*Ex*
Part24
Sandra*
POVHindi ko alam ang sasabihin ko.
Yung paghawak ni Ivan sa Mukha ko.
Yung pagtingin ko sa kanya ng malapitan.Bumabalik yung sakit.
Sobrang Sakit."Sandra, pakiusap. Sabihin mo saken. Anak ko ba si Jon..." Iyak nitong nanginginig na ang buong katawan.
Napahagulgol nalang ako sa iyak.
"Sandra..." Iyak nito.
Bigla nya kong niyakap ng mahigpit.
Parehas na kameng humahagulgol ngayon ng iyak."S'Sandra ko... Patawarin mo ko." Iyak nito.
Lumiyad sya para makita ang Reaksyon ko tapos nandito nakahawak sa Dibdib ko itong mga Kamay kong nakita na ni Ivan ang Bunga na ginawa ni Denice saken.
"Sinong may gawa nito..." Sabi nya.
"S'Si Denice." Iyak ko.
"A'Ano?! P'Pa'no?" Sabi nito.
"Pinukpok nya ng Martilyo... Para daw hindi na ko maka Pinta." Sagot ko.
Natutulala si Ivan na nakatingin sa Kanang Kamay ko na sinira ni Denice.
Naluluha itong pinagmamasdan ang bawat detalye na sira ng Kamay ko."Ganyan kawalanghiya ang Kabet mo... Isipin mo? Natiis ko yun ng ganon. Inabot ng Taon yung pananakit nyo saken ng Kabet mo." Iyak ko.
Tinignan nya ko sa Mata.
Nagsimula nanaman itong humagulgol ng iyak ganun din ako."Tang*na nya..." Iyak nito.
"Grabe yung pinagdaanan ko Ivan... Bakit kailangan nyo kong ganunin. Wala akong alam na Kasalanan na nagawa pero bakit..." Iyak ko.
Niyakap nya ko ng mahigpit saka hinalikan sa Noo.
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon sa ginagawa nito.Gusto ko syang itulak.
Sampalin.
Murahin.
At pagsalitaan ng masasakit na Salita na ginawa nya saken Noon.Pero bakit... Bakit hindi ko magawa. Gusto kong magalit sobra.
"Ginagahasa ka nila J'Jude. Wala akong alam don Sandra... Hindi ko gusto yon. Kaya kita sinasaktan nun kase nanghihinayang ako sa pinagbubuntis ni Denice non. Nito ko lang nalaman. Dun sa sinend ni Josh saken. Ngayon ko lang nalaman na nagpapanggap lang na nabuntis ko si Denice... Tang*na. Ang bigat ng nararamdaman ko sobra... Hindi ko ginusto yun Sandra. Maniwala ka saken. Ang alam ko ako lang ang gumagalaw sayo. Hindi ko alam na ginagawa nila yun sayo... Patawarin moko kung hindi ako naniwala sayo. Mahal na mahal kita Sandra... Tapos nung nasa kulungan ka. Pumunta ko ng Korea. Pag balik ko dito sa Pinas umiiyak si Mommy sabi nya gusto ka lang nyang kausapin pero Sinampal mo sya. Kaya pinuntahan kita kagad saka sinaktan. Sabi nya, kaya nya ginawa yon kase gusto nya magkatuluyan kame ni Denice. Alam nyang babalikan kita nun nung pagbalik ko galing Korea. Totoong gagawin ko yun kase Mahal na mahal kita. Ang Mali ko lang Sinaktan pa kita ng Sobra..." Iyak nito tapos niyakap nya ko ng mahigpit.
Mahigpit na mahigpit.
"A' Ivan----"
"Sshhh,Kaya galit na galit ako sa kanya ngayon. Nung pinalayas ko si Denice. Nagmamakaawa si Mommy saken. Gusto nyang makipag-ayos pero hindi ko kayang makita yung Mukha nya. Ngayon hindi ako umuuwi don. Sa Condo ako tumutuloy kase pinupuntahan pa ko ni Mommy sa Bahay... Sana talaga nakinig ako kay Daddy. Sinabi na nya sakin nun yun e. Wag daw ako mag tiwala kay Denice pero hindi ako nakinig. Akala ko si Denice na kababata ko yun. Pero nagbago sya. Inakit nya ko kaya may nangyare samen nun. Hindi ko alam. Basta juice lang ininom ko tapos paggising ko magkatabi na kame. Mali ko din. Inulit-ulit ko yun. Nakikipag kita ako sa kanya. Pero ikaw yung Mahal ko. Hindi ko lang kaya maging Wild sayo kaya nagkikita kame... Jusko, gusto kong maayos to." Iyak nito.