Chapter 4

5.1K 246 28
                                    

Started to this part was under revision.


"What is this?"

Nagulat ako nang hawakan nito ang kwentas na ibinigay ni Ace noong  nakaraang araw, hindi ko pa pala nahuhubad.

Kinakabahang napatingin ako sa kaniya at nag hahanap nang pwdeng maisagot.

"U-uhm kay ano..Galing yan kay Jessa na,  kaklase ko. Tinulungan ko kasi siyang gumawa ng project niya noong nakaraan.."

Nakahinga ako nang maluwag ng Tumango-tango ito bago higpitan ang pag kakayakap sa bewang ko at isubsob ako sa matigas niyang dibdib habang naka unan ang ulo ko sa mala bato niyang braso.

Apat na araw  kaming nan ditong dalawa at walang Segundo o minuto siyang pinapalipas na Hindi niya ako napapasaya at pinapa kilig,pero alam namin kung Hanggang saan ang aming limitasyon.

"Calvin?"

"Yes baby?"

"Baka nag aalala na sila Manang dahil wala tayo saatin?"

"No worries.. Naipag paalam na kita."

"Ha? Paano?"

"Sabi ko, isasama kita dito sa Palawan para makapag relax ka dahil may outing ako with my friends."

"Ah..  Talagang nag sinungaling ka pa huh?"

"Yeah! Para lang makasama ka.."

Naka ngiting isinubsob ko ang muka ko sa leeg niya.

Ang bango!

"How about my school?"

Tumingala ako dito kaya ngumiti ito at hinalikan ako sa noo.

"Property natin ang eskwelahan.. Anong problema?"

"Baka lang kasi isipin nila--"

"Shh.. I don't care what they said."

"Sorry.."

"It's okay.. Halika  hindi na mainit mag lakad lakad muna tayo."

Kumalas ito sa pag kakayakap at dahan dahang tumayo at inilahad saakin ang kamay niya.

Inabot ko ito kaya hinila niya din ako patayo.

Nag bihis ako ng damit na pinamili namin no'ng nakaraang araw dahil wala kaming dala ni isang saplot na dala maliban sa suot namin ng pumunta kami dito.

Hinagod nito ng tingin ang kabuohan ko nang makalabas ako, napa ngiti ako ng makitang napa lunok ito ng laway.

Isang off-shoulder na black  at maong short lang ang suot ko,  pero kung makatitig to kala mo handang ma ngain.

Siya naman ay naka Beach short at fitted shirt na kulay gray with matching salamin pa na naka dag-dag sa appeal niya, at hindi din matatago ang ganda ng katawan nito.

"M-mag bihis ka"

"Bakit? Pangit ba?"

"Ayokong mapa away!"

DominatedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon