Bagong Pag-ibig

652 15 0
                                    

*Ex*

Part16

Sandra*
POV

Ang sarap gumising.
Lalo't katabi mo ang Mahal mo.

Tama...
Mahal ko na nga si Josh.
Hinihiling kong sana si Josh nalang pero kung hindi naging kame ni Ivan wala akong Jon sa Buhay.

Pero salamat at natapos din ang paghihirap ko...
Masaya na ko sa ngayon.

"Hmm." Huni ko.

Tinitigan ko si Josh sa Mukha nito. Nasa Kanan banda ko sya nakapwesto.
Pinagmasdan kong maigi ang Mukha nya pasimula sa Noo hanggang sa sinundan sa Kilay mga Mata, Ilong.
Pisngi at itong Mapula nyang Labi.

(Ang Gwapo.)

Mayamaya pa'y dahan dahan nitong binuksan ang Mata nya. Ngumiti ito saken. Napaka Tamis na ngiti.
Nilapit nya ang mukha nya saken at idinikit ang Labi nya sa Labi ko.

"Good morning Gorgeous." Sabi nito.

"Good morning Handsome." Sabi ko.

Nakangiti kameng parehas na sabay pang nagbukas nang Labi para sana sa malalim na Halik kaso...

*knock knock!

"Ayan na sya." Sabi ni Josh na natatawa tawa pa.

Alam na namen kung sino tong istorbo na to.
Tumayo ako't binuksan ang pinto.

"Good morning!!" Masayang bati ng Anak ko.

"Good morning Anak." Sabi ko.

Nasa likuran nya si Mommy. Masaya ang gising nameng lahat.

"Good morning Kulit. Good morning Tita." Sabi ni Josh na naka-ngiti habang bumabangon dun sa Kama.

Yung reaksyon ni Mommy.
Parang nanunukso e.
Alam nyang may ginawa kame ni Josh kagabe.

"Anong oras kayo natulog?" Tanong ni Mommy.

"Mommy!" Sabi ko.

Nagtawanan sila ni Josh.
Yung anak ko naman nagtataka.

"Nag play po ba kayo ni Papa Josh, Mama?" Sabi ni Jon.

"A'Aaa, ano Anak hindi. Nag usap lang kame ni Papa Josh." Sagot ko.

"Usap lang ah." Sabi ni Josh habang natatawa tawa.

Nilingon ko sya't nilapitan saka pinalo sa braso.
Tumawa lang sya lalo.

(Kainis...)

Natawa na din ako kase sinusundot nya yung tagiliran ko.

"Madam, breakfast is ready na po." Masayang sabi ng Maid.

"O'Ok. Thanks so muck." Sabi ni Mommy.

"Let's eat." Dugtong nito.

Tumango-tango kame ni Josh tapos naglakad na kameng Apat at bumaba na saka pumunta sa Dining Room.

"Wow..." Bulong ko.

Namamangha ako. Napaka ganda kase dito.
Sosyal na sosyal. Excited na kong ikwento kay Anya to tapos dadalhin ko sya dito.

"Tara na. Kain na tayo." Aya ni Mommy.

Naupo na kame tapos si Josh ang nag-asikaso kay Jon.

*
Habang kumakain...

*nag ri Ring ang Cellphone ko.

(Si Anya.)

"Hello. Anya! Good morning. Miss na kita." Sabi ko.

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon