*Ex*
Part17
Sandra*
POV(A'Ano?. Prince Sandro? Magka lapit kame ng pangalan. Tapos sino yung Dad raw ni Denice na galit na galit saken...)
"Boses ni Robert yong Lalaki. Walang hiya! Napaka kapal ng mga Mukha. May koneksyon na sila kay Sandro. Kailangan maunahan ko na sila para makilala ka nya." Sabi ni Mommy.
"Mommy, relax lang po kayo. Baka maka Sama po sa inyo ang ganyan. Mas maganda po na mag antay tayo kay Josh. Tyaka hindi ako papayag na makakuha sila saken ng kahit na ano." Sabi ko.
Kumalma na si Mommy. Tinabihan ko ito saka niyakap.
"Matatapos din po ito." Sabi ko.
"Sana Matapos na agad..." Sabi nito.
Niyakap nya ko tapos kumandong si Jon saken.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
Sana nga ay matapos na to at dapat singilin na namen yung mga Taong may Atraso samen.*
Makalipas ang ilang oras.Gabi na nang nakabalik si Josh dito sa Mansion.
"Kain tayo?" Aya ko sa kanya.
Ngumiti sya saken at sinalubong ako ng halik sa Labi.
Tumatakbo naman si Jon papalapit sa kanya.
Binuhat nya at kiniss sa pisngi."Hi Papa." Sabi ni Jon.
"Hi Baby." Sabi ni Josh.
Bumeso sya kay Mommy tapos nagpunta na kame sa Kainan.
*
Naupo kame at Kumain."Hmm." Huni ko.
Habang kumakain kame.
Inabot agad ni Josh kay Mommy yung Tablet.
Pinindot ni Mommy ang gitna nun tapos, Video yon."A'Ano yan?" Sabi ko.
Kuha sa CCTV footage dun sa Exit Stair sa Events Place na ginanapan ng Party ng Mommy ni Ivan.
Kitang-kita dito ang ka Dramahan ni Denice.
Dinig na dinig din dito ang Boses nya.May kausap sya sa Cellphone.
*Dad* ang tawag nya sa Kausap nya.'Dad,Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin!Yon lang ang naisip kong paraan para hindi ako iwan ni Ivan...
...
'E sinabi ko na Buntis ako! Tapos ayun masayang masaya sya. Yun lang okay na ko. Pero may sabit! Bwisit! Etong Sandra na to. Ano bang dapat kong gawin dito?!'
---Kita dito ang paglabas ko at paglapit ko sa kanya.
Humarap si Denice saken na gulat na gulat ang Reaksyon.Rinig dito yung tinanong ko kung Okay lang ba sya hanggang sa, Umatras sya na Kitang-kita din dito na sinubukan kong hatakin sya pero...
Tinulak nya ko hanggang sa mapa-upo ako sa semento.
Hindi ko na kaya ang sumunod na nangyare.
Si Ivan. Pinag buhatan ako ng kamay.Habang pinakikinggan ko yung pagsigaw ni Ivan.
Tumutulo ang Luha ko ngayon sa nakikita ko.
Hinawakan na ko ni Josh sa Kanan Kamay ko tapos pinipisil pisil nya ito.(Bumalik yung sakit...)
(Napakasakit...)
Lumapit si Jon saken at niyakap ako sa Hita.
Naluluha ako kapag naaalala ko yung nangyareng yun."Mama." Mahinahon na sabi ng Anak ko.
Tumingin ako dito saka ko ngumiti.
Niyakap ulit ako ng Anak ko tapos nagpunas na ko ng Luha.