Ang Pagdating

626 15 0
                                    

*Ex*

Part19

Dondon*
POV

(Uy, May nagText.)

/Donny, Ano nang Balita...--- Text ni Sir Josh.

/Nako Sir. Happy happy kame ngayon dito. Haha. Binubugbog na ni Boss Ivan si Denice. Saya saya. Sumasayaw pa sila Maring at Cel.--- Reply ko.

/Wow, buti nga sa kanya. Teka bakit naman kaya nya sinasaktan si Denice?--- Text ni Sir Josh.

/Eh,Sir sa pagkakarinig ko sinaktan raw ng Kuya at Pinsan ni Denice si Ma'am Sandra.--- Sagot ko.

/Ha? Pa'nong sinaktan? Hindi ba't kasama ni Ivan ang mga yon pag pumupunta sa Presinto non?.--- Text ni Sir Josh.

/Ay Sir, Hindi namen nakaka sabay ang mga yon. Salitan sila ni Boss Ivan. Tyaka bihira sa isang Buwan kame pumunta non... Pag pumupunta sila Denice ang kasama nya Kuya, Pinsan nya at si Ma'am Rina.--- Reply ko.

/Jusko. Hindi ko maintindihan. Lahat sila nanakit kay Sandra. Ano kinaka Galit ni Ivan ngayon.--- Text ni Sir Josh.

/Sir, mukhang may nadiskubre si Boss Ivan e? Ewan ko lang kung ano. Pero sasabihan kita.--- Reply ko.

/O sige. Balitaan moko ah. Salamat Don.--- Text ni Sir Josh.

(Hmm ano kaya yung nadiskubre ni Boss. Bat galit na galit sya ngayon. Alam kong alam nya na sinasaktan nila Denice si Ma'am Sandra e...)

Rinig na rinig ko. Sumisigaw si Boss.
Sumasagot naman si Denice.

(Ayaw patinag ng Impakta. Hindi yata natatakot kay Boss Ivan...)

*****
Sandra*
POV

Makalipas ang ilang Araw...

Ang sarap ng tulog ko.
May narinig akong yapak. Nagmamadali yun na parang papalapit saken.

(Sino ba yun?...)

*ba!

Bumukas ang pintuan dito sa Kwarto.
Sobrang nagulat ako kaya nilingon ko kagad kung Sino yun.

"A'Anya??" Sabi ko.

"S'Sandra! Si Josh! Wala na si Josh!"

Anong sinasabi ni Anya.
Anong wala na si Josh.

"Anong sinasabi mo Anya! A'Anong... Nasa'n si Josh!" Iyak ko.

"Nasa morgue si Josh, Sandra! Wala na si Josh!" Iyak nya.

Tumayo ako agad sa kinahihigaan ko.
Kahit naka pambahay ay dali dali akong lumabas.
Nakasunod si Anya saken.

Sumakay kame ng Trycicle. Sinabi ni Anya sa driver kung saan kame pupunta.

*
Pag dating namin dito sa Ospital...

Dali dali akong pumasok at tinanong sa Nurse kung nasaan ang Morge ng Ospital nila.

Pagka turo nya sa direksyon ay dumiretso na kagad ako mapuntahan lang agad ang sinasabi ni Anya.

(Josh. Jusko pakiusap. Wag nyong kunin si Josh.)

Pag bukas ng pintuan nitong Morge...
May nakahiga dun at mukhang Malaking Tao.

Nilingon ko si Anya na Umiiyak. Nakatingin ito saken.
Binalik ko ulit ang tingin ko sa naka higa.

"Hindi..." Iyak ko.

Dahan-dahan akong lumapit.

(Jusko. Josh ikaw ba to.)

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon