Kabanata 5

1.6K 82 19
                                    



Kabanata 5




Tahimik lang ako habang si Haruki ay ilang beses ko nang naririnig na bumuntong hininga. Ilang gabi na ganito ang senaryo naming dalawa. Matapos niya akong galawin, ilang minutong maririnig ko siyang bubuntong hininga at babalik sa tabi ko upang matulog. O hindi naman kaya'y maglalakad ng pabalik-balik at kalauna'y iiwanan ako dito sa loob ng silid.

Umiwas ako ng tingin nang lingunin niya ako. Mayamaya'y kinumutan niya ang hubad kong katawan at tumabi sa akin. Niyakap niya ako na tila ba'y mawawala ako ng anumang oras.

"Hindi ka pa ba nagsasawa sa akin, Haruki?"

"Hindi."

Huminga ako ng malalim at tinalikuran ko siya. Nasanay na akong ganito kaming dalawa. Namanhid na lang siguro ang aking pakiramdam.

Kumalas si Haruki sa pagkakayakap niya sa akin.  "Ang Kuya Manolo mo ay isang guerilla. Ganoon din ang Kuya Lorenzo mo. Ang sabi ng Makapili ay planong sumali sa kilusan laban sa amin ang iyong ama."

Napabalikwas ako ng bangon. "Hindi 'yan magagawa ng pamilya ko. Hinding-hindi sila mag-iisip na lumaban sa inyo lalo na kung ikakapahamak namin iyon."

"Pero kinapahamak na ninyo iyan ngayon." Umupo si Haruki at humarap sa akin. "Wala naman kayo dito kung hindi sila kontra sa amin. Iniisip nga nila na baka kasali ka sa kasamahan nila ngunit sinabi kong imposible iyon dahil matagal na tayong magkakilala at ikaw ay aking konyakusha." Tumayo siya at naglakad-lakad sa loob ng silid na ito.

"Hindi totoo ang sinasabi ng Makapili na iyan."

"May hipag at dapat na magiging hipag ka pala na nandito? Ang hipag mo ay nagdadalang-tao. Sa susunod na mga araw, sigurado akong iaalis nila sa sinapupunan niya ang sanggol."

Papatayin nila ang isang walang kamuwang-muwang na sanggol? Papatayin nila ang pamangkin ko! "Napakasama ninyo talaga. Tatanggalan ninyo ng karapatang mabuhay ang isang inosenteng bata."

"Wala naman kaming pakialam doon lalo na't hadlang ang mga sanggol na 'yan sa ikakasaya ng mga sundalo ko."

Napahawak ako sa aking tiyan. Ibig sabihin kung sakaling magbunga ang ginagawang panghahalay sa akin ni Haruki— "P-Papatayin mo rin ang magiging anak mo kung s-sakaling mabuntis mo ako?"

Nilingon ako ni Haruki. "Hinding-hindi 'yon mangyayari. Hindi ko papatayin ang anak ko. Tokuni anata wa kare no hahaoya desu. (especially you are his mother)"

Hindi ko naintindihan ang huli niyang sinabi pero nakahinga ako sa sagot niya. "Haruki, m-maawa ka sa magiging pamangkin ko." Inabot ko ang kamay niya nang makalapit siya sa akin. "P-Palayain ninyo na si Ate Gina at Liliana kapalit ng sarili ko. Kahit kailan mo nais na galawin ako, a-ayos lang sa akin basta palayain ninyo sila."

"Ayoko."

"Parang awa mo na. Hayaan mo na sila."

"Alam mo ba ang ibig sabihin ng konyakusha?"

Iniiba niya ang usapan. "Haruki—"

"Ang ibig sabihin ng salitang ito ay magiging asawa. Na ikaw ang pakakasalan ko."

"A-Ano bang pinagsasabi mo?"

"Pakasalan mo ako, Luna, at palalayain ko silang dalawa. Wala ring mangyayaring masama sa pamangkin mo at ibibigay ko sa iyo lahat ng gusto mo. Pakasalan mo lang ako."

Unmei no Akai ItoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon