*Ex*
Part22
Sandra*
POVNakaramdam ako ng Takot kay Josh.
Hindi ko sukat akalain na makaka Patay sya.
Ultimo ang mga Tono ng pananalita nila Mommy at Daddy.Sobrang,
Nakakatakot."Sandra." Mahinahon na tawag saken ni Josh.
Tumingin ako sa mga Mata nito tapos Hinawakan nya ko sa Kanan Tuhod ko. Ngumiti lang ako tapos umusog sya palapit saken saka nya ko niyakap ng mahigpit.
"Alam kong nakaramdam ka ng Takot dahil sa mga ginawa ko. Pero, gusto ko sila pagbayarin sa ginawa nila sayo. Mahal na mahal kita Sandra." Mahinahon na sabi ni Josh.
"Mahal na mahal din kita Josh. Pasensya kana. Nabigla lang talaga ako. Tapos yung Kuya ni Denice at Pinsan nya. Pa'no pag bumalik sila??" Sabi ko.
Ngumiti si Josh.
"Hindi ka na nila guguluhin. Pinapangako ko sayo." Sabi nito.
Hinalikan ako ni Josh sa Noo tapos kumalma na ko.
Niyakap ko sya ng mahigpit."Osha, maiwan na muna namen kayong Dalawa..." Sabi ni Daddy.
Tumayo si Mommy at Daddy.
Nagpaalam sila samen na mag-uusap sila ng pribado.
Tumango-tango lang kame ni Josh tapos umalis na silang Dalawa.Si Jon naman paikut-ikot dito sa Sala.
"Hay nako Anak." Sabi ko.
Masayang masaya si Jon na naglalakad-lakad kasama yung dalawang Babae.
"Hmm. Nakakatuwa talaga yang Anak mo." Sabi ni Josh.
"Oo nga e. Gusto ko nang makita na lumaki sya." Sabi ko.
"Excited na din ako. Tapos, syempre... Magkasama na tayong Dalawa nun. Baka nga Kasal na tayo." Sabi nito.
Tinitigan ko si Josh sa mga Mata nya tapos sinunggaban nya ko ng Halik sa Labi.
Niyakap ko naman ito ng mahigpit, mayamaya pa inalis na nya yung pagdidikit ng Labi nameng Dalawa.
Niyakap nya ko saka hinalikan sa Noo.Makalipas ang ilang Minuto.
Narinig kong umiiyak si Mommy.
Nagkatinginan kame ni Josh at dali daling tumayo sa kinauupuan namen saka kame pumunta sa Kwarto kung san pumasok sila Mommy at Daddy.
Nakabukas ang Pinto kaya rinig na rinig ko ang hagulgol ni Mommy.
"Ang Mommy. Anong nangyare." Sabi ko.
Pagpasok namen ni Josh dito sa Kwarto.
Nakayakap si Daddy kay Mommy tapos Umiiyak sya ng tahimik habang si Mommy naman yung humahagulgol ng iyak.
Naluha na ko sa nakikita ko tapos, napatingin si Mommy saken.
"Sandra... Anak..." Tawag ni Mommy.
Lumapit ako.
Niyakap nila ko Pareho. Nandito ako sa Gitna nilang Dalawa tapos nag-iiyakan kameng Tatlo pero para bang Masaya pa kame ng lagay na to."Nasaan si Jon." Sabi ni Daddy.
Tinawag ni Josh si Jon hanggang sa marinig nameng may tumatakbo papunta dito.
Pagdating ni Jon.
Lumapit si Daddy kay Josh at Jon.
Saka sila niyakap.Napakasaya kong may Pamilya na ko ngayon.
Inakay ni Daddy sila Josh at Jon tapos nagyakapan na kameng Lima dito."Napakasaya ko..." Bulong ko.
Magandang Balita ito.
Nagkabalikan ang mga Magulang ko tapos Buo na kame.