Trial 2.76

261 42 35
                                    

October 11, 2020, Sunday

I'm here.

After reading his chat, my eyes automatically looked for him. Pero nakakailang ikot na ang mga mata ko, he's nowhere to be found. Where is he? Sabi niya nandito na raw siya.

When I turned around to look for him again, I saw him. He's standing not too far away from me, mga nasa limang metro na lang ang layo namin. He's wearing a simple T-shirt with a statement about architect, black pants, and sneakers. Sobrang simple. Kapag ganyan ang suot niya, hindi iisipin ng kahit na sino na isa siyang licensed architect.

I'm also wearing a simple T-shirt with a quotation about being a reader, maong pants, and sneakers. I just wore comfortable clothes kasi nararamdaman kong maraming pupunta sa event na 'to.

Hindi ko alam kung gaano 'ko katagal na nakatulala sa kanya. Nagising na lang ako mula sa pagpapantasya ko nang marinig ko siyang tumawa.

"I told you, mas guwapo 'ko kay Marco. See? 'Di pa ako nagsasalita pero natulala ka na agad."

Kusang umirap ang mga mata ko. "Asa." Pero tinawanan niya lang ako.

Umiwas ako ng tingin. Ugh! Sa tuwing nagkikita na lang kami, I can't help but to stare at him! Kahit noong hindi pa siya nawawala, madalas talaga akong mapatitig sa kanya.

Bakit kasi ang guwapo?!

"Pasok na tayo?" pag-aaya niya sa akin. Tumango ako at nagsimula nang maglakad.

Wattpad Book Fair PH is held at SMX Convention, Mall of Asia. This is a book fair for Wattpad book lovers. Nagkasundo-sundo ang mga publisher ng Wattpad books to do this every second week of October as a post-MIBF. Madalas kasi silang makatanggap ng reklamo from readers na hindi nakapunta no'ng MIBF or hindi nakapamili nang maayos because of the long line or hindi nakapagpapirma sa authors because they were out of time, maaaring kailangan nang umuwi o inabutan ng cut-off.

"Baby girl," Knight called me so I looked at him, "can I hold your hand?" Inilahad niya ang kamay sa harapan ko.

I smiled secretly. Hindi pa rin niya nakakalimutan. Everytime na naiinis ako sa kanya sa mismong araw ng date namin, hindi niya basta-basta hinahawakan ang kamay ko. Alam niya kasing mas naiinis ako kapag gano'n. Instead of saying sorry, hinaharot-harot niya ako sa mga sweet move niya. E there are times na naiinis talaga ako sa kanya. So he always do this, nagpapaalam muna kapag alam niyang galit ako. Ang problema, ginawa na rin niyang way 'to para mapatawad ko siya agad.

Bakit kasi nakaka-hipnotismo 'yong mga mata niya?!

"Sure." Ipinatong ko sa kamay niya ang akin.

He smiled triumphantly. Akala mo nagkabalikan na talaga kami dahil sa ngiti niya. Napailing na lang ako.

"May bibilhin ka ba?" tanong niya.

I shrugged. "Not sure. Kung may magugustuhan ako, baka bumili 'ko."

"Do you want to eat first? Para 'di ka magutom habang namamasyal," alok niya. Pumayag naman ako.

We ate at BonChon. He asked me kung saan daw ba ako nagke-crave ngayon, and I answered Bibimbap.

He ordered our food and while waiting, nakaramdam ako ng awkwardness. This is our first date since he left, at alam kong pinakikiramdaman din niya ako.

"Baby girl," he called me again. How I miss hearing him calling me "baby girl" with those playful baritone voice.

"Tingnan mo 'to. Tinawag ko lang, na-in love na naman sa akin. Guwapo ko ba?" He wiggled his eyebrows while looking at me with his signature smile. The smile that is more of a crooked smirk. The kind that makes it hard not to smirk back.

OMFTORWKAV (Trial Duo #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon