Sino ang Pipiliin ko?

643 10 2
                                    

*Ex*

Part28

Sandra*
POV

Nakatingin ako sa Martilyo na inabot ni Josh saken.
Naririnig kong humahagulgol na si Denice ng iyak.
Nagmamakaawa syang wag sirain ang Kamay nya.

"Naalala mo yung sinabi mo saken nung Party ni Tita Thea." Sabi ni Josh.

"J-Josh." Bulong ko.

"Yung narinig mo sa CR. Sabi mo gusto akong gapangin ni Denice?..." Sabi nito.

Yun yung narinig kong nag-uusap si Denice at Naomi sa CR.

Nasa loob ako ng isang Cubicle nun.
Naalala kong may nabanggit dun na 'Gapangin na kaya nya si Josh dahil mabilis naka Buntis'.

"O'Oo... Naaalala ko." Sabi ko.

Pinaliwanag nito na pinag-iisipan na nya ang gagawin nyang pang-aakit at pag kuha sa loob ni Denice.
Nagpaalam daw sya kay Mommy nun.
Hindi nila ito sinabi saken dahil.
Baka magalit at mandiri ako sa Kanya.

Si Naomi.
Nakita na daw na naghahalikan sila't nagse Sex.
Pinakilala ni Denice si Josh kay Naomi bilang Boyfriend. Kaya pala nung nasa Bahay.
Bago kame umalis ni Josh.

Iba ang reaksyon ni Naomi.
Nag-aalala sya at parang natatakot.
Alam pala ni Naomi ang tungkol kila Josh at Denice.

"Sandra!! Patawarin moko! Mananahinik na ko!  Pakawalan nyo na ko!!!" Sigaw ni Denice.

Sinabi din ni Josh na sobra syang nasaktan ng Narinig nya sa MicPeace ang paghahalikan namen ni Ivan.

Nag blangko raw ang isip nya kaya dinala nya ko rito.
Aatras na sana sya sa planong ipasok ako sa Bahay na to pero, nakita na daw agad sya nila Jude at Julse.

Wala na syang maisip na paraan dahil buhat-buhat na nya ko kaya tinuloy na nya pero nagpaplano sya kung paano ako ililigtas.

Hindi na sya pwedeng tumakbo kanina pabalik sa Sasakyan dahil. Sa malamang ay babarilin daa kame nila Jude at Julse.

"Sandra!!!! Nag mamakaawa ako!!! Maawa ka saken Sandra!!" Sigaw ni Denice.

Nilingon ko sya't tinitigan sa Mukha. Piga kong hawak-hawak tong Martilyo.

"Wag Sandra! Maawa ka! Pakiusap! Maawa ka!!" Sigaw ni Denice.

(Maawa... Ganyan din ang sinisigaw ko sa kanya Noon. Ganyan na ganyan ako kung magmakaawa sa kanila ng Kuya at Pinsan nya pero ano...)

"Ganyan na ganyan ako humingi ng Awa sayo..." Sabi ko.

Kinuha ni Josh ang Cellphone at tinawagan si Daddy.
Humingi ng Tawad si Josh sa Daddy ko dahil sa ginawa nito ngayon lang.

Ako naman.
Nakatitig kay Denice. Umiiyak sya... Tandang tanda ko. Ganitong ganito talaga ang pagmamakaawa ko sa kanya Noon.

Umiiyak.
Walang magawa.
Nagmamakaawa na tigilan na ako.
Pero hindi sya tumigil.

"Wag Sandra!!! Maawa ka!!! Hindi na ko manggugulo!! Pakawalan nyo na ko!!" Iyak ni Denice.

Papalapit na ko ngayon sa kanya...
Nanginginig sya sa Takot.

"Ganyan na ganyan din ako kapag papalapit ka saken..." Sabi ko.

Mayamaya pa'y may biglang pumasok dito sa Kwarto.
Lumingon ako kay Josh.

"Wag kang mag-alala Mahal ko. Tinawagan ko sila." Sabi nya.

Tumingin ulit ako kay Denice.
Umiiyak at nagmamakaawa ito saken.

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon