*Ex*
Part5
Sandra*
POV"Josh, si Jon anak ko. Jon anak, bless ka sa tito mo." Sabi ko.
Lumapit si Josh kay Jon tapos Binuhat nya at Niyakap... Naiyak lang kame ni Anya habang pinapanood namen sila.
Hindi ko mabasa ang nasa isip ni Josh pero alam kong kailangan nya ng sagot.
*
Pag pasok namen sa loob ng bahay ay nag hain na si Anya.
Kumain muna kame. Gusto ko magusap kame pag tulog na si Jon.*
"Goodnight Mama! Goodnight tita Anya!
Goodnight Papa Josh!." Sabi ni Jon sabay takbo paakyat papunta sa Kwarto.Nakangiti si Josh saken.
Umakyat na si Anya para I check si Jon.
At kame nalang ni Josh ang naiwan dito sa Sala."Josh. Namiss kita." Sabi ko.
"Namiss din kita... Sobra." Sagot nito at malungkot ang reaksyon nya.
Yumuko ako at tumingin dito sa sahig ng Sala.
Sobrang nakakalungkot na may mga nangyare saken na sana nandito si Josh para may kakampi ako."Nakakatuwa si Jon, napakalambing na Bata." Dugtong nito.
Tinignan ko sya saka nginitian ng pilit.
"Sandra, alam ba ni Ivan?" Sabi nito.
"Hindi." Sabi ko.
"H'Hindi ko pinaalam. Nagmakaawa ako sa Ninong ni Ivan na wag ipapaalam kina Ivan." Dugtong ko.
"Anong kapalit." Sabi nito.
"K'katawan k'ko." Sagot ko hanggang sa tumulo na ang luha sa mga Mata ko.
Umiyak si Josh tapos niyakap nya ko.
Pareho na kame humahagulgol ng iyak ngayon.Bumitaw na sya at...
Hinawakan ang kamay ko. Galit, Awa.
Ang nasa mukha ni Josh habang tinititigan ang kamay ko.
Ang kanang kamay na kinuha saken ni Denice.
Ang kanang kamay ko na buhay ko na inalis nya saken."A'Anong n'nangyare dito Sandra." Nauutal na tanong ni Josh habang nakatingin sa Kamay ko.
"Pinukpok ni Denice ng martilyo." Sagot ko.
"Tang *na nya! Bwisit na babaeng yun. Bwisit talaga.
Mga demonyo. Tsk" Galit na sabi nito."Sinong kaharap nung ginawa nya yun." Dugtong nito.
Yumuko ako saka Umiyak.
"M'mommy ni Ivan. Umalis si Ivan nun. Kaya si D'Denice, Mommy ni Ivan, Kuya ni Denice at Pinsan nya. Apat sila... Wala akong magawa Josh." Sagot ko habang umiiyak.
Napakasakit sobra.
Sa totoo lang.
Sa tuwing titignan ko ang kamay ko.
Naaalala ko ang lahat lahat ng ginawa nila saken.
Sa malamang. Alam ni Ivan ang tungkol sa pag martilyo ni Denice sa kamay ko. Dahil nung dumating na sya galing sa kung San man sya pumunta ay tumatawa sya saken.
Kakapanganak ko palang nun.
Pero tinatagan ko ang loob ko dahil gusto ko pa makasama ang Anak ko.Gusto ko pang Mabuhay...
Hanggang sa magsawa na ang mga yun sa pananakit nila saken.Hinayaan na nila ako.
Laking pasasalamat ko na buti nalang ay tumigil na sila.
Pero ang pinsan ni Denice na si Julse e pinupuntahan pa rin ako pero hindi na ko sinasaktan.
Humihingi lang ng tawad pero hindi ko nalang pinapansin."Sandra. Sabihin mo lang kung ano gusto mong mangyare. Kung kailangan Torturin naten sila gawin naten! Hindi ako makakapayag na gawin nila to sayo tapos sila parang wala lang??!" Gigil na sabi ni Josh.
"Napag isipan ko na yan Josh." Sabi ko.
"Gusto kong simulan sa paghahanap sa mga Magulang ko." Dugtong ko.
Tumango si Josh.
At gagawa na sya ng unang hakbang.
Sinabi ko sa kanya lahat ng sinabi ni Mama Mara saken.Kailangan hanapin ko ang Magulang ko.
Baka naman kase Kailangan nila ako.
Base sa kwento ni Mama Mara mayaman daw ang Magulang ko.Iniisip ko na lumapit sa kanila at humingi ng tulong.
Kung gusto lang naman nila.
Pero kung ayaw nila.
Sabi ni Josh sya na ang bahala sa lahat.Nabanggit din ni Josh na kahit sila Kyle, Jacob at Justine ay galit kay Ivan dahil sa ginawa nun saken.
Simula nun ay hindi na nila kinausap si Ivan.
Si Ivan pa daw ang gumagawa ng way para magka ayus sila.
Malaking bagay na yon.
Malaking sampal kay Ivan na galit sa kanya ang mga Pinsan nya.At ang pinaka kina palakpak ng Tenga ko.
Ay...
Walang kakayahang mag ka ANAK Si DENICE.
In-short Baog.Isang malaking Sampal na sa kanya yon.
Pero hindi ako papayag na ganun nalang yon.
Kung kailangang pukpokin ko sya ng martilyo sa ulo.
Gagawin ko."Gaganti ako Josh... Gaganti ako... Tulungan mo ko..." Sabi ko.
Niyakap ako ni Josh saka binulungan nang..."Tutulungan kita Sandra...".
****
Makalipas ang ilang linggo...May Isang tao na pinag hihinalaan ni Josh na pwedeng maging Magulang ko.
"Sino?" Sabi ko.
"Altea Gray Villa Rica..." Sabi ni Josh.