Ang Kaibigan ng Kalaban

707 16 1
                                    

*Ex*

Part15

Dondon*
POV

"Boss, si Ma'am Denice. May kausap sa Loob oh. Mukhang may Baril pa yung Lalaki" Sabi ko kay Boss Ivan.

Huminto sya sa pag Iyak at tumingin sa direksyon ni Denice.
Nagsasalita si Denice pero naka talikod sya sa Kausap nya.

(May binabalak nanaman yung Malanding yun...) Isip ko.

"Dondon, punta ka don. Bili ka ng Coke naten." Sabi ni boss Ivan habang hinuhugot ang Wallet sa bulsa nya tapos inabutan nya ko ng Pera.

Kinuha ko tong pera saka ko bumaba.

Pumasok na ko.
Pumunta agad ako sa gilid.
Ni ready ko ang cellphone ko para mai record yung Usapan nilang Dalawa.

"Hindi mo ba ko titigilan." Sabi ni Denice.

"Gag* ka ba. Pag hindi mo binigay yung gusto ko sa Asawa mo mismo ako dederetso." Sabi ng Lalaki.

"Nauubos na pera ko. Linggo linggo binibigyan kita. Kulang pa ba. Tapos na usapan naten ah. Isang beses pa na guluhin moko mag hi Himas Rehas ka." Gigil na sabi ni Denice.

"Ha! Sa malamang. Himas Rehas tayo kasama Tatay mo." Sagot ng Lalaki saka naglakad palabas ng Store.

"Hala..." Bulong ko.

Naglakad na kagad palabas si Denice dito sa 7/11.

"Hmm." Huni ko.

Sinilip ko at mukhang pabalik na sya sa Sasakyan.
Bumili na agad ako ng Coke pagkatapos dali-daling lumabas at bumalik na sa Sasakyan.
Inabot ko kay boss Ivan yung pina bili nya.

Sa rear mirror tinignan ko si Denice.
Takot ang Reaksyon nya habang nakatingin sa Labas.

"Hmm." Huni ko.

Tumingin ako kay Boss Ivan.
Nakatingin sya saken at parang sumesenyas kung may narinig ako.

Tumango-tango ako.

"Tara na..." Sabi ni Boss Ivan.

Nag simula na kameng bumyahe.
Tahimik lang si Denice.
Si Boss Ivan at Mommy nya naman nag-uusap tungkol sa meeting na pupuntahan ni boss Ivan bukas.

*
Pag dating namen dito sa Tinutuluyang Hotel...

"Sino yung kausap mo kanina." Seryosong sabi ni Boss Ivan kay Denice.

"A'Uhm. Tinawagan ko si Naomi. Naiwan kase sya sa Party." Sagot ng Impakta.

"Naomi... E yung Lalaki. Ano pinag-usapan nyo. May inabot ka pa dun. Ano yun." Sabi ni Boss Ivan.

Halatang may tinatago si Denice kay Boss base sa Kilos at Reaksyon nyang hindi mapakali.

"Babe, wala yon." Sabi ni Denice.

"Denice, pag gumawa ka ng katarantaduhan galingan mo naman. Obvious na obvious ka e. Malaman ko lang na nagsisinungaling ka. Yari ka saken!" Galit na sabi ni Boss Ivan saka dumeretso sa Hotel Room nila.

"Oh god." Sabi ni Denice.

Bakas sa mukha ni Denice ang Takot.
Si Boss Ivan kase yung kapag may sinabi.
Ginagawa nya talaga.

Kapag Lagot ka... Lagot ka...

*
Mayamaya...
Nung nasa Hotel Room na ako.
Sinend ko kay Boss Ivan yung nairecord ko.

"Hmm." Huni ko.

Nagreply sya nang...

/Salamat---

*****
Sandra*
POV

Nagpaalam na saken ang mga Bisita ni Mommy.
Sina Kyle, Jacob at Justine nagpaalam na din ganun din si Daddy Vince.

*
Sa Kwarto...

"Mama! Tabi kame ni Mamita mag meme ah." Sabi ni Jon.

"Ok sige, behave ka lang ah." Sagot ko sa Anak kong todo ngiti.

Nahuli ko yung Reaksyon ni Josh.
Mukhang masaya sya.

"Ikaw ah." Sabi ko sa kanya.

Alam ko na e. Kase wala ng istorbo.

"Goodnight Anak. goodnight Josh." Sabi ni Mommy.

"Good night Mommy. Good night Anak." Sabi ko.

"Good night po Tita. Good night Pogi." Sabi ni Josh.

Ngumiti si Mommy saka sila naglakad ni Jon Palabas ng Kwarto.

"Oh!" Hiyaw ko.

Nagulat naman ako ng biglang tumayo si Josh sa Kama.
Dali dali nyang sinara at ni lock ang Pinto.

"Josh. Nakakagulat ka..." Sabi ko.

Dahan dahan syang Humarap saken habang nakangiti.
Tinataas baba pa ang mga Kilay nya.

"Loko ka. Hehe." Sabi ko.

(Napaka gwapo)

Natawa ako sa ngiti nyang to tapos nilapitan na nya ko't niyakap saka hinalikan sa Labi.

"Yehey." Sabi ni Josh na ngiting ngiti.

Natatawa ako sobra.
Hinalikan nya ko ulit hanggang sa sabayan ko na din tong Malalim nyang halik saken.

"Ah Josh." Ungol ko.

Hinawakan ko yung Buhok nya habang naghahalikan kame.

This time. Hindi na nya pinatay ang ilaw.

"Yung ilaw---"  Sabi ko.

"No, gusto ko makita ng maliwanag yung Ganda mo." Maakit na sabi nito.

Tumawa ito at hinalikan ako ulit sa Labi.
Binuhat nya ko saka hiniga dito sa Kama.

"Game??" Tanong nito saken.

"Game." Sagot ko.

*****
Anya*
POV

Ayos. Makaka uwi na rin.
Palabas na ko ng building ng mag Ring ang Phone ko.

"Sino ba to." Sabi ko habang kinakalkal tong Cellphone sa Bag ko tapos nang makuha ko e sinagot ko na kagad baka kase importante lalo't mga importanteng Tao lang ang nakakaalam ng Number ko.

"Hello?" Sabi ko.

'Uhm, hello? Ikaw ba si Anya?' Tanong ng isang Babae sa kabilang linya nito.

"Hmm." Huni ko.

Sino kaya to.

"Sino ka ba??? Tyaka San mo nakuha number ko." Sabi ko.

'Kaibigan ako ni Denice---

"Pisting Yawa!!  Anong kailangan mo ha!!! Nananahimik kame ni Sandra!' Biglang sagot ko nang marinig kong Kaibigan pala sya nung Bruhang Kabet ni Ivan.

'Hindi. Hindi ako makikipag away. Makinig ka muna importante tong sasabihin ko. Please! Please! Hindi ako nakikipag-away...' Mahinahong sabi nito.

"Pwesss...Ano ba yun?!" Sagot ko.

'Gusto ko lang sabihin na mag-ingat kayo ni Sandra. May binabalak kase si Denice. Kademonyohan tyaka,  base sa pagkaka dinig ko... Mag papanggap yata si Denice na Totoong Princess Sandra. Ewan ko kung paano nya gagawin yun.' Sabi nito.

"Ano??! Sira ulo din yung Kaibigan mo e no? Atyaka ba't ako maniniwala sayo!!!---

'Hindi na kaya ng konsensya ko! Please maniwala ka!
Hindi ko na kaya. Sobrang awang awa ako sa ginawa nila kay Sandra. Nanahimik na ko ng isang beses. Akala ko tapos na yung paghihirap ni Sandra. Hindi na kaya ng Konsensya ko. Ayaw lumubay ni Denice. Sa totoo lang ayoko na syang kaibigan. Please maniwala ka!!! Please!! Binabalaan ko kayo sana maniwala ka!' Sabi nito.

"Hmm. Teka! Paano naman nga pala gagawin ni Denice yung pagpapanggap nya Aber?!" Sabi ko.

'May kasabwat sya na isa sa mga Tauhan ng Villa Rica.' Sagot nito.

"Kilala mo???" Tanong ko.

'Hindi pero narinig ko yung Pangalan...

Robert daw...'--- Sabi ni Naomi...

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon