Naomi

582 12 0
                                    

*Ex*

Part25

Sandra*
POV

"What the heck..."

(Ha?)

"Ay, sino po sila???" Tanong ko.

Isang Magandang Babae ang nakatayo ngayon sa Pintuan.
Matangkad ito. Maputi't makinis.
Pang Model ang datingan.

"Hmm." Huni ko.

Huminto sa pag-aayos si Anya.
Halata ang pagkataranta nya sa kung Sino man tong Bisita.

Umikot si Ivan palingon para makita ang nasa Likuran nya.

"Naomi? What the hell are you doing here?!" Sabi ni Ivan na gulat ang reaksyon.

(Naomi? Sya ba yung kaibigan ni Denice na nagsend ng Voice record samen...)

"Ah, eh, ehem! Hm! Bes, si Naomi e ano kase eh..." Sabi ni Anya na nauutal utal pa.

"Hi! Guyzzz... Uhm, ano. Hi Ivan! It's been a while." Sabi nitong Naomi.

"Anya? Anong meron." Tanong ko.

"Bes, si Naomi tyaka ako kase ano eh." Sabi ni Anya.

"Ano? Anong meron??" Sabi ko.

"Nagde Date kame." Sagot ni Anya sabay yuko.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.
At bakit sa kaibigan pa ni Denice.
Nagtataka naman ang reaksyon si Ivan ganun din ako pati si Kuya Dondon.

"Bes, si Naomi. Hindi na sila okay ni Denice. E pina Plastic nalang nya yon." Sabi ni Anya.

"O'Okay. Gets ko na. Grabe Anya. Kaya pala ayaw mong mag Boyfriend, T'Tiborsyo ka pala..." Sabi ko.

Nagtawanan sila Anya at Naomi.
Kita ko sa mga Mata nila na nagkakagustuhan sila.
Nakayakap si Naomi kay Anya.
Hinahalikan naman sya ni Anya sa Labi.

"Grabe..." Bulong ko.

Tinakpan ni Ivan ang Mata ni Jon na tuwang-tuwa naman sa nakita nyang nagkiss ang Tita Anya nya saka tong Babae.

Naalala ko.
Nakikita ni Jon na kinikiss ako ni Josh.
Baka sabihin nya kay Ivan yon.
Pero dapat lang malaman din naman ni Ivan.
Masaya na kame ni Josh.
Pero, hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Lalo't pinaliwanag ni Ivan saken yung side nya.
Ewan ko ba...

(Si Denice ang Puno't Dulo ng Lahat... Pero mas pinili ni Ivan yung Kabet nya kesa saken kaya dapat Magalit at Magtampo lang ako sa kanya...)

Mayamaya pa'y nagsi-upo na sila Naomi at Ivan.
Yakap-yakap ni Ivan ang Anak nya tapos masayang masaya sya. Bakas yun sa Mukha nya.
Si Jon naman nagkukwento sa Ama nya ng mga Cartoons na gustong gusto nya.
Busy namang nanonood ng T. V. si Kuya Dondon.

Si Naomi nakatingin kay Anya. Nagngingitian silang Dalawa.

"Hays." Bulong ko.

Lumapit si Anya saken.
Pinag-usapan na namen ang Lulutuin namen na Tanghalian.

*
Habang nag-aayos ng Lulutuin.
Sinabi ko kay Anya ang Lahat ng sinabi ni Ivan saken.
Syempre galit ito na hindi makapaniwala.

"Ano? So, yung bruhilda na yon ang may kagagawan ng lahat? E, anong nangyare sa Kuya't pinsan ni Denice na yun?" Bulong ni Anya.

Binulong ko kay Anya ang ginawa ni Josh.
Lumingon ako't nakitang nakatingin si Ivan saken.
Narinig nya ang Tanong ni Anya patungkol sa Kuya at Pinsan ni Denice.

"Wala na sila. Nag suicide." Sabi ni Ivan.

Nabigla kame ni Anya at napatingin sa direksyon ni Ivan.

Ex (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon