kuya. Hindi namin isinama sina Ate Gina at Liliana dahil alam naming ayaw nilang makita ang mga sundalong Hapones na imbitado sa kasal namin. Mahinang tinapik ni Tatay ang aking likod. Tila sinasabi niya na sumama na ako sa asawa ko. Kumalas sila sa pagkakayakap sa akin.

Hinawakan ni Haruki ang kamay ko at sabay kaming lumabas sa bulwagan kung saan ginanap ang selebrasyon ng kasal namin. Umisang sulyap pa ako sa pamilya ko bago ako tuluyang makalayo sa kanila.

Tahimik lang kaming dalawa habang naglalakad papunta sa isang nakaparkeng sasakyan. Pinagbuksan ako ni Haruki ng pintuan. Napatingin ako sa kanya nang hawakan niya ang kamay ko pagkapasok sa loob ng kotse.

"Magiging maayos din ang lahat, Luna."

Matipid lang akong ngumiti sa kanya at binaling ko ang tingin ko sa labas habang bumabiyahe kami. Maraming bagay ang bumabagabag sa akin. Paano ang magiging buhay ko ngayong kasal na ako? Darating ba ang araw na magiging masaya ba ako? Paano kung naisipan ni Haruki na tumira kami sa Japan? Makikita ko pa ba ang pamilya ko? Napabuntong hininga na lang ako.

Halos kinse minuto din ang biniyahe namin bago huminto ang sinasakyan namin sa harap ng isang bahay. Hindi ko na masyadong makita ang disenyo ng bahay sa labas dahil madilim na.

Lumabas na ako sa kotse at si Haruki naman ay kinuha ang maleta ko.

"Pumasok na tayo." Sinundan ko si Haruki nang pumasok na siya sa loob ng bahay. "Ito ang magiging tahanan natin."

Pinagmasdan ko ang loob ng bahay. Kay ganda at maluwag dito. Inumpisahan ko nang maglibot. Ito ang bahay na ninanais ko noon!

"Umakyat na tayo sa silid natin, Luna." Napatili ako nang bigla niya akong binuhat. Nang makapasok na kami sa loob ng silid, dahan-dahan niya akong ihiniga sa kama. Sinalubong niya ang tingin ko. Puno ng pagsuyo ang kanyang mga mata. "Mahal kita, Luna. Mahal na mahal kita." Buong puso niya akong hinalikan sa labi at sa unang pagkakataon, gumanti ako ng halik sa kanya. Na sa unang pagkakataon, hindi ako tumutol sa kung anong gusto niyang mangyari ngayong gabi.


----


"Luna."

Unmei no Akai ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon