*Ex*
Part10
Thea*
POV(Ang Anak ko... ang Prinsesa ko...)
Lumapit agad ako at niyakap si Sandra.
Hinawakan ko ito sa pisngi at hinalikan sa Noo.Kagabe tinawagan ako ni Josh.
May importante syang sinabi saken na kina Tuwa ko ng Sobra.
Buhay ang Anak ko.Ang Sandra ko. Buhay na buhay sabi ni Josh.
Sa telepono pinaliwanag ni Josh lahat lahat saken.Hindi ako makapaniwala sa Sinapit ng Anak ko.
Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Ivan.
At yung Asawa nya ngayon. Yung Denice.
Mga Hayop sila.*****
Sandra*
POV(Sya nga ba ang Nanay ko?) Tinititigan nya ko.
Umiiyak sya habang hawak ang magkabilang pisngi ko.Mag kasing taas kame.
Kamukha ko sya."Sandra, Anak..." Sabi nito.
Malumanay ang pagkakabigkas nito.
Niyakap ko sya ng mahigpit."Sandra." Iyak nito.
Pinaliwanag ni Josh ang lahat lahat ng Pinag usapan nila kagabe.
"Tita, Si Jon po. Apo mo." Sabi ni Josh.
Bumitaw ng pagkakayakap saken itong Babae tapos tinignan nya si Jon na buhat-buhat ni Josh.
"Oh my... Come here my amigo." Masayang pagkaka banggit ni Thea. Naka bukas ang kamay nya para yakapin si Jon.
Makikita sa reaction ng Mukha ni Jon ang Gulat na Nagtataka.
"Si Jollibee po ba kayo?." Sabi ni Jon.
Nagtinginan kame nila Josh at hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa Babaeng sinasabi ni Josh na posibilidad na Nanay ko.
Nagtawanan kame tuloy kame.
"My baby boy. gusto mo makita si Jollibee?." Sabi ni Thea.
Tumango si Jon.
Tuwang tuwa sa narinig."Mamita ang itawag mo saken. Ok?" Sabi ni Thea habang yakap si Jon na naka-upo sila sa Sofa.
"Opo!" Sabi ni Jon.
Ang dali kausap ng Anak ko e.
Natatakot lang ako sa part na pa'no pag nagkakilala sila ni Ivan.
Ayokong ipagdamot si Jon sa Ama nya pero...
Walang karapatan si Ivan sa Anak ko lalo na dun sa mga ginawa nya saken."Sandra, Anak. Mommy mo ko. Alam kong masyado pang maaga pero. Sa nakikita ko ngayon sayo. Nakakaramdam ako ng Lukso Ng Dugo." Mahinahon na pagkakasabi ni Thea.
"Ok po.. M'Mommy." Sagot ko.
Tumayo sya at lumapit saken.
Niyakap ako ng mahigpit.
Niyakap ko din sya.Mayamaya pa ay tinawag nya ang isa sa mga Maid nya.
May binulong sya dito.
Si Josh naman nakatingin saken. Nakangiti."Sandra, tara sa garden." Sabi ni Josh habang papalapit saken.
"Go. Anak, at kame ng Apo ko kailangan mag ikot ikot dito sa bahay." Sabi ni Mommy Thea.
"May surprise ako sayo! Amigo! Mayamaya dadating na sya." Dugtong ni Mommy habang buhat buhat si Jon.
Tumatango naman ang Anak ko.
Masayang masaya ang Makulit."Hehe." Mahinang Tawa ko.
Lumabas kame ni Josh at nagpunta sa Garden.
Napakalawak.
Sariwa ang hangin.
Hindi na ko makapag hintay na ikwento to kay Anya.
Tyak, iiyak yun.