Panaginip

1.7K 26 4
                                    

*Ex*

Part1

Sandra*
POV

"Wala akong alam sa sinasabi mo Ivan! Hindi ko sya tinulak! Bakit ba ayaw mo kong paniwalaan!" Iyak ko.

"Umamin ka nalang!" Sigaw ni Ivan,Sabay sampal nito sa pisngi ko. Hindi ko alam kung ano ba ang nagawa ko. Bakit ako sinasaktan ng Asawa ko at pinagbibintangan sa bagay na hindi ko naman ginawa.

Last week sa isang Party na naganap. Birthday 'yon ng Mommy ni Ivan. Bilang asawa nya ako Kasal kame. Uma attend ako sa mga Okasyon ng Pamilya nya.
Hanggang sa...

Makita ko Si Ivan na tila nakikipag harutan sa bestfriend nitong si Denice. (Nagbubulungan, Nagtatawanan. At habang tumatawa ito ay hinahampas ang braso ng Asawa ko) Ang sakit... Pero tiniis ko kase Mahal ko, tyaka bestfriend nya yon.

Nagpunta ako saglit sa Restroom para itago yung sakit ng nararamdaman ko sa nakita ko.
Nagtago muna ko ng ilang minuto.
Tapos, lumabas na ko ng makita ko si denice na parang nagmamadali papunta sa Exit stair at may kausap ito sa Cellphone.
Sinundan ko ito. Nung maramdaman nyang may tao sa likod nya ay humarap ito saken. (Nanlaki ang mga Mata nito) tinanong ko sya.

"Ok ka lang ba? " sabi ko.

(Tulala Lang ito.)

"Denice?" Sabi ko.

Hindi ko akalaing aatras sya. Paatras sa pababa ng hagdan. Hindi ko maintindihan. (Bakit??) Tanong ko sa sarili ko. Sinubukan ko syang hawakan sa kung anong parte man ng katawan nya pero tinulak nya ko.
Napaupo at natulala Ako.
Mabilis ang pangyayare.
Nasa baba na si Denice at may dugo ang ulo nya.
Maiyak iyak ako hanggang sa...

"Anong ginawa mo!!"

Paglingon ko nakita ko si ivan na nakatingin saken. Nakatingala ako sa kanya. Bakas sa mukha nya ang gigil at galit.
Tinignan nya si Denice pagkatapos tumitig ito saken at bigla akong sinampal.

"Wala akong alam sa nangyare. Ivan tinanong ko lang kung ok lang sya! Tapos bigla syang umatras! " Sabi ko habang umiiyak.

*Pak!

Pangalawang sampal sa pisngi ko at bumaba ito para I check kung humihinga pa si Denice.

Nablangko ang isip ko sa nangyayare.
Bakit nya ko pinagbuhatan ng kamay.
Bakit hindi sya naniwala saken.
Bakit to ginawa ni Denice.

*
Makalipas ang dalawang araw.
Habang nag aayos ako ng kurtina ay biglang pumasok si Ivan dito sa Bahay.
Sinuntok nya ako sa mukha hanggang sa mapapikit ako at  maupo sa sakit.
Tinadyakan nya ako ng ilang beses.

(Bakit.) Sa isip ko.

Alam ko buhay Pa si Denice pero bakit nya ko sinasaktan ulit. Hinawakan nya ko sa leeg pabuhat at tinatawanan.

"Akala mo ganun nalang yon?!" Sigaw nito na mukha ko.

Umiiyak lang ako.
Ayoko ng sumagot.
Kahit ano naman kaseng sabihin ko ay hindi nya ko pinaniniwalaan.

"May sorpresa ako sayo Sandra!" Sabi nito habang tumatawa. At ibinagsak ako sa sahig. Namilipit ako sa sakit. Pinadapa nya ko at inapakan ang pisngi ko.
Umiiyak lang ako. Wala akong magawa.
Mayamaya pa ay nakita ko ang tatlong pares ng itim na sapatos.

"Posasan nyo na to. " Sabi ni ivan.

Initayo ako ng isang pulis.
Inilabas nila ako dito sa Bahay at nasalubong ko ang Mommy ni ivan.
Sinampal nya ko ng Malakas, sobrang Nagulat lang ako saka tumingin agad sa kanya.
Gusto ko syang tanungin kung Bakit po? Pero tumahimik na lang ako kase alam kong pati sya ay hindi maniniwala sa mga sasabihin ko.

"Itatak mo sa kokote mo Sandra! Gagawin kong miserable ang buhay mo! Habang nasa loob ka ng Kulungan!" Sigaw ni Ivan habang pasakay ako ng Police car.

Napakasakit at wala akong kalaban laban sa bintang nya saken patungkol sa nangyare kay Denice na Kabit nya...

***

"Mama."

"Ma. "

"Mama?"

Nagising ako sa pagtawag saken ng anak kong si Jon.
Limang taon na ang nakalilipas pero bakit hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa din ang malupit na sinapit ko.

Limang taon akong sinistensyahan sa kulungan.
Hindi ako makapaniwalang nagdadalang tao ako bago ako maka hawak ng rehas.

4years old na si Jon ngayon.
Pagkapanganak ko'y pinaubaya ko muna si Jon sa bestfriend kong si Anya. Nang makulong ako kadadating lang ni Anya galing Dubai. Hindi nya akalain na makukulong ako't masesentensyahan ng limang taon. (Kahit naman ako hindi ko din akalin eh.)

Every two months dinadala ni Anya saken si Jon.
Mas okay na yon. Para hindi sya makasalubong ni Ivan.

Makalipas ang tatlong taong pagpapahirap saken ni Ivan. Ng kuya ni Denice at pinsan nito at Mommy ni Ivan. Tumigil na din sila.
Nakaramdam ako ng pagluwag ng nararamdaman ko.
Pag labas ko ng kulungan ay pinaramdam ko sa anak kong si Jon na lagi lang kaming magkakasama at hinding-hindi na maghihiwalay.

"Sandra, hindi ka pa rin ready? Nakaporma na anak mo't naghihitay sa baba. Hay nako." Boses ni Anya.

"Ay! Oo eto na. Katapos ko lang maligo. Bibihis na." Sabi ko.

Sabado ngayon.
Walang pasok sa opisina si Anya.
Pag ganitong araw tyaka linggo lagi kame namamasyal at Nagsisimba.

Napaka swerte ko at merong akong kaibigan kagaya ni Anya. Inampon nya kame ni Jon.
Nung unang pasok ko sa kulungan.
Nakatatak sa utak ko ang sinabi ni Ivan na gagawin nyang miserable ang Buhay ko habang nasa kulungan ako.

Pero nakalipas na ang ilang buwan. Lumaki na ang Tyan ko't nanganak na ko ay hindi na nila ko pinupuntahan.
Kaya panatag ako ng panahong 'yon.
Akala ko hindi ko na sila makikita.
Pagka panganak ko nagsimula na sila na pahirapan ako.

Nakay Anya na si Jon nun nung dumating sila Ivan sa Presinto.

Bago pa man kame magkita.
Nagmakaawa ako sa mga Pulis at Hepe na wag ipapaalam kay Ivan na na-buntis ako dahil natatakot ako na patayin nya ang magiging Anak ko.
Ninong ni Ivan ang Hepeng 'yon.
Nagpagamit ako ng Katawan habang buntis ako at nung nanganak na ko, nagpagalaw Ako wag nya lang ipaalam kila Ivan at sa Pamilya ni Denice na na-buntis ako.

At heto nanga, nanatiling tikom ang bibig ng Ninong ni Ivan.

"Hmm." Huni ko.

Salamat.
Nandito na kame ngayon sa tapat ng Park.
Tumakbo na papasok si Jon sa loob at hinabol naman ni Anya.

Nakangiti ako habang pinapanood sila.
Humahakbang na ko papasok at napahinto din nang ma receive ko ang text ng isang Customer ko.
Nag pe paint kase ako.
Maraming humahanga sa mga gawa ko.
At malaki ang kita ko sa pagpipinta atlis nakakabawi ako kay Anya sa pag aalaga nya samen mag-ina.
Pero ngayon hirap na ko sa pag pinta.
Bali Bali kase ang daliri ko sa kanan.
Gawa ni Denice nung nakakulong pa ko.

******
Ivan*
POV

"Pwede pakibilisan dondon. " Sabi ko.

Kababalik ko lang galing Europe.
May mga business si Daddy na ako ang nag a asikaso.
Nag-iisang anak lang ako kaya kailangang ako ang umasikaso ng mga 'yon.

Habang nag iisip ng ireregalo ko sa Asawa kong si Denice ay...

"Dondon! Teka! Hinto ka muna. " Sabi ko.

Nakita ko ang isang babae na nakatalikod.
Brown at mahaba ang buhok.
Slim na katawan.
Parang pamilyar ang likod na 'yon.

(S'ya na kaya 'yon? )sa isip ko.

"Oh." Bulong ko.

May dumaang truck, kaya naharangan ang babaeng tinitignan ko.
Pag daan ng truck...

"Nasa'n na s'ya? ." Bulong ko.

Nawala na yung Babae sa kabilang daan.
Ang Bilis tuloy ng Tibok nitong puso ko habang inaalala kung sya na kaya yun.

"Boss, male late na po kayo sa party. "Sabi ni Dondon.

"Ge, tara na. Dadaan pa tayong giftshop." Sabi ko...

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon